CHAPTER THIRTY SIX

4.7K 83 0
                                    

CHAPTER THIRTY SIX:  I Love You

(Now playing: Lucky by Jason Mraz)

“Anong ginagawa mo dito?” malakas na tanong ng taong bagong dating.

Napalingon sya sa nagsalita. Di nya mapigil ang nag-uumapaw na saya sa loob nya ng makita ang babae. Ang babaeng hinangaan nya at ang babaeng mahal nya.

“Cinderella.”

Napatingin si Cinderella sa gown na nakasuot sa manikin. Nagmadali syang magpunta doon at ayusin muli ang kurtina na nakatakip doon. Di sya makatingin sa lalaking nasa harap. “Bakit ka nandito sa loob ng kwarto ko? Sinong nagpapasok sa’yo?”

“Cinderella, ikaw ba yun?” mahinang tanong ni Charlie sa dalaga.

Hindi agad nakasagot si Cinderella.

“Ikaw ba yung nakasayaw ko nung gabing yun?” muli ay tanong ni Charlie.

“Hindi na naman mahalaga kung ako ba yun o hindi eh” mahinang sagot nya na hindi pa rin makatingin.

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na ikaw yun?” mahina ring tanong ni Charlie. Titig na titig sya sa mukha ng dalaga.

Napabuntong hininga si Cinderella saka tumingin sa lalaki. “Ikaw? Bakit di mo agad sinabi sa akin na si Charlie Mendez at si Prince Montecarlo ay iisa? Iisa nga lang ba sila o magkaibang tao sila? Sino nga ba sa kanilang dalawa ang totoo?”

Bahagyang lumapit si Charlie at gustong hawakan ang mukha ni Cinderella ngunit bahagya ding lumayo ang dalaga.

“I’m sorry. Sorry kung hindi ko agad naipagtapat sa’yo” malungkot na sabi ni Charlie.

“Bakit nga ba? Ano bang dahilan at di mo kayang ipagtapat sa akin na sinasabi mong kaibigan mo ang totoo mong pagkatao?” may pagtatampong tanong ni Cinderella.

“Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko sa’yo. Pero isa lang ang sigurado ko, na nung makilala kasi kita, ibang saya yung naramdaman ko eh. Kapag kasama kita pakiramdam ko malaya ako. Sa tuwing kasama kita naipapakita ko kung ano talaga ako. Yung totoong ako.”

“Sino nga ba ang totoong ikaw? Hindi ko na kasi alam kung ano ang paniniwalaan ko eh. Nung malaman kong si Charlie at Prince ay iisa, hindi ko na din alam kung yung lahat ba ng pinagsamahan natin ay totoo pa” nababasag ang boses na tanong ni Charlie.

“Hindi ko masabi sa’yo dahil gustong kong makita at makilala mo kung ano ba talaga ako at hindi lang kung sino ako.”

“Bakit? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa akin? Ano bang akala mo? Makikipagkaibigan lang ako sa’yo dahil ikaw si Prince Montecarlo? Ganun ba?” tumulo na ang luha niya.

Hinawakan ni Charlie ang mga braso ng dalaga. “Hindi. Hindi ganun. At kahit kailan hindi kita pag-iisipan ng ganun. Mahalaga ka sa akin kaya ang gusto ko maramdaman mo yun mula sa akin, mula kay Charlie na naging kaibigan mo. Yung Charlie na malayang nakakatawa, nagagawa ang kahit ano na walang nagbabawal, walang nagbabantay. Dahil kahit ako mas pipiliin kong maging isang simpleng Charlie…basta ikaw ang kasama ko.”

Sarkastikong natawa si Cinderella. “So ang sinasabi mo ba, mas gusto mong maging isang simpleng Charlie para sa akin?”

“Charlie or Prince, it’s just the same! Dahil kahit sino sa dalawa mas pipiliing makasama ka. Dahil mahal kita” may panunuyong tono na sabi ni Charlie.

Nabigla si Cinderella sa sinabi ni Charlie. Pilit syang lumayo sa lalaki dahil pakiramdam nya ay lalo syang maiiyak. Kung siguro hindi pa nya alam na si Charlie at Prince ay iisa magiging napakasaya nya dahil alam nyang minahal sya ng lalaki bilang isang simpleng Cinderella. “Ako ba talaga ang mahal mo o ang babaeng nakasayaw mo?”

Naguluhan si Charlie sa ibig sabihin ni Cinderella. “Iisa lang kayo.”

“Maari…pero magkaiba kami. Sya ang babaeng isang beses mo lang nakita pero naramdaman ko agad na may iba ka ng naramdaman para sa kanya. Minahal mo sya sa unang beses mo palang syang nakita. Samantalang ako, ako yung babaeng ang turing mo lang ay isang kaibigan lang” tumalikod pa sya dahil hindi na nya mapigil ang mga nag-uunahang mga luha kanyang mga mata.

Huminga ng malalim si Charlie. “Siguro nga minahal ko sya sa unang beses ko palang syang nakita at nakasayaw. But believe it or not, I also fell in love with you the very first time I laid my eyes on you. Noong unang beses mo akong sinigawan, hinila para harapin ka, kahit puno ka ng spaghetti. Minahal kita noong unang beses kitang makita na masayang nag-aabot ng tulong sa mga evacuees. I love how you eat your cappuccino frappe, how you laugh, how you smile, how your big eyes look at me. I love how your voice sounded every time we talk on the phone and how you say goodnight to me. I love you…no! I’m in love with you from the first day we met up to the moment I’ve learned that you and the girl I’ve danced with is the same.”

Tila sasabog ang dibdib ni Cinderella sa mga salitang narinig.

Iniharap ni Charlie si Cinderella sa kanya. “I’m sorry if I’ve been such a fool for not recognizing you that instance. For not feeling that I’ve danced with the only girl I’ve ever love. And I’m sorry for thinking that I was attracted to another woman. I promise to spend my whole life making it up to you, proving that I can and I will only love one girl and that is you. I’m in love with you since day one. And I promise that I will stay in love with you till the last day of my life, till eternity. Please forgive me my Cinderella?”

Umiiyak lang si Cinderella. Hindi sya makapagsalita, bagkus isang mahigpit na yakap ang ibinigay nya kay Charlie. Mahigpit din syang niyakap ni Charlie. Hinalikan pa ni Charlie ang noo ng dalaga.

Bahagya syang inilayo ni Charlie. Hinawakan niya ang pisngi ni Cinderella. Pinunasan ang mga luha sa pisngi nito. “Ibig bang sabihin…”

Tumango si Cinderella. “Sorry din kung hindi din kita agad nakilala nung gabing iyon. At sorry din kung tinakbuhan kita. At sorry din kung…”

Pinigil ni Charlie si Cinderella sa pagsasalita sa pamamagitan ng isang halik sa labi. “Diba nagpromise tayo na first dance natin ang isa’t-isa? Tinupad naman natin diba?”

Tumango si Cinderella saka ngumiti. “I love you Charlie or Prince Charlie. Thanks for being my prince charming?”

“No, I’d rather be your knight in shining armor. Wait…I have to return something to you.”

Dinukot ni Charlie sa bulsa ang jewelry box. Saka binuksan iyon sa harap ni Cinderella. “I believe this shoe is yours. I just don’t think it will fit you.”

Napabungisngis pa si Cinderella dahil sa sinabi ni Charlie kahit panay pa rin ang tulo ng luha nya. “Thank you. Pamana pa sa akin ng mga parents ko to eh. Salamat talaga.”

“I love you my Cinderella.”

“I love you too my Prince Charlie.”

Dahan-dahang inilapit ni Charlie ang kanyang mukha kay Cinderella. Marahang nagdampi ang kanilang mga labi sa loob ng ilang sandali. They shared the sweetest kiss in the world.

“Yehey!!!” malakas na sabi ni Jessie habang pumapalakpak sa sobrang kaligayahang nararamdaman para sa kaibigan.

“Finally! Nagkaaminan din!” dagdag pa ni Phillip.

Narinig at napanood pala nilang dalawa ang lahat ng pangyayari dahil nasa ibaba lang pala sila ng workshop ni Cinderella.

Parehong nagbablush sina Charlie at Cinderella. Pero muli silang nagyakap nang mahigpit sabay halik pa ni Charlie sa noo ni Cinderella.

A/N

Sa wakas nagkaaminan din. Hehehe. Thanks po sa mga follower ng love story nina Cinderella at Charlie! Please don’t forget to vote and leave your comments!

Xoxo

Rielle Ziyanna

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now