CHAPTER SIXTEEN

5.5K 65 3
                                    

CHAPTER SIXTEEN: Weird Dream

(Now playing: Dreaming of You by Selena)

“Napapadalas ang paglabas nyo ni pogi ah. Kayo na ba?” patuksong tanong ni Doris kay Cinderella sabay kiliti sa tagiliran nito.

Napapiglas si Cidnerella habang natatawa sa pagkiliti ng nakatatandang babae. “Ate Doris naman eh, ikaw talaga. Hindi pa no!”

Nanlaki ang mata ni Doris. “Hindi pa? Ibig sabihin nanliligaw nga sayo si pogi? At ibig sabihin din malapit mo na syang sagutin?”

Nagulat si Cinderella sa sinabi nya. “Mali mali! Let me rephrase my answer. Hindi pa kami at malabong maging kami dahil hindi naman sya nanliligaw sa akin.”

“Weh, di nga? Lagi kayong magkasama, lagi ka nyang hinahatid dito tapos sasabihin mong di sya nanliligaw sa’yo? Ano ibig sabihin nung mga yun?” di makapaniwalang tanong ni Doris sa kasalukuyang umiinom ng gatas na si Cinderella.

“Wala! As in wala lang! Saka ate Doris, hindi ba pwedeng laging magkasama at naghahatiran ang magkaibigan?” hindi rin sure si Cinderella sa tanong nyang iyon.

“Siguro nga, pero sure ka ba talaga na hindi manlang nagpapalipad hangin sayo yung si Charlie?” nagpalumbaba pang tanong ni Doris.

“Sure ako ate. Saka sya na rin naman nagsabi sa akin nun eh. Na friend lang nya ako” may himig na lungkot na sagot nya.

“Sinabi nya yun sa’yo?” nanalaki ang mata na tanong ng kausap nya.

“Oo. Nung minsang magkausap kami sa phone. Sabi nya namiss daw nya akong kausap. Ang saktong sabi pa nga nya sa akin eh, I missed talking to you friend” pagalala nya sa pag-uusap nila sa phone isang gabi.

“Sinabi nya talaga yun? Sure ka ba na tama ka ng pagkakarinig?”

“Ate Doris naman eh ang kulit! Oo nga, yun ang sabi nya sa akin kaya sure ako na friend lang talaga ang turing nya sa akin” pagbibigay diin pa nya.

“Baka naman natotorpe lang” pilit pa din ni Doris.

“Hay naku ewan ko ba sa kanya ate” Napabuntong hininga pa si Cinderella.

Napangiti si Doris sa ekspresyon ng mukha ng kausap. “Eh bakit parang malungkot ka? May gusto ka kay Charlie ano?”

“Ha? Wa…hin…wala no! Friend ko lang talaga yung tao” biglang nagblush si Cinderella.

“Naku po ang alaga ko may nagugustuhan na! Dalaga na!”

“Ate Doris naman eh. Hay naku mabuti pa matulog na ako, maaga pa ang pasok ko bukas sa opisina. Goodnight ate Doris!” pag-iwas ni Cinderella sa panunukso ni Doris.

“Uy! Crush nya si Charlie, crush nya si Charlie!” pakanta pang tukso ni Doris sa pulang pulang dalaga.

Halos patakbong inakyat ni Cinderella ang hagdanan papunta sa kwarto nya. Pagpasok sa kwarto ay patalon syang nahiga sa kama nya hawak ang dibdib nya na sobrang lakas ng kabog. Nagpakawala pa sya ngmalakas na buntong hininga. Nang biglang nagring ang cellphone nya mula sa bag nya. Agad nya iyong kinuha at sinagot.

“Hello?” nakangiti nyang tanong nang mabasa nya kung sino ang tumatawag.

“Hello my Cinderella!” masayang bati ni Charlie mula sa kabilang linya.

Lalong lumaki ang ngiti niya ng marinig ang tawag sa kanya ni Charlie. “Oh bakit ka napatawag?”

“Bakit naman ganyan ang bati mo sa akin? Ayaw mo ba na tumatawag ako?” may himig pagtatampo pag tanong ni Charlie.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now