CHAPTER EIGHT

6.6K 86 0
                                    

CHAPTER EIGHT: Couple’s Shirt

Simula noon ay naging mas madalas ang pagsama-sama ni Charlie sa dalawa. Naging mas close din sina Charlie at Cinderella. At kahit papano ay may alam na rin sya sa kung paano ang lagay ni Cinderella sa bahay nila.

“Ang tagal naman yata ni Jessie. Ano ba ang sabi?” tanong ni Charlie habang naghihintay sila sa waiting shed sa labas ng village nila Cinderella.

“Eh kanina ko pa nga tinetext at tinatawagan di naman sumasagot. Baka papunta na rin yun, baka natraffic lang” nag-aalala na ring sabi ni Cinderella.

“Baka nga” sabay tango ni Charlie.

Biglang nagring ang cellphone ni Cinderella at nakita nyang si Jessie iyon kaya kanya itong sinagot. “Hello Jessie nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay ah.”

Maya-maya ay inilagay na uli nya ang cellphone sa sling bag nya.

“So? Anong sabi nya? Nasaan na raw sya?” curious na tanong ni Charlie.

Napabuntong hininga pa si Cinderella. “Hindi daw sya makakasama eh. Bigla daw kasi dumating yung mga lolo’t lola nya galing probinsya.”

“Ganun ba? E paano yan tayong dalawa na lang ang tutuloy?” tila may anong kislap sa mata ni Charlie.

“Naku e baka naman magalit si Jessie pag tumuloy tayo ng wala sya. Next time na lang kaya” at matipid na ngumiti si Cinderella.

“Sayang naman tong tickets natin. Hindi na marerefund to” lumabi pa sya na parang bata nang biglang nagring ang cellphone nya.

“Oh Jessie bakit? Sasama ka na? Eh pumayag kaya sya? You know her so well. Are you sure it’s going to work? Okay. I’ll try. Thanks. Same to you” at binaba na nya ang cellphone.

“Si Jessie yun? Anong sabi? Sasama na raw sya?” hoping na tanong ni Cinderella.

Nagkibit balikat si Charlie at tinatantsa ang kausap. “Nope! She really can’t. But…she told me that we should go. Magagalit daw sya pag di tayo tumuloy. And she asked me to take pictures as evidence.”

Napanganga si Cinderella. “Ano?! Yun talagang babaeng yun lakas ng trip.”

“Pero kung ayaw mo talaga, okay lang. Tama ka naman, siguro nga may next time pa. But I doubt it, kasi tiyak magiging busy na uli ako sa trabaho. Sayang nga eh, kasi sa totoo lang ito sana yung first time na makarating ako dun eh. I was so excited. I even woke up earlier than usual for this trip. Actually, I haven’t slept well last night because of so much excitement. Pero ganun talaga eh. Hindi naman tayo pwedeng tumuloy ng wala si Jessie. So okay lang” paawa effect ni Charlie with matching pout pa ng lips na parang bata.

Nakatitig lang si Cinderella sa lalaki. Kahit pigil na pigil ang tawa dahil sa itsura ng lalaki hindi nya mapigil na maawa dito. Ang tingin ni Cinderella kay Charlie ay mas naging cute ito dahil sa ginagawang pagpapaawa.

“Sige na nga!” bigla nyang sabi kay Charlie.

“What do you mean?” biglang nagliwanag ang mukha nya.

“Sige na tumuloy na tayo. Sayang naman yung mga tickets saka nakaready na naman tayo. Bayaan mong mainggit si Jessie dahil di sya nakasama. Saka nakakaawa ka naman. Parang anytime iiyak ka na” at saka ngumiti si Cinderella ng ubod ng tamis.

Napangiti rin si Charlie nang naisip nyang tama ang payo ni Jessie na magpaawa effect sya dahil talagang malambot ang puso ni Cinderella. At lalong napangiti sya nang mapagmasdan ang magagandang ngiti ng dalaga.

Nagdrive sila ng halos tatlong oras papunta sa Sta. Rosa sakay ng Mini Cooper ni Charlie. Nang makapagpark sila ay bumaba si Charlie para pagbuksan ng pinto si Cinderella. Namewang pa si Charlie habang nakatingin sa entrance ng theme park.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now