CHAPTER TWENTY TWO

5.1K 65 1
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: Beauty Rest

“Cinderella I can’t believe that you actually made this! I have to admit, you’re really good!” papuri pa ni Annie sa mga gowns na gawa ni Cinderella para sa kanila.

“Thank you ate Annie” natutuwang sabi ni Cinderella.

“Mama, ate Annie look! Para talaga akong royalty sa gown na ito!” excited na sabi ni Giselle habang paikot ikot sa harap ng isang full length mirror.

“Magaling Cinderella! May napala ka din pala kahit papaano sa fashion designing course na kinuha mo” sabi ni madam Gretta na may halong pang-uuyam.

“I’m sure mapapansin talaga ako ni Prince!” kinikilig pang sabi ni Giselle.

“Hay naku Griselda hindi ka pa rin pala tumitigil sa ilusyon mong yan. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ako ang magugustuhan ni Prince at hindi ikaw” pang-aasar ni Annie sa kapatid.

“Tse! Teka Cinderella nasaan na nga pala yung isusuot mo? Naku baka dahil sa pagaasikaso mo sa isusuot naming eh di ka nakagawa ng gown mo” waring pag-aalala ni Giselle.

“Hindi naman ate Giselle. Natapos ko na rin naman yung isusuot ko eh” masayang sabi ni Cinderella.

“Talaga? Ang bilis mo naman palang gumawa. Pwedeng makita?” seryosong tanong ni Annie.

“Oo naman. Sandali lang kukunin ko lang sa taas” at nagmamadaling lumabas si Cinderella sa kwarto ng mga step sisters.

“Akala ko ba di nya kayang yariin yung damit nya?” tanong ni Giselle sa kapatid.

“Aba malay ko bang ganun sya kabilis gumawa?” inis na sagot ni Annie.

“Tignan nalang muna natin yung damit nya. I’m sure dahil minadali nya yun ay di yun ganun kaganda” sabi naman ng konsintidor na si madam Gretta.

Dumating na si Cinderella dala ang nakahanger na sapphire blue na gown nya. “Ito na yung damit ko. Mas simple nga lang hindi kagaya ng designs ng sa inyo.”

Namangha ang tatlo ng makita ang asul na gown. Ang tela nito ay kumikinang habang tinatangay ng hanging dala ng ceiling fan. Kokonti nga lang ang mga bead works nito ngunit mas matingkad ang kagandahan dahil sa kasimplehan. Kuminang ang inis at inggit sa mga mata ng tatlong babaeng nasa harap nya.

“O…oo nga. Maganda sya kaso masyado nga lang simple. Bagay na bagay sa’yo yan Cinderella. Paano dapat yata ipadry clean na natin ang mga ito dahil sa makalawa na ang ball” seryosong sabi ni Annie.

***********

“So ano kumusta naman ang reaksyon ng mga kapatid at madrasta mo?” mataray na sabi ni Jessie ng dumalawa ito sa bahay nila Cinderella.

“Nagustuhan naman nila. Masaya nga talaga ako kasi nagustuhan nila yung mga gawa ko!” masayang kwento ni Cinderella.

“Aba dapat lang! Pagkatapos silang makatipid sa pagpapagawa ng magandang gown. Ni pameryenda di ka manlang nila binigyan no! Tapos parang pang top designer pa ang gawa mo! Ang saya lang nila!” malakas na sabad ni Doris habang hinahain ang mga slice ng cake at juice sa harap ng dalawang dalag na nakaupo sa lanai.

“Ate Doris marinig ka nung mga mangkukulam!” pabulong na biro ni Jessie.

“Naku hindi yun!” sagot naman ni Doris.

“Malakas ang loob nyan kasi alam nyang wala sila!” natatawang sabi ni Cinderella.

“Kaya naman pala eh! Eh nasaan ba ang mga bruha?” tanong ni Jessie.

“Ano ba kayong dalawa? Napakabad nyo! Palibhasa wala yung mga tao eh kung makatawag kayo! Eh ang alam ko magpapaspa sila ngayon eh” nailing na sabi ni Cinderella.

“Sosyal ang mga bruha! May pa spa spa pa!” inis na sabi ni Jessie.

“Eh kasi bukas na yung masquerade ball.”

“Oo nga pala no? Eh teka! Bakit di ka nila sinama? Diba aattend ka din naman dun?” galit na tanong ni Doris.

“Naku hindi ko naman kailangan yun. Okay lang ako! Saka hindi ko naman kilala yung mga tao dun bukod pa dun nakamaskara naman kaya wala naman makakapansin sa akin dun. At hindi naman ako ang may paparty” sabi ni Cinderella sabay subo ng cake.

“May point ka dun friend! Saka di mo na need yun. Maganda ka na! And I’m sure pag suot mo na yung gown mo, kakabugin mo lahat ng kadalagahan dun!” proud na sabi ni Jessie.

“Mismo!” sabi naman ni Doris at nag apir pa ang dalawa.

“Teka meron na bang mag-aayos sa yo?” tanong ni Jessie.

“Sila mama kasi may tinawag na make up artist. Ang alam ko magpapahome service sila eh. Kaya baka kasama na ako dun” di siguradong sagot nya.

“Okay. Pero incase na may kailangan ka pa tawagan mo lang ako ha at ako ang bahala sa’yo!” excited na sabi ni Jessie.

“Salamat sa inyo!” nakangiting sabi ni Cinderella.

Biglang tumunog ang cellphone ni Cinderella kaya kanya itong sinagot agad.

“Hello?”

“Hello my Cinderella!” masayang bati ng nasa kabilang linya.

“Charlie? Bakit ibang number ang gamit mo?” takang tanong ni Cinderella dahil hindi nakaregister ang phone number na gamit ng lalaki.

Sina Jessie at Doris naman ay nagkatinginan at sabay na tinignan si Cinderella nang patukso. Pinanlakihan naman si ni Cinderella ng mata.

“Landline ang gamit ko eh. Nakitawag lang ako, di ko kasi makita yung cellphone ko eh.”

“Okay. Eh bakit ka nga pala napatawag?”

“Sasabihin ko lang sana na baka di ako makakatawag mamayang gabi. May aasikasuhin lang kasi ako eh” kahit sa telepono lang iyon ay nakikinita kinta ni Cinderella na napakamot pa si Charlie sa batok nya.

“Ganun ba? Oh sige okay lang. Saka hindi naman kasi kailangang gabi-gabi ka tumawag eh” may bahid lungkot na sabi niya.

Sila Jessie naman ay namemake face kaya di mapigil ni Cinderella na mapangiti.

“Naku hindi pwede! Alam mo namang hindi kumpleto ang araw ko pag di kita makakausap eh!”

Kinilig naman si Cinderella sa sinabi na iyon ni Charlie.

“Naku gumaganun ka pa! Sige na alam kong busy ka!” natatawang sabi niya dahil sa ginagawa nila Jessie sa harap nya.

Basta kung sakaling makasingit ako ng time tatawagan kita ha! But if in case you’re sleepy already you can go to sleep! Anyway we might see each other tomorrow night at the ball. And speaking of the ball, I won’t hold you for so long because I know that you need to have your beauty rest!” malambing na sabi ni Charle.

“Okay! Ikaw din, alam kong magiging busy ka din bukas so kailangan mo din ng beauty rest!” biro pa niya sa lalaki.

Narinig nya ang tawa ng lalaki sa kabilang linya. “Paano, I have to go. I need to attend to something. Bye my Cinderella!”

“Bye Charlie!” paalam niya sa kausap bago tuluyang maputol ang linya.

“Ate Doris, sinong may kailangan sa Prince Montecarlo na yan kung may sarili ka nang prince Charming?” tukso ni Jessie na kunwari ay si Doris ang kinakausap.

“Hindi ako!” sagot naman ni Doris!

“Ikaw Cinderella? Ano sa tingin mo?” tanong ni Jessie.

“Ewan ko sa inyo!” nakangiting sagot ni Cinderella sabay tayo at pasok sa loob ng bahay.

Naiwang nagtatawanan ang dalawang babae.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now