CHAPTER TWELVE

6K 73 1
                                    

CHAPTER TWELVE: Spaghetti, Frappe and Gondola

“Hay naku kahit kalian yang Charlie na yan lagi na lang tayong pinaghihintay ha! Gutom na ako! Anong oras na?” nakangusong sabi ni Jessie habang nakaupo sila sa isang gazebo sa tabi ng manmade lagoon sa park.

“Baka naman may inasikaso lang yung tao kaya nalate” depensa naman ni Cinderella.

“Uy bago yan ha. So dinedepensahan mo na yung tao ngayon? Ano ‘to? May di ba ako alam?” panunukso ni Jessie.

“Luka! Hindi no! Tinatry ko lang ijustify yung pagiging late nya. Saka ikaw naman kasi eh, biglang bigla kang tatawag na gusto mong maghang out. Malay mo naman may trabaho yung tao ngayon” napailing pa si Cinderella.

“Naku Ella, iba na talaga yan ha. Anyway hindi naman talaga ako ang may idea nitong hang out na ‘to no. Si Charlie talaga ang unang tumawag at nag-aya. Ako lang ang tinawagan nya kasi daw baka di ka daw pumayag. Kasi daw tuwing magtetext sya sa’yo puro one liner lang isinasagot mo. Magpakita ka naman ng interest sa tao no!” mahabang kwento ni Jessie.

“Ano bang interest ang gusto mo? Syempre pag nagtext sya ng good morning syempre good morning din ang isasagot ko. Pag naman nangamusta sya sinasagot ko ng heto, okay lang. May masama ba sa mga sagot ko?” takang tanong ni Cinderella.

“Hay naku ewan ko sa inyong dalawa! Pareho kayong dense! Ang labo nyo! Oh speaking of the devil este your prince charming” sabay nguso sa parating na lalaki.

“Hi ladies! I’m sorry we’re late. Nagdaan pa kasi kami sa resto para mag-order ng favorite food mo!” sabay flash ng makasilaw na ngiti kay Cinderella at abot ng isang paper bag na may lamang mga packs.

“Spaghetti?” excited namang kinuha ni Cinderella ang paper bag at inilabas ang mga packs ng pagkain.

“And Capuccino Frappes!” masigla pang pahabol ni Charlie.

Para namang batang napapalakpak si Cinderella.

“Dense’ bulong ni Jessie sa tenga ng kaibigan.

Tinignan lang niya ang kaibigan sabay balik ang pansin kay Charlie. “Thank you Charlie!”

“You’re welcome my lady” nakangising sagot ni Charlie sabay Indian seat sa tabi ni Cinderella.

“Ehem!” pagtawag ng pansin ng kasama ni Charlie na tila nakalimutan na nya.

“Ay sorry! I’m sorry bro, I almost forget about you. Ladies, let me introduce my bestfriend, Phillip Park. Phillip, these are my lovely friends, Jessie Domingo and Cinderella Buenavista” pagpapakilala ng binata sa mga kaibigan.

Masayang nginitian ni Phillip ang dalawa. Kinamayan nya si Cinderella. “Nice meeting you Cinderella, finally the face behind the mystic name.”

“Nice meeting you too Phillip” at nginitian niya ang binata.

“It’s my great pleasure to meet such a lovely lady like you, Ms. Domingo” at kinamayan nya si Jessie pero di nya agad iyon binitiwan. Nakatitig lang sya kay Jessie na para namang mansanas sa pula.

Si Jessie naman ay wala ring kakurapkurap sa pagkatitig kay Phillip. “Same here and you can just call me Jessie.”

Nagkatinginan naman sina Charlie at Cinderella dahil sa nangyayari sa harap nila at di nila mapigilang magkangitian.

“Ehem!” sabay na sabi ng dalawa dahila para biglang magbitaw ng kamay ang dalawang kaibigan.

“Pwede na ba tayong kumain?” nakangitng tanong ni Charlie.

At pinagsaluhan nila ang dala-dala nilang pagkain. Pero parang di makakain si Jessie and for the first time tahimik lamang sya at di humihirit ng pang-aasar sa dalawa.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now