CHAPTER THIRTY SEVEN

4.7K 82 3
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN: Meet the Family

 

“So si Cinderella pala yung babaeng yun?” tumatahip ang dibdib na sabi ni Annie dahil sa sobrang galit na nararamdaman.

“Isn’t that romantic?” kinikilig naman na sabi ni Giselle.

“Romantic ka dyan! Inagaw ni Cinderella ang atensyon ni Prince! Ang atensyon na dapat ay sa atin, sa akin!” galit na sabi ni Annie sabay hagis ng nadampot na throw pillow.

“Nakita mo naman diba ate yung nangyari? Ang I’m sure narinig mo din lahat ng sinabi ni Prince dahil todo silip mo sa pintuan ng kwarto ni Cinderella kanina! They’re in love with each other! And Prince loves Cinderella right from the beginning! Ibig sabihin they’re really meant to be together!” dreamy na paliwanag ni Giselle sa kapatid.

“Tama ang kapatid mo!” malakas na sigaw ni madam Gretta na biglang pumasok sa pintuan ng kwarto ni Annie.

“See? Kahit si mama kampi sa akin!” pagmamalaki pa ni Giselle.

“Hindi ikaw ang ibig kong sabihin! Tama ang ate Annie mo! Inagaw ni Cinderella ang atensyon ni Prince! Kaya hindi natin ito dapat palampasin” matiim na sabi ng ina ng dalawa.

“Mama?” nag-aalalang sabi ni Giselle.

“Makikita ng Cinderella na yan. Ipapaalam ko sa kanya na hindi nya dapat ako kinakalaban” nakataas ang kilay na sabi ni Annie.

Nag-aalala naman si Giselle sa binabalak ng kapatid at ina.

********

“Mom, Dad, I would like to introduce to you Cinderella” pakilala ni Charlie kay Cinderella sa mga magulang.

“Hi Cinderella, it’s my pleasure to meet you” nakangiting sabi ni Don Ricardo.

“The pleasure is mine sir” magalang na sabi ni Cinderella sabay kamay sa matandang lalaki.

“Son, I already know Cinderella. We’ve met already. She’s the god daughter of Renee” naguguluhang sabi ni Lady Priscilla ngunit nginitian pa din si Cinderella.

“I know mom. But now I have to introduce her as my girlfriend” masuyo pang tinignan ni Charlie ang dalaga sabay akbay dito.

“Girlfriend?” di makapaniwalang sabi ng ina.

Kinabahan naman bigla si Cinderella dahil nangangamba syang di sya tanggapin ng mga magulang ni Charlie.

“Yes mom. We’ve been friends for quite some time now, but I’ve realized that it’s not just friendship. I realized that I’ve been in love with her since the day I met her. And to my surprise, I’ve learned that she’s also the mysterious girl I danced with. So it means that I fell in love with her twice” nakangiti pang kwento ni Charlie.

Si Cinderella naman ay nangingilid pa ang luha sa mga sinasabi ng nobyo.

Inakbayan ni Don Ricardo ang anak. “I’m so happy for you son. Finally, you found what you’ve been looking for.”

“Thanks dad. Mom?”

Tulala pa rin ang ina nya. Kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Cinderella.

“At last, the daughter I’ve been dreaming of!” walang anu-ano’y malakas na sabi ni Lady Priscilla sabay mahigpit na yakap kay Cinderella.

Natawa naman ang dalawang lalaki samantalang si Cinderella ay napanganga na lamang sa gulat.

“I now have someone I can go shopping with!” excited na sabi ng matandang babae.

“Mommy you’re so lucky because Cinderella is a fashion major” proud na kwento ni Charlie sabay akbay uli sa dalaga.

“Oh yes, Renee told me that!” nakangiting sabi nito.

Namula naman bigla si Cinderella sa sobrang sayang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

“I think this calls for a celebration!” masayang sabi ng nakatatandang lalaki.

“I heard someone say celebration!” malakas na sabi ni Phillip mula sa pintuan kasama si Jessie.

Nang araw na iyon ay magkakasama silang nagcelebrate at pinagsaluhan ang pinahandang mga pagkain nina Don Ricardo at Lady Priscilla.

“Teka nga hindi mo pa nga pala pinapaliwanag sa amin kung bakit ang pakilala mo sa amin ay Charlie Mendez? Yung Charlie maiinitindihan ko, pero yung Mendez saan galing yun?” tanong ni Jessie habang nakaupo silang apat sa harap ng pool sa mansion nila Charlie.

“Well, yung Mendez kasi ay middle name ng Daddy. Saka hindi kasi talaga ako nagpapakilalang si Prince Montecarlo kasi nga ayoko naman ng special treatment. Usually kasi pag nalaman nilang isa akong Montecarlo at anak ako ni Lady Priscilla eh medyo OA ang mga reaksyon ng mga kaharap ko. Pakiramdam ko tuloy nakakasakal, yung hindi ako Malaya” seryosong kwento ni Charlie habang nakatingin kay Cinderella.

“Alam naman naming may foreign blood ka pero hindi naman naming akalain na half British ka pala. Hindi naman kasi blond ang buhok mo tapos napakahusay mo pang mag Tagalog!” dagdag pa ni Jessie.

“Hindi naman kasi lahat ng taga UK blond no” sagot naman ni Phillip.

“Sabagay nga” sangayon naman ni Jessie.

“Saka kaya ako mahusay magtagalog kasi yung yaya ko noong bata pa ako eh Filipina. At sinigurado ng Daddy na kaya kong makaintindi at magsalita ng Filipino. At kung hindi naman masyadong obvious I am my father’s son that’s why I got my looks from him!” biro pa ni Charlie.

“Except your eyes. Nakuha mo kay Lady Priscilla yung gray eyes mo” sagot naman ni Cinderella.

“Kaya pala lagi kang nakatitig sa mga mata ko ha! Naattract ka pala sa beautiful gray eyes ko!” tukso pa ni Charlie sa nobya sabay kiliti pa dito.

“Feeling naman masyado to! Ikaw nga dyan patukso tukso ka pa na malaki mga mata ko yun pala yun ang nagustuhan mo sa akin!” balik tukso naman ni Cinderella.

“Kahit naman malaki yang mga mata mo eh bagay naman sa’yo eh. Mukha ka kasing manika” malambing na sabi ni Charlie sabay halik sa dulo ng ilong ni Cinderella.

“Awww! Oh my goodness! PDA much! Pwede ba wag sa harap ko!” waring irap pa ni Jessie.

“Bakit my loves? Naiinggit ka ba?” nakangisi namang tanong ni Phillip.

“Naku pwede ba Phillip Marcus Park, wag ka nang magpacute!” sabi ni Jessie.

“Bakit naman?”

“Kasi lalo akong naiinlove sa’yo eh!” sabay malakas na tawa ni Jessie na halata namang kinikilig.

“Itong dalawang to ang harot! Bagay talaga kayong dalawa!” masayang sabi ni Cinderella.

Sumandal pa sya sa balikat ni Charlie habang nakaupo sila sa isang mahabang rattan na upuan. Pinagmasdan nya ang lalaking minamahal at ang mga kaibigan. Pakiramdam ni Cinderella ay wala na syang mahihiling pa ng mga sandaling iyon. Masaya sya dahil sa wakas ay nakita na nya ang lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin nya gaya ng sa mga fairy tale na binabasa ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

A/N

Nalalapit na po ang pagsasara ng kwento nila Cinderella at Charlie kaya sana po ay hwag kayong bibitiw. Patuloy nyo pong suportahan ang I Am Cinderella hanggang sa dulo. Maraming salamat po sa lahat ng nag vote, nagcomment at magvovote at mag cocomment palamang.

Thank you po talaga.

Rielle Ziyanna

I AM CINDERELLAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant