CHAPTER TWENTY FOUR

5.2K 67 5
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR: Fairy Godmother

“Nasaan na ang mga bruha na yan?!” malakas na hiyaw ni Jessie pagpasok palang sa loob ng bahay ng mga Buenavista.

“Umalis na. Baka naroon na sa party at nilalasap na ang tagumpay ng kanilang kamalditahan!” galit ding sabi ni Doris.

“Mga maldita! Huwag lang silang magpapakita sa akin at talagang kakalbuhin ko sila!” galit na galit na sabi ni Jessie.

“Huwag kang mag-alala at uunahan na kita!” sagot naman ni Doris.

Napahinga pa ng malalim si Jessie para maging mahinahon. “Nasaan na nga pala si Ella ate Doris?”

Lumungkot ang mukha ni Doris. “Nasa kwarto nya. Hindi nya napigilang maiyak kanina. At kahit alam nating hindi naman mahilig sa mga party si Cinderella, kahit papaano naman naghanda na sya at inexpect na nyang makakasama sya. Pero talagang sumama ang loob nya dahil sa ginawa nung mag-iina.”

“Paano kayang magandang gawin ate Doris? Ayokong makitang nalulungkot yung friendship ko na yun. Ang dami na nyang lungkot na naranasan. Gusto ko naman sana kahit minsan, kahit ngayon lang sana maramdaman naman nya na special din sya” malungkot na sabi ni Jessie.

“Kung kaya ko lang sanang gumawa ng bago at mas magandang gown sa dati nyang gown na inagaw ni Annie wala sana tayong problema ngayon” nakatulalang sabi ni Doris.

“Alam mo ate Doris, tama ka. Kailangan natin ng isang gown na kakabog sa suot nung tatlong maldita” at naningkit pa ang mga mata ni Jessie dahil sa naisip. Nagtaka naman si Doris kung ano ang iniisip ng kaharap.

“Friend?” marahang sumilip si Jessie sa pintuan ng kwarto ni Cinderella.

Nakadapa si Cinderella sa kama nya at nagmumukmok. Napalingon sya sa nagsalita. “Jessie? Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito? Pasok ka.”

“I heard about what happened. Those bi****s will surely pay for what they’ve done to you!” mataray na sabi ni Jessie sabay upo sa gilid ng kama.

“Jessie, that’s bad word! Bayaan mo na sila. Baka di lang talaga ako para sa mga ganun” pilit na ngumit si Cinderella.

“Alam mo friend, there’s a very thin line between being mabait and being tanga! And you know what, sa sinasabi mong yan parang napupunta ka na dun sa huli! Tumugil ka nga dyan! Anong bayaan ang sinasabi mo? Bumangon ka dyan, aalis tayo!” hinila pa ni Jessie ang kamay ng kaibigan.

Nagtaka naman si Cinderella. “Saan naman tayo pupunta?”

“Basta bumangon ka na dyan at magbihis ka!” at pilit nyang itinayo ang kaibigan.

Tinulak pa nya si Cinderella sa walk in closet nito.

“Just make sure that you’ll wear a strapless bra!” pahabol pa ni Jessie.

Napalingon si Cinderella sa sinabi ng kaibigan. “Ha?”

“Basta sundin mo na lang ako okay? Shoo!” pagataboy ni Jessie sa kaibigan.

Pagkabihis ni Cinderella ay mabilis syang hinila ni Jessie papunta sa kanyang black Honda City. Nagulat pa sya nang makitang nakasakay na sa loob si Doris.

“Ate Doris?”

“Syempre sasama ako sa gala no! Pwede ba naman akong magpahuli?” sabi nito habang nakaupo sa backseat.

“Saan ba kasi talaga tayo pupunta?” takang tanong ni Cinderella.

“Basta kasi maupo ka lang dyan! Relax! Kaming bahala sa’yo!” nakangising sabi ni Jessie.

I AM CINDERELLANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ