CHAPTER TWENTY NINE

5.4K 67 11
                                    

CHAPTER TWENTY NINE: Birthday Celebration

“Cinderella! Cinderella!” tawag ni Doris mula sa labas ng pinto ng kwarto niya.

Nagmadali nyang pagbuksan ng pintuan si Doris. Kasalukuyan syang nagsusuklay ng kanyang mahabang buhok dahil katatapos pa lamang nyang maligo.

“Oh ate Doris, bakit?” tanong nya sa babaeng tila hingal na hingal at halos hanggang tenga ang pagkakangiti.

“May bisita ka!” excited nitong sabi.

“Bisita? Sino?” nagtataka sya dahil wala syang inaasahang bisita.

“Si Pogi! Nandyan si pogi sa baba!” kinikilig na sabi ni Doris.

“Sinong pogi?”

“Si ano, si Charlie! At may dalang isang bouquet ng bulaklak!”

Natahimik si Cinderella. Nagulat syang malamang nasa ibaba si Charlie at napangiti pa sya ng malamang may dalai tong bulaklak.

Magkahawak pa ang kamay na bumaba ang dalawang babae. Nasa hagadanan pa laamng ay natanaw na ni Cinderella ang binata na nakatayo at tumitingin ng mga litrato sa display cabinet. Gwapong gwapo ito sa suot na v neck shirt, faded jeans at white sneakers.

“Charlie?” mahinang tawag ni Cinderella.

Biglang humarap si Charlie. Lumabas ang napakagandang ngiti nya nang makita si Cinderella sa may hagdanan. Pinagmasdan pa nya ang dalaga na nakasuot ng isang floral na maxi dress habang ang basing buhok nito ay nakaladlad lamang. Isang matamis na ngiti ang iginanti sa kanya ng dalaga na tila nagpabilis ng tibok ng puso nya.

“Cinderella” ang tangi nyang nasabi.

“Anong ginagawa mo dito?” mahinang tanong ni Cinderella.

“Uhm…dinadalaw ka! Nga pala…sunflowers for a sunshine like lady!” sabay abot ng isang bouquet ng sunflowers.

Nagblush si Cinderella sa tinuring ni Charlie. “Thank you. Please sit down.”

“Thanks” nagbablush ding sagot ni Charlie sabay upo sa sofa.

“Uh…ano nga palang…ano nga palang gusto mo? Juice, coffee, anything?” nauutal na tanong ni Cinderella.

“Kahit ano na lang” tanging sagot ni Charlie na napakamot lang sa batok nya.

“Ate Doris…” di pa tapos magsalita ay tumalima na si Doris.

“Right away!” kinikilig na sabi ni Doris sabay punta sa kitchen.

“Bakit ka nga pala biglang nadalaw?” naupo si Cinderella sa couch sa gilid ng kinauupuan ni Charlie.

“Diba sabi ko nga dinadalaw kita?” nakangiting sabi ni Charlie.

“Bakit naman?”

“Dapat ba may dahilan para dumalaw sa taong gus…ma…mahalaga sa’yo?” napapikit pa si Charlie habang ramdam nya ang pamumula ng pisngi niya.

Si Cinderella naman ay nagblush sa narinig at di nakapagsalita.

“Saka…saka diba sabi mo nung isang araw sumama ang pakiramdam mo kaya di ka nakarating sa party? Kaya heto, naisipan kong dalawin ka to check if you’re well na talaga. Saka matagal tagal na rin tayong di nagkikita at nakakapagbonding eh” nagpunas pa ito ng pawis.

Dumating na si Doris dala ang dalawang baso ng juice at slices ng braso de Mercedes. Nakangiti ito kay Cinderella na nanunukso. Kinunutan lang nya ito ng noo.

“Salamat ate Doris.”

“Thanks ate Doris!” sabi din ni Charlie.

“No problem pogi este sir Charlie!” nakangiting sagot ni Doris. Umalis din sya agad. Pero nakita ni Cinderella na nakasilip pa rin ito sa pintuan ng kusina kasama ng ilan sa mga kasambahay nila.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now