CHAPTER THIRTY TWO

4.9K 70 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO: Falling Petals and Tears

 

“Uy friend, ano namang say mo sa tsismis na pinapahanap ka daw ni Prince Montecarlo?” excited na tanong ni Jessie.

“Uy ano ka ba Jess wag kang masyadong maingay, baka may makarinig sa’yo” mahinang sabi ni Cinderella sa kaibigan.

“Ano naman, eh talaga namang ikaw yun eh! Saka kung totoo man yun naku friend nakakaloka! Ibang level na ang beauty mo! Imagine pinapahanap ka ni Prince! Cinderella na talaga ang peg mo! Teka, nasaan yung shoes mo?” kinikilig na sabi ni Jessie.

“Anong shoes? Hindi ko naman naiwan yung sandals ko dun. Ang nawala sa akin eh yung mascara at hikaw ko. Speaking of hikaw ang sabi nung hotel staff wala daw silang nakita eh. Wala din naman daw nagsauli. Nalulungkot talaga ako” lumungkot ang mukha ni Cinderella.

“Malay mo friend hindi nga shoes yung naiwan mo pero si Prince naman pala ang nakapulot ng hikaw mo? Tapos pag nagkita kayo isasauli nya sa’yo yun tapos aalukin ka na nyang pakasal! Ay! Grabe nakakakilig talaga!”

“Naku Jessie grabe na talaga yang imagination mo ha. Saka kung si Prince man ang nakapulot nun eh di sana sinabi nya sa hotel diba? Saka tiyak kong tsismis lang yung mga sinasabing pinapahanap nya yung nakasayaw nya nung gabing yun” kibitz balikat na sabi ni Cinderella.

“Ano ang tsismis na yan?” biglang tanong ni Phillip mula sa likuran. May dalai tong dalawang kahon ng pizza.

“Kayo talagang mga girls, wala na kayong pinagkaabalahan kung hindi tsismis!” singit naman ni Charlie na may dala namang apat na cups ng juice.

Naupo sila sa blanket na nakalatag sa favorite spot nila sa park.

“Grabe naman kayo. Hindi naman kami mahilig sa tsismis! May pinag-uusapan lang kaming importanteng bagay” sagot naman ni Jessie.

“Ano naman yun?” tanong pa ni Phillip.

Nagkatinginan ang dalawang babae. Kinunutan ng noo ni Cinderella si Jessie para pigilan sa pagkukwento. Pero hindi na nagpapigil ang kaibigan.

“Wala naman. Pinag-uusapan lang namin yung tungkol dun sa mga balita ngayon tungkol sa nangyari sa masquerade ball ng mga Montecarlo.”

“Ano naman ang tungkol dun?” tanong ni Charlie.

“Eh kasi may mga lumalabas na balita ngayon na pinapahanap daw ni Prince yung babaeng nakasayaw nya dun sa party. Yung nag-ala Cinderella na tumakas before midnight?” nakangisi pa si Jessie na nakatingin kay Cinderella na tila kinakabahan naman.

“Talaga? Totoo naman kaya yun?” nakangisi din na tanong naman ni Phillip na nakatingin kay Charlie na di rin mapakali.

“Ewan ko. Kayo nga ang tatanungin ko, Kung kayo si Prince Montecarlo, hahanapin nyo ba yung babae na nakasayaw nyo?”

“Kung ako yun, depende siguro. Kung merong attraction at ibang feelings akong naramdaman hahanapin ko talaga sya. Pero kung may iba naman akong nagugustuhan, pwede na rin sigurong hindi na. Ikaw Charlie anong gagawin mo?” tila nang-iinis na tanong ni Phillip kay Charlie.

“Ha? Ang totoo nyan, hindi ko alam. Ewan ko. First of all, sya naman ang tumakbo eh. So bakit ko pa sya hahanapin? Pero dahil hindi ko manlang sya nakilala, naintriga tuloy ako. Paano kung…sya na pala yung hinahanap ko?” seryosong sabi ni Charlie.

Si Cinderella naman ay nakatahimik lang na ninanamnam ang sinabi ni Charlie.

“Wow Charlie ah! Parang ikaw talaga si Prince ah!” biro pa ni Jessie.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now