Madilim ang kwarto nito kaya naman hindi niya makita ng maayos kung nasaang parte ito ng silid. Agad siyang lumapit sa bed side table nito at binuksan ang lampshade nito upang makita ito ng maayos.

Ng tuluyang magliwanag ang silid nito at nakita niya ito habang nakahiga sa gitna ng kama nito habang nagpapabaling baling ang ulo nito. Pawisan ito at punong puno ng luha ang buong mukha nito.

He knew from the sight of her that she is having a a bad dream. Pero gaano nga ba kasama ang panaginip nito at para itong namatayan kug tumangis. Ganoon ba kasama ang panaginip nito para umiyak at halos magmakaawa ito sa kanyang panaginip.

"No please stop. Stop it. Please Im begging." Mahinang sabi nito habang patuloy na umiiyak. He knew she was having a bad dream dahil na din sa mga lumalabas na salita sa bibig nito habang natutulog. Akmang gigisingin niya ito ng muli itong magsalita na ikinatulos niya sa kanyang kinatatayuan. "Stop this Kristoff. Dont do this to me please. Stop it. Ayoko please. Stop. Please Im begging you stop this. Ayoko nagmamakaawa ako sayo. Noooooooo!! Stooooooop!!" she scream at nagsimula na namang umiyak.

Gusto niyang bugbugin ang sarili niya dahil sa nasasaksihan niyang pag iyak nito dahil sa kanya. Yes alam niya na siya na naman ang dahilan kung bakit umiiyak na naman ito. It is clear as a water na siya na naman ang may kagagawan sa pag iyak nito.

Fuck it!

Kahit sa panaginip ay pinapaiyak niya ito. Kahit sa panaginip sinasaktan niya ito.

Marahan siyang lumapit dito at marahang tinapik tapik ito sa pisngi para magising ito.

"Marie, baby wake up." Gising niya dito. Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi nito pero hindi pa din ito nagigising.

"Stop this." Mulin ungol nito.

"Marie wake up. Baby please wake up, you're making me worried. Marie." Niyugyog niya ang balikat nito ng malakas para magising ito.

"No! Stoooooooooooooop!" She scream at napaupo ito buhat sa pagkakahiga sa kama. Itinakip nito ang dalawang palad sa mukha nito at humagulhol. Sa bawat pag iyak nito ramdam niya ang sakit doon. Sa bawat pag hikbi nito naririnig niya ang paghihirap ng kalooban nito.

Sa bawat pag iyak nito ay parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. What have he done to her. Anong ginawa niya at naging ganito ang mahal niya. Anong ginawa niya para magdusa ng ganito ang babaeng mahal niya.

"Marie.." he called her at nakita niya kung papano ito manginig.

Buhat sa pagkakayupyop nito sa sariling mga palad nito ay unti unti itong tumingin sa kanya. Nanginginig ito at nakikita niya ang takot sa mga mata nitong punong puno pa din ng luha.

Akmang hahawakan niya ito ng bigla nalang itong sumigaw.

"Nooooooo! Dont come near me! Ayoko! Ayoko!" She histerically scream at nagsumiksik sa head board ng kama nito. She cover herself with the comforter na ang ulo lang nito ang nakikita niya.

Nakatingin ito sa kanya gamit ang mga matang punong puno ng takot. Nakikita din niya ang sobrang panginginig ng katawan nito kahit natatakpan pa iyon ng comforter.

"Marie it me, Kristoff." Aniya dito at naglakad sa kabilang parte ng kama kung saan ito nagsusumiksik.

"No! Wag kang lalapit! I dont want you near me! Ayoko na! Ayoko na please. Stop. Ayoko ng masaktan stop it!" She said while cryonh so hard that makes his body weak. Her cry broke his heart over and over, but he knew there is no one to be blame except him. He is the reason why she is like this.

Parang wala ito sa sarili nito ngayon. Wala na yung Marie na pilit itinatago sa kanya ang nararmdaman nito. Wala na yung Marie na nakasama niya these past few weeks, wala na yung malamig na Marie. What he can see right now is how vulnerable she is. Takot na takot ito sa isang bagay na hindi niya alam kung ano. Marahil ay konektado ang takot nito sa panaginip nito, ang masamang panaginip niya na konektado siya. Hindi siya sanay na makita itong ganito. Hindi niya kayang makita ang babaeng mahal niya na mahina.

His Personal Assistant slash Bedmate (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя