TFY 21: What I Lost

Start from the beginning
                                    

**************

Nilagok ko ang natitirang alak sa bote ng beer ko. Nakailang bote na rin pala ako hindi ko namamalayan. May tatlo pa akong beer aa harapan ko na may laman at kinuha ko iyon. Itutunga ko na sanan nang may pumigil sa akin at inagaw ang beer mula sa kamay ko.

"One way of grieving. Lunurin ang sarili sa Alak." Sabi naman ni Gab bago pa man niya ininuman ang Beer. Kumuha nalang ako ng bagong Bote.

"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya. Bumaling naman ito sa akin na may nakakapanlokong ngisi

"Mag Isa rin ako eh. Wala si Jake si Rowin naman busy sa mag ina niya ngayon ang option ko na lang ay si Tyron at ikaw. Pero.hindi ko kayo pwedeng kasama ng sabay." Napailing iling naman ito.

"Dapat siya ang dinadamayan mo hindi ako." Saad ko naman sa kanya.

"Bakit ikaw? Di mo kailangan?"

"Kaya ko na ito." Sagot ko naman sakanya at uminom ng beer na hawak ko.

"Alam nating lahat na may init sa pagitan ninyo ni Tyron. Pero Tyron is your friend and he understands you same goes for you. Problema kasi sainyo pre di kayo nagpapakatototoo. Lalo ka na." Parang naiinis na lintanya ni Gab. Napasulyap naman ako sa kanya na napaka seryoso na ng titig sa akin

"Wala akong dapat sabihin" walang ganang sabi ko naman kay Gab

"Meron. Your Confession." Maagap na sabi ni Gab

"Kilala kita pare, Alam ko kung kailan tama ang mga hinala ko sayo." Hindi ko maintindihan kung bakit ako napatigil sa huling sinabi ni Gab.

"Love is not always enough to change something Gab. "

***********

Hindi ko ginagalaw ang pagkain sa Pinggan ko habang si Ron at sila Mommy Daddy at ang Ate niya naguusap. May dinner kasi kami dito sa bahay nila Ron. Mukhang magkasundong magkasundo ang Ate niya at ang mga magulang ko

"Nyda. Are you not feeling well?" Napaangat ako nang titig kay Ate Morin

"Ok lang po ako." Ngumiti ako

"Hindi mo kasi ginagalaw ang pagkain mo" nagaalalang sabi naman nito

"Nyda." Narinig ko bigla ang boses ni Daddy kaya umayos ako kaagad sa pagkakaupo ko at umakto na parang ganado na uli akong kumain.

"Maybe she's not okay. Pagpahingain ko muna siya sa itaas." Pagprirpisinta ni Ron. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya dahil eexit na ako sa Awkward na hapag kainan na ito. Tumayo naman si Ron at hinawakan ang kamay ko kaya sumunod na akong tumayo sa kanya.

Tulad ng sabi ni Ron ay nagtungo kami sa guest room sa itaas. Napakaawkward nga lang dahil walang nagsasalita.

"I've been trying to ask you this." Tumayo ako mula sa pagkakaupo lo sa kama. Hindi ko maintindiha, This was the first time I was so nervous around Ron. Pumihit ito para tumingin sa akin.

"Why did you propose this marriage? I mean ako Ron? Bakit mo gustong makasal sakin?" It took a lot of courage for me to asked him. Pagkatapos nun ay ang bilis na ng tibok ng puso ko na para akong kinakabahan kay Ron. Napakseryoso ng titig nito sa akin and that made me even more uncomfortable

"Because I want to." Ani ni Ron na parang walang nagbago sa ekpresyon ng mukha nito

"Yun lang? And what about me?" Humakbang ako palapit at tinuro ko ang dibdib ko. "Paano naman ako Ron? Hindi mo man lang ako tinanong kung sang ayon ako sa kasal. "

"I know you don't want this marriage that's why I decided on my own" Nagiwas ito ng tingin sa akin. Naramdaman ko ang mga luhang nag babadyang tumulo.

"Alam mong Mahal ko si Luke." Garalgal ang boses na pinakawalan ko. Napayuko ako.

"I've had enough of your one sided love for Luke." Halata sa boses nito ang pagkainis. Gusto ko mang umatras dahil napalapit ito sa akin pero hindi ko magawa.

"After our marriage aalis tayo ng bansa. Pumayag ang Dad mo." Pagbabnta nito sa akin. Nanlaki ang mata kong npatitig sa kanya. Nanlilisik ang mga titig nito sa akin. Hindi ito ang Ron na nakilala ko. Para akong kinikilabutan, bigla akong natakot kay Ron

"Ayoko. Hindi ka pwedeng magdesisyon mag isa!" Pagsalungat ko sa kanya. Napasinghap ito at nararamdaman ko na ang galit nito.

Nanindig ang mga Balahibo ko nang bigla akong marahan na hinawakan ni Ron ang mga balikat ko at inilapit sa kanya. "You and I are going to marry, I will make that possible by all means. You will forget about Luke. Kaya ngayon pa lang binabalaan na kitang lumayo ka na sa kanya or else.. Hindi ko magugustuhan ang gagawin ko sa lalakeng mahal mo

************

UNEDITED
Itutuloy.

Maraming salamat sa patuloy na pagbabsa at sa mga Vomments niyo!
See you next UD

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDWhere stories live. Discover now