Chapter 34:Brutally killed

5.2K 165 21
                                    

Kyle's POV

Nandito ako sa likod ng basurahan malapit sa pintuan ng dark room. Ilang minuto na akong naghihintay dito pero hindi ko parin nakikita si Jericho.

Malinaw na dito ang tinext niya sa akin. He said that he saw Fire. Pero bakit walang tao? Pinagloloko ba ako ng gagong 'yon?
Uupakan ko talaga siya kapag hindi siya sumipot.
Sinayang niya lang ang oras ko.

Lumipas ang kalahating oras ay wala paring Jericho ang dumating. Dahil namiminhod na ang paa ko kakaupo ay tumayo ako. Tumikayad ako ng kunti at hinilot ang paa ko. Nang mawala na ang pamiminhod ay inilibot ko ang paningin sa paligid. Nangunot ang noo ko nang mapansing ang daming dugo sa mga pader. May mga lamang-loob na nagkalat sa sahig, mga hiwa-hiwalay na katawan ng tao na nakasabit sa mga puno.

Shit!

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang dalawang mata na nakatusok sa isang stick.

Ano 'to fishball?
The hell!

Sino ang hayop na gumawa nito? Pinatay ba nila ang lahat ng estudyante dito?
Pero bakit?
Mga inosente ang mga batang 'to. Bakit nila dinamay?
Mga halimaw na 'yon, tatadtarin ko talaga ang ulo nila.

Napahinto ako ng mahagip ng mata ko ang isang cellphone sa di-kalayuan. Lumakad ako palapit dito. Yumuko ako at kinuha ang cellphone. Tiningnan ko ng maigi ang kabuuan nito.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang letra sa gilid.

J?
Posible bang ka Jericho 'to?

Para makasigurado ay inopen ko ang messages.
Napailing ako nang makita ko ang mga text.

Sa kanya nga ang cellphone na 'to, pero nasaan siya?
Bakit ito lang ang nandito?

Kinapa ko ang semento kung saan ko napulot ang cellphone.
Kinapa ko ito ng kinapa hanggang sa may mahawakan akong malagkit na bagay.
Itinuon ko dito ang hawak kong flashlight. Napaatras ako nang makita ko ang dalawang daliri na puno ng dugo.

Jesus Christ!

Tangina, ano bang kagaguhan 'to? Nakakabanas na.

Mabilis akong tumayo at kinalma ang sarili.

Kung wala si Jericho dito, marahil ay nakauwi na siya.
Mabuti pang umalis na lang muna ako bago pa may makakita.






Iceah's POV

Bwesit ang sakit ng katawan ko. Ilang araw na akong nakagapos sa madilim na lugar na 'to. Sa mga araw na 'yon wala pa akong nakakain kahit isang butil ng kanin. Ang tiyan ko para ng sumabog sa gutom.
Mga walanghiya talaga ang mga hayop na 'yon.

Mamamatay rin naman ako bukas, bakit hindi man lang nila ako papakainin? Tsk tangina talaga. Kapag makatakas ako dito kakaninin ko talaga pati kaluluwa nila.

Urgh! Fuck this!
A-ang sugat ko sumasakit na naman. Hindi ba 'to hihilom? Mahigit tatlong araw na ang pisting 'to mula ng binugbog ako ng babae mula sa DR noon.
Hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat. Kung hindi ako makakalabas dito baka hindi na ako maabutan ng umaga. Marami ng dugo ang nawala sa katawan ko.

Hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba.
Siguro dito na talaga ako mamatay. Mukhang wala namang dadating para iligtas ako.

Si Frost, imposibleng ililigtas niya ako. Galit siya sa akin. Ni hindi nga kami magkasundo. Kaya imposibleng ililigtas niya ang isang tulad ko.
Napaka-imposible.

"Mga bwesit kayo, pakawalan niyo ako!"

Hah? Sino 'yon?
Parang pamilyar ang boses niya.

"Ano ba! Mga bingi ba kayo? Ang sabi ko pakawalan niyo ako!"

Sino ba ang maingay na 'yon? Bakit parang papunta dito?

Napaatras ako nang biglang bumukas ang pinto. Pabagsak na ipinasok ng dalawang vimster ang isang bulto ng lalaki at mabilis na sinarado ang pintuan.
Dahil sa dilim ay hindi ko kita ang mukha ng lalaki.

"Palabasin niyo ako dito!"

"Ano ba! Palabasin niyo ako!"

Napailing na lang ako. Ang tanga ng lalaking 'to. Kahit mapunit ang lalamunan niya kakasigaw diyan, hinding-hindi siya palalabasin sa impyernong lugar na 'to.

"You're too loud."
Kalma kong saad dito. Hindi na ako nakatiis dahil sa lakas ng boses niya. Baka mamaya sumabog itong tainga ko.

"Sino ka?"

"I'm nobody. Just shut your mouth can you? Mas lalong sumasakit ang katawan ko sayo."

Rinig ko ang buntong-hininga nito.
Siguro kinalma niya ang sarili niya. Ang tanga naman kasi niya para magsigaw-sigaw diyan. Hindi ba niya naisip na walang-awa ang mga halimaw na 'yon? Tsk

"Pasensya na pero kailangan ko talagang makalabas dito. Nasa panganib ang buhay ng kaibigan ko kaya kailangan ko siyang iligtas."

Panganib? Kaibigan?
Anong tingin niya sa sarili niya?
Hindi man lang ba niya naisip na nasa panganib din ang buhay niya? Bakit mas inaalala pa niya ang taong 'yon?

"Wag ka ng umasa na makakatakas ka pa dito."

"Bakit naman? Wala bang paraan para makatakas dito? Sinubukan mo na ba?"

Paraan? Heh nakakatawa ang katangahan ng lalaking 'to.
Paano ka makakatakas sa isang lugar na puro semento? Lugar na puno ng bantay?
Makakalabas ka nga pero hindi na buhay kundi bangkay.

"Walang paraan para makatakas dito Mr. Tanggapin mo na lang na dito ka na mamamatay."

"Hindi, hahanap ako ng paraan. Ililigtas ko pa siya. Ililigtas ko pa si Iceah."

A-a-anong sinabi niya? Iceah? Bakit niya ako kilala? Sino ba talaga ang lalaking 'to?

"Anong pangalan mo?"
Tanong ko dito sa medyo nanginginig na boses.

"Hah?"

"Anong pangalan mo?"

"Bakit mo--"

"Sabihin mo na lang pwede?"

"J-jericho, Jericho ang pangalan ko."

What? Siya si Jericho?
Paano?

"Bakit ka napunta dito?"

"Hah? Dinala nila---" I cut him off.

"Ang ibig kong sabihin paano ka nila nahuli? Diba magkasama kayo ni Frost? Anong nangyari?"
Seryoso kong tanong dito at dahan-dahan lumapit sa direksyon niya.

"Paano mo nala--teka Iceah ikaw ba 'yan?"

"Oo ako nga. Ngayon sagutin mo ang tanong ko, anong nangyari?"









A/N: hello! Here's the UD.
Thank you sa support guys!
I love you all😘😘💞

Enjoy reading!

Votes and comments are highly appreciated.

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now