Chapter 18: GORilla

7.8K 400 17
                                    


Nakaupo ako ngayon habang pinapanood si Mrs. Uglize na nagtuturo sa harapan.
Putcha nababagot na talaga ako sa pangit na mukha niya.
Hindi ba 'to nahihiya?
Ang hina na nga ng boses, multiplication table pa talaga ang itinuro.
Anong akala niya sa amin grade one? Kinder?
Putek ano bang klaseng guro 'to.

Pansin ko nga ako lang ang nakatingin at nakikinig dito. Yung iba kasi nagmemake-up, nagtetext at naghahalikan.
Meron pa ngang nagmake-out. Yung totoo Grave University ba talaga 'to o Sex University?
Ano bang mga nilalang ang mga tao dito. Tangina kanina pa ako nasusuka.

Mapapatay ko talaga ang Jena na 'yon. Kung hindi naman kasi dahil sa babaeng 'yon, hindi ako papasok sa walang kwentang klase na 'to.

Inutusan ko kasi siyang bantayan si Luis baka balikan ito ng mga taong gustong pumatay sa akin.
Pumayag nga ang baliw pero may kapalit naman at 'yon ay ang pumasok ako sa klase.
Gusto pa nga niyang magtake notes ako sa mga idinidiscuss ng prof. para daw kahit absent siya ay updated parin siya sa klase.
Tsk baliw talaga.

Napalingon ako sa pinto nang bigla itong tumilapon at pumasok ang isang gorilla. Bakit nandito ang gorilla na 'to, nakatakas ba 'to sa zoo? At bakit may mga kasama siyang chimpanzee?

Napakunot ang noo ko nang lumapit ito sa isang patpatin na lalaki at hinawakan sa kwelyo.

"Nasaan na ang pera? Ibigay mo sa akin kung ayaw mong mabugbog."
Teka tao ba 'to? Sa pagkakaalam ko kasi hindi nangangailangan ng pera ang mga gorilla.
Tsk mukha sigurong unggoy ang mga magulang nito. May pinagmanahan.

"Sorry Gor pero w--a-wala na akong pe--era."

Gor? Don't tell me GORilla ang pangalan ng pangit na 'to?

"Tumahimik ka alam kong may pera kang itinago sa bulsa mo."

"Wala talaga akong pera Gor, maniwala ka."

"Wag mo akong lokohin. Ibigay mo na kung ayaw mong mabugbog!"

"Wala ta--"
Walang modo pala ang gorilla na 'to, hindi pa nga tapos sa pagsasalita 'yung tao sinuntok kaagad. Eh kung pinatapos niya na lang sana at saka sinuntok?
Walang utak.

"Wala kang kwenta, bugbugin niyo na 'yan!"

Napailing na lang ako sa narinig. Kung siya na lang kaya ang bumugbog? Tch

Nabaling ang tingin ko kay Mrs. Uglize nang dali-dali itong tumakbo palabas. Saan pupunta 'yon?
Hindi ba niya 'to aawatin?
Sabagay wala naman silang pakialam kung magpapatayan ang mga estudyante dito.

Napailing na lang ako. Para talagang impyerno ang paaralan na 'to.
Kada oras may namamatay.
Kahapon nga merong tatlong babae na inilibig sa likod ng school.
Basi sa narinig ko ginahasa daw 'yon bago pinatay.
Tsk what a mess.
Ginawa na lang sana nila ang tatlong 'yon na sex slave at hindi pinatay. Sayang eh mapakinabangan pa sana.

Ang sama ko ba?
Pwes wala akong pakialam. Buhay naman nila 'yon.
Wala akong paki kung mamatay man sa sila sa harap ko.
I don't fucking care. That's the real me walang pakialam sa iba.
Walang awa. Lumaki akong mag-isa kaya wala akong pakialam kong mamamatay man ang lahat ng taong nakapalibot sa akin.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may biglang naghagis ng kutsilyo sa akin.
At kung minamalas ka nga naman sakto pa sa sugat ko sa mukha.
Tangina bakit laging mukha ko ang nasusugatan?
Ganun ba sila kainggit sa napakaganda kong mukha?
Tsk ang hirap talaga maging maganda.

Tumayo ako at dinampot ang kutsilyo sa sahig.
Napangisi ako nang makita ko ang dugo na tumutulo dito.
Inamoy ko ito at dinilaan.

Hmm sweet blood.

Humarap ako kay Gori at itinapon dito pabalik ang kutsilyo.
Kita sa mukha nito ang pagkagulat.

"Nadulas yata 'yan sa kamay mo."
Bored kong saad. Kumunot naman ang noo nito sa sinabi ko.

"Ang angas mo ah, sino ka ba?"

Ngumisi ako at lumapit dito.

"Ako? Ako ang taong papatay sayo." Sagot ko at ngumiti ng pangdemonyo.

"Hahaha nagpapatawa ka ba?
Ikaw papa---."

Napahinto ito sa pagsasalita nang kinuha ko ang kutsilyo at itinutok ito sa kanyang leeg.

Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa akin.
Ngumisi ako at tiningnan ito ng diritso.

"Die,"

Pagkasabi ko nun ay tumahimik ang buong paligid.
Parang nag-aabang sa susunod na mangyayari.

"W--hh--hat d--"

Hindi ito natapos sa pagsasalita nang sinaksak ko sa tiyan nito ang kutsilyo.
Napangiti ako ng nagsusuka ito ng dugo.
Ang daming dugo na lumalabas mula sa bibig nito habang dahan-dahang bumagsak sa sahig.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nakapatay ka. Ang saya. Para kang nasa langit.

Tiningnan ko ang patay nitong katawan at ang nanlaki nitong mata.
Yumuko ako at hinugot ang kutsilyo mula sa pagkakabaon. Pagkakuha ko ay inilagay ko ito sa bag.
Sayang eh magagamit ko pa 'to.

"Akin nalang 'to, bayad sa pagkakamatay ko sayo."

Saad ko dito at tumayo. Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay nanlaki ang mata habang nakatingin sa akin.

Tsk ngayon lang ba sila nakakita ng taong pumatay? Makatingin parang mga inosente.
Tss hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na paalis.

A/N: Hey may nagbabasa pa ba?
Sorry kung lame ang update nato kinalawang na utak ko eh:D

Dedicated nga pala ang chapter na to kay Lureylie_new
Kung nagtaka ka kung bakit ko to denidecate sayo, wala trip ko lang xD
De jk lang ano nainspired talaga ako sa comment mo^^
Salamat partner sana magustuhan mo ang chapter nato:)

Enjoy reading!

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now