Chapter 15: Letter from Death

8.3K 427 8
                                    

Nandito ako ngayon sa dorm nakaupo at hinintay si Frost. Inutusan ko kasi siya na bumili ng pagkain.

Hindi na ako pumasok sa klase kasi hindi pa humilom ang sugat ko sa paa. Wala naman problema sa akin kung babagsak ako, hindi naman kasi 'yan importante. Napansin ko kasi na sa loob ng university na 'to mas importante ang kaligtasan.
Lahat ng estudyante dito mas pinagtuunan ng pansin ang patayan. Hindi importante dito ang academics, basura lang 'yan dito.

Bukas na pala ang bloody battle, makakalaban pa kaya ako sa lagay kong 'to. Baka bukas na ang huling araw ko dito.

Teka nasaan na ba ang tanga na 'yon.
Kanina pa ako naghihintay dito pero hindi parin dumadating. Tsk ang kupad talaga.

Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa si Frost na pawis na pawis at may dalang isang plastic ng pagkain.

Bakas sa mukha nito ang inis habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko.

"Tss oh isaksak mo sa baga mo ang tanginang pagkain na 'yan."
Sabi nito at ibinagsak sa mesa ang isang plastic.
Tiningnan ko lang siya at ngumiti ng nakakaloko.

"Ikuha mo ako ng pinggan at kutsara tapos ilagay mo ang pagkain na 'yan."

Naningkit naman ang mata nito na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at itinuro ang kusina.
"Bilis.''

Padabog itong pumunta sa kusina. Mabilis naman itong bumalik at inihanda ang pagkain.

"Oh ayan pagkain mo, sana mabilaukan ka."

"Subuan mo ako.'' Pokerface kong sabi dito.

"Fuck freak pumayag na ako na maging alipin mo tapos gagawin mo pa akong tagasubo? Putulin ko kaya ang kamay mo?"

"Tss umalis ka na, nakakaasiwa ang pangit mong mukha."

"Aba't hoy freak---''

"Aalis ka ba o gusto mo pang utusan kita?''

Tumingin ito sa akin habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Ano?"

"Tss,"

Napailing na lang ako nang marahas itong tumayo at naglakad palabas.

Tiningnan ko ang pagkain sa harap ko.
Hmm nakapagtataka lahat ng paborito ko alam niya.
May adobo, beef steak, chicken curry, pizza, fries at mogu mogu. Paano niya nalaman na paborito ko lahat ng 'to?
Tch nagkataon lang siguro. Impossible naman kasi na siya ang lalaking 'yon.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagsimula ng kumain.

After 10 minutes ay tapos na ako kaya pumunta na ako sa kusina para maghugas ng pinggan.
Kahit papaano ay may alam rin ako sa gawaing bahay, simula kasi noong namatay ang mga magulang ko ay ako na ang naglalaba, nagluluto at naglilinis. May katulong naman kami pero ayokong mahawakan ng kahit na sino ang mga gamit ko.

Napahinto ako sa paghuhugas nang biglang nabasag ang isang bintana malapit sa kwarto ko.
Dali-dali akong pumunta dito at nakita ko ang isang kabaong na may sulat sa ibabaw.

Kinuha ko ito at binasa.

Akashi Agami

So your alive tingnan mo nga naman hindi ka pa pala namatay. Dinalahan na kita ng sarili mong kabaong para sa nalalapit mong kamatayan.
Be careful akashi when time comes, all of your friends will be banished.

Death

Naikuyom ko ang kamao ko. Puta sino ba talaga siya. Hindi pa ba siya nakuntento. Napatay na niya ang lahat ng taong malalapit sa akin noon. Tapos ngayon ang mga kaibigan ko na naman. Tangina talaga.

Nilukot ko ang papel at pumikit.

Kailangan ko ng lumaban. Kailangan kong iligtas ang mga kaibigan ko. Kung kinakailangang ibuwis ko ang buhay ko ok lang, basta wala ng mamatay ng dahil sa akin.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now