Chapter 26: Cousin?

6.8K 221 7
                                    

(Jericho on the top🔝🔝🔝^.^))

----------
Iceah's POV

"Ikaw si Jericho Lavanthis?"
Nanlaking mata na tanong ko dito.

Nangunot ang noo ko nang bigla itong tumawa. Teka may mali ba sa tanong ko?
Wala naman ah.
May saltik yata 'to sa ulo.

"Teka hahaha, anong Jericho Lavanthis ang sinasabi mo? I said my name is Jericho Lavanthiez."

Ahh Lavanthiez pala.
Akala ko siya.
Akala ko buhay ang nag-iisang kaibigan ko noon.
Haha ang tanga ko.
Paano nga ba naman kasi mabubuhay ang isang taong matagal ng patay.
Dahil sa mga nangyayari, kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko.

"Hey Ms. okey ka lang?"

Tumingin ako kay Jericho at tiningnan ito ng maigi sa mukha.
Magkapareho nga sila ng pangalan pero magkaiba sila ng itsura. Ano ba ang pumasok sa isip ko at nakapagkamalan ko siyang siya si Jerich?
Tsk pagod lang siguro 'to.

Ngumiti ako dito ng pilit at tumalikod para umalis. Nakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin.

Huminto ako at hinarap ang tao na nasa likuran ko.

"Stop following me, will you?"
Asik ko dito.

Imbis na sumagot ay lumapit siya sa akin at bigla akong inakbayan.
Pakiramdam ko namula na ang mukha ko sa galit.
Ano ang karapatan ng gago na'to na akbayan ako?
The heck! Kahit nga pamilya ko hindi ko pinapayagang akbayan ako. Tapos siya?
Tsk.

Aalisin ko na sana ang kamay niya sa balikat ko nang may biglang humablot sa kamay ko.
Dahil sa lakas ng pagkahila sa akin ay nauntog ang noo ko sa dibdib ng isang pakialamero.

Tumingala ako at doon ko nakita si Frost na matiim na nakatingin kay Jericho.

Okey, ano na naman ang ginagawa ng unggoy na'to?
Bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot?
May lahi ba 'tong kabute?

Wow ha bakit hindi na lang siya makipag-away sa mga Vimster na 'yon?
Oo nga pala bakla pala ang unggoy na'to. Takot makipaglaban.

"What are you doing here Rick?"

Teka magkakilala ba sila?

"What do you think Couz? I'm here because of her."

Sinong her? Ano ba 'tong pinag-usapan nila.

"Leave her alone Rick. She's mine, you know that."

Tangina nalilito na ako sa pinag-usapan ng dalawang 'to.

"Oh but she's my fiance Couz, wala ka ng magagawa dun."

Fiance?
Couz?
Magpinsan sila?
Bakit hindi sila magkamukha?

Nangunot ang noo ko nang makita kong nakakuyom ang kamao ni Frost.

May gusto ba siya sa fiance ni Jericho?
Ano 'to love triangle?
Gaano ba kapangit ang babaeng 'yon at talagang pinag-agawan talaga siya ng dalawang unggoy na'to?
Mas pangit ba siya kaysa kay pokwang? Nabihag niya kasi talaga ang dalawang pangit na nasa harapan ko eh.

Napaatras ako bigla nang mahagip ng dalawang mata ko ang dalawang Vimster na naglalakad papalapit sa direksyon namin.

Hinawakan ko sa balikat at nagsalita.

"Tanga pwede ba mamaya na lang 'yang away niyo? Kung pwede lang patayin muna natin ang dalawang Vimster na'to kung ayaw niyong mawalan ng puso."

Halos lumuwa na ang mata ko sa gulat nang hinawakan ako ng mahigpit ni Frost sa bewang.

Wth! Ang sabi ko patayin ang mga Vimsters, hindi ang bewang ko.

Pilit kong inaalis ang kamay niya pero mas lalo pa niya itong hinawakan ng mahigpit.

Mamatay talaga ako sa ginagawa ng unggoy na'to.

"Right, let's kill that fucking Vimsters first. And for you freak, stay with me."

"Stay with me your ass! Pwede ba bitawan mo muna ako? Hindi naman ako mawawala."
Asik ko dito at agad niya namang inalis ang kamay.

Tumayo ako ng maayos at lumapit kay Jericho.

"What ar----"

"Pahiram ng katana mo."
Saad ko at kinuha ang isa niyang katana sa kamay niya.
Ngumiti lang ito at tumango.

Tiningnan ko ang kabuuan ng katana. Napakakunot ang noo ko nang makita ko kung ano ang naka-engrave na drawing sa hawakan nito.

Wait its familiar.
Saan ko ba 'to nakita?
Sino ba talaga ang Jericho na'to?
Apo ba siya ng kakampi ng Lolo ko noon?
Siya ba ang bata na 'yon?

Nah imposible,
Siguro napunta lang sa kanya itong katana na'to.

Iniling ko na lang ang ulo ko at walang sabi-sabing naglakad papunta sa dalawang Vimsters. Tinawag ako ni Frost pero hindi ako lumingon.

Habang naglalakad ang tanging iniisip ko lang ay ang mapatay ang dalawang halimaw na nasa harapan ko.
Hindi ako dapat matakot dahil kapag magpadala ako sa takot na nararamdaman ko, ako ang mamatay.

Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang babae ang humarang sa dadaanan ko.

Matingkad ang tenga nito na parang duwende. Ang buhok naman niya ay sobrang haba na abot hanggang bewang. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakayuko ito.

"We've meet again my friend. Now matitikman ko na talaga ang dugo mo. Pero wag kang mag-alala hindi ko naman ito uubusin syempre iaalay ka pa sa pinakamamahal kong kapatid."

Para akong naestatwa hindi dahil sa sinabi niya kundi sa boses. 'Yung boses niya parang galing sa ilalim ng lupa. Ang tamlay pero nakakakilabot. Para siyang patay na nabuhay.

Napaatras ako ng konti nang dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya.
Halos magimbal ako nang makita ko ang buo niyang itsura.

S--ss--sino siya?
Bakit--bakit kalahati lang ang mukha niya?
At ang m--m-mata niya, bakit--bakit ang kulay puti?
Tao ba siya?

Nanginginig ang buo kong katawan nang hinawakan niya ako bigla sa leeg. Ramdam ko ang lamig ng kamay sa balat ko.
Pinikit ko ang mata ko dahil ayokong makita ang mukha niya.
"Let me taste your blood my friend."

A--a-ano?
Gusto n-----,

"Black!"

"No!"

"Azura!!

Is this the

end?







A/N:Hello sorry kung bitin kinalawang na utak ko eh😂😁

Malapit na pala 'tong matapos huhu ilang chapters na lang.

Salamat sa mga nagbabasa, nagcomments at magvotes.
Sana basahin niyo rin ang isa kong story na BLOODY TORI☺😀

At sana suportahan niyo ang upcoming action story ko na SPADE:The thieves of life;)

At lastly if you have some time please basahin niyo rin ang stories ni ImYourOnlyViolet
Magaganda po ang story niya please give it some try;)


Thank you po ng marami at godbless^^

Enjoy reading po!


-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now