Chapter 5: Jena Cortes

12.4K 532 37
                                    


Kasalukuyan ako ngayong nakaupo at nakatingin kay Jena na natutulog.

Hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising though hindi masyadong malala ang pinsala nya sa katawan, kaunting sugat lang at pasa.

At nagpapasalamat ako dun, dahil kapag nagkataon na mas malala pa dito ang nangyari sa kanya baka makapatay ako ng tao ng wala sa oras. Hangga't maaari ayokong maulit ang nangyari noon.
Malamig nga ako at hindi palasalita pero may pakialam parin ako sa mga taong malalapit sa akin.
Pero hindi ibig sabihin nun kaibigan ko na sila. Okay lang naman na mamatay sila eh basta hindi lang dahil sa akin.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang gumalaw ang kamay ni Jena.

Lumabas ako ng clinic at tinawag ang nurse, yeah nandito kami ngayon sa clinic. Gusto ko nga sanang dalhin si Jena sa hospital pero hindi daw pwede, mabuti na lang at kumpleto sila ng mga gamit dito.

"How is she?"

"She's fine now Miss Agami konting pahinga lang ang kailangan nya para humilom na ang mga sugat nya sa katawan."
Sagot nito.

Tumango lang ako at lumapit kay Jena na nakatulalang nakatingin sa akin.
Tumingin ito sa cellphone niya at mayamaya ay nanlaki ang mata nito.
Ano 'to aftershock?

"My god Ice ilang araw akong natutulog dito?
Kailangan ko ng bumangon may pasok pa ako, goodness 'yong grades ko baka bumaba."

Napaface palm na lang ako.
Seriously 'yon pa talaga ang inisip nya tsk.

"Ice waaaaaaah, sabihin mo ilang araw na ako dito ha? Huhuhu 'yong grades ko!"
Sigaw nito habang niyuyugyog ang balikat ko.

"Ouch naman Ice bakit mo ako binatukan? Sakit 'nun ha." Sabi nito at nagpout. Tsk gross.

"Shut up! And for you to know Cortes dalawang araw ka ng natutulog diyan."

"Hah da-dalawang araw? Ganun katagal? Kung ganun dalawang araw na din akong absent sa klase? Tama?"
Bakit ba ang klase na lang ang laging bukambibig ng babaeng 'to. Eh wala namang pakialam ang skwelahan na 'to kung nakapasa ka ba o hindi.

Tumango na lang ako dito bilang sagot.

"Ehh bakit hindi mo ako ginising? Paano kung bumagsak na ako sa klase?"

Ganito ba talaga ang epekto ng mabugbog? Seriously?
Tiningnan ko lang ito na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa katawan. Ano na naman bang problema nito. Sisigaw na n-------.

"Waaahh, Ice may benda ang katawan ko, patay na ba ako?"

Fuck isang sigaw na lang ng babaeng 'to papatayin ko na talaga 'to. Putcha malapit ng mabasag ang eardrums ko.

"Tahimik! Kung ayaw mong tanggalin ko 'yang ngalangala mo."

"Ok hehe tatahimik na."
Sabi nito at nagpeace sign.

Tsk isip bata talaga.

"Una kaya ka nandito dahil binugbog ka at sinaksak. Pangalawa kailangan mo pang magpahinga para gumaling ka na talaga at pangatlo wag kang sisigaw sa harap ko dahil sa lintik na grado mo! Naintindihan mo ba ako?"

Tanong ko at lumingon dito.
Pero pagharap ko nanlalaki 'yong mata niya parang naging mata bigla ni DO.

Ano na naman bang nangyari sa babaeng 'to?

"Cortes nakikinig ka ba?"

"Waaaah, Ice tao ka nga talaga."

Ano raw?

"Malamang, ano bang akala mo sa akin Alien?"

"Hehe oo, ang tipid mo kasing magsalita noon."

"Tsk,"

"Pero Ice anong binugbog at sinaksak ang sinasabi mo kanina? Wala naman akong natandaan ahh."
Sabi nito at inilagay ang kamay sa baba na parang nag-iisip.

Tsk baliw talaga.

"Aalahanin mo wala ka namang amnesia."
Sagot ko habang nakatingin sa labas.
Ayokong sabihin kay Jena ang buong pangyayari, hindi ako tanga para gawin 'yon. Baka mas lalo pa itong magfreak-out kapag nalaman niya ang buong katotohanan.
At isa pa humilom na rin naman ang sugat ko sa paa dahil sa gamot na ibinigay ni Fire.

Napalingon ako kay Jena nang bigla na naman itong sumigaw. Bwesit para talagang baboy na inihaw ang babaeng 'to.

"Waah Ice may amnesia yata ako wala akong maalala ano nga pangalan ko?"

"Ouch! Pangalawa na 'to Ice. Sakit ng ulo ko, bakal ba 'yang kamay mo?"

"May amnesia ka Cortes? Kung ipukpok ko itong bakal sayo makakaalala ka na?"
Sambit ko at akmang ihahampas 'yong bakal nang sumigaw na naman sya.

"Waaah Ice, nakaalala na pala ako hindi mo na kailangang gawin 'yan, Jena Cortes ang pangalan ko. Tama ako si Jena Cortes na bestfriend ni Iceah Black Agami, the cold one!"

Napaface palm na lang ako.
Paano ko ba 'to naging kaibigan? Tsk sakit sa ulo.
Mababaliw talaga ako sa babaeng 'to.

"Tumayo ka na dyan babalik na tayo sa dorm."
Sabi ko at nagsimula ng maglakad paalis.

"Wait Ice paalalay naman ohh, sakit ng paa ko ehh."

Hay mukhang maging babysitter pa ata ako ngayon.
Lumapit ako dito at inaalayang maglakad.

"Yaay, thank you Ice."

"Shut up Cortes kung ayaw mong iwan kita dito."
May bahid na banta na sambit ko.

Ngumiti naman ito sa akin at dahan-dahang tumango.

Mukhang hindi magiging maganda ang araw ko ngayon.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now