Chapter 22: Is she's one of them?

7.5K 308 23
                                    

"Sigurado ka ba na hindi mo pa talaga nakikita ang Headmaster na 'yan Cortes?"
Tanong ko kay Jena na nakaupo sa kama habang nakatingin ng seryoso sa labas ng bintana.

Hindi ito sumagot, nanatili lang itong nakatingin sa bintana.

Dahil sa kuryusidad ay sinundan ko ang tingin nito at doon ko nakita ang isang tao na nakatayo sa may puno.
Hindi kita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng maitim na damit at may takip ito sa bibig.

Seryoso lang itong nakatingin sa direksyon ni Jena na parang may gustong sabihin.
Nanlaki ang mata ko nang naging pula ang mga mata nito, para itong dugo sa sobrang pula.

Halos mapaatras ako sa kaba nang bigla itong tumingin sa akin at ngumisi. Parang sasabog ang dibdib ko sa takot. 'Yung tingin niya, parang hinihigop ang kaluluwa ko.

Ewan ko pero buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito noon. Ni hindi nga ako nakaramdam ng takot noon nang pinatay mismo sa harap ko ang mga magulang at kapatid ko.

Pero ngayon, bakit natatakot ako?
Sino ba ang taong 'yan?
Kasamahan ba siya ng mga taong gustong pumatay sa akin?

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit nakatingin siya kay Jena kanina?
May ugnayan ba silang dalawa?

Napabalik ako sa katinuan nang biglang nagsalita si Jena.

"Ice ok ka lang? A-ano nga ulit 'yung tanong mo?"

Dahan-dahan akong lumingon dito at umiling. Nagtataka itong tumingin sa akin at ngumiti ng pilit.
Hindi ko ito pinansin, ibinalik ko na lang ang tingin ko sa bintana. Laking gulat ko nang wala na doon ang lalaki.

Saan nagpunta 'yon? Ang bilis naman ata niyang mawala.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid pero hindi ko na talaga nakita ang lalaki.

Ano ang pakay ng lalaking 'yon?
Bakit parang kilala niya si Jena?
May dapat ba akong malaman?

I sh---

Fuck!

Sino ang naghagis nun?

Tangina muntik na 'yon.
Mabuti na lang at mabilis akong nakailag kung hindi nakabaon na sana sa noo ko ang dagger na 'yon.

"Ice ok ka lang?"

"Yeah,"
Walang ganang sagot ko dito at lumapit sa dagger na nakabaon sa pader.
May nakaipit na papel dito kaya kinuha ko ito at binasa.

"I know what you think."

Ano 'to?
Anong alam niya?
Nababasa ba niya ang isip ko?
Ano siya psychic?

Tsk masyado siyang pa-misteryoso.

"Ano 'yan Ice? Bakit mo nilukot?"

"Bakit ang dami mong tanong?"

"Ha? A--ahh wala."

"Talaga?"
Nakangising kong tanong at dahan-dahang naglalakad palapit dito.
Tumango ito pero hindi tumitingin sa akin.

"Sigurado ka? Tapatin mo nga ako Cortes, sino ang lalaking 'yon?"
Seryosong tanong ko at hinawakan ito ng mahigpit sa balikat.

"Ha? A--ano ba 'y--yang sinasabi mo Ice? Anong lalaki?"

"Wag kang magmaang-maangan Cortes. Sino 'yung lalaki kanina?"

"Hi--h--hindi ko alam ang sinasabi mo Ice."
Nauutal na sagot nito habang pinipilit tanggalin ang pagkakahawak ko sa balikat niya.
"Sigurado ka?"

"O--Oo naman, bakit Ice hindi ka ba naniniwala sa akin?"
May lungkot sa mata na tanong nito.

Umiling ako dito at tinanggal ang ang pagkakahawak ko sa balikat niya.

Alam kong mali na pagdudahan si Jena, pero kasi nakakahalata na ako sa mga kilos niya.
Bakit lagi siyang dumadating kapag nasa panganib ang buhay ko-- I mean bakit lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong? Kagaya ngayon, paano niya nalaman na nandito ako sa dorm eh may pasok pa siya ngayon? Knowing her na laging grades ang inaalala.

At 'yung lalaki kanina, alam kong kilala niya 'yon.
Ayaw niya lang sabihin sa akin.

"Ahh oo nga pala Ice bukas pa daw 'yung bloody battle."

Bukas?
Bakit nila binago diba dapat mamayang gabi na 'yon?
Ano bang nangyayari dito?

"Ice alis muna ako, may pupuntahan lang ako saglit."

Tiningnan ko lang ito at tumango.
Ngumiti muna ito sa akin bago tumalikod at nagsimulang maglakad paalis.

Nang makalabas na ito ng pinto ay nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Ang daming nangyari sa araw na 'to. Sa sobrang dami hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nalilito na ako sa mga nangyayari.

Ang dami kong kaaway.
Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan.

Hayst kailangan ko na talagang malaman ang lahat ng impormasyon tungkol sa Death na 'yan at pati na rin sa Headmaster ng GU. Alam kong may tinatago silang malaking sekreto.

Kailangan ko 'yung alamin para matapos na ang kaguluhang 'to.







A/N: Sa tingin niyo kakampi ba si Jena o kaaway?
Ano sa palagay niyo?

-------'----
Anyway sa mga naghihintay ng update para sa inyo ang chapter na'to. Sana magustuhan niyo.
Hindi ko na lang kayo isa-isahan katamad eh:D

So enjoy reading guys!

Please votes and comments kung nagustuhan niyo^^


-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now