Chapter 7: Fire Tyler Park

10.9K 522 30
                                    

"Ice saan ka nga pala pumunta kagabi?" Tanong ni Jena habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Bakit mo naitanong?"

"Ahh wala pansin ko lang kasi mukha kang kulang sa tulog." sambit nito.

"Sa kwarto natutulog."
Sagot ko.
Alinlangan naman itong tumango na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. 

Alam kong nagsinungaling ako sa kanya. Pero ito ang tama.
Wala akong pakialam kong tawagin niyo akong sinungaling. Mas okay na 'to kaysa madamay pa siya sa gulo.

Tumingin ako sa gawi ni Jena pero umiwas ito ng tingin nang mahuli ko itong nakatitig sa akin. 
Pansin ko lang madalas kinakabahan si Jena kapag tumitingin ako sa kanya, nakakatakot ba talaga ako?

Tsk hindi naman ako nangangagat.

Nagkibit-balikat na lang ako at nauna ng maglakad.
Pagdating namin sa classroom ay umupo na ako at tumingin sa bintana.

Mahigit isang buwan na pala ako rito. At sa isang buwan na iyon puro gulo lang ang nangyayari.

Kahit saan yata ako magpunta laging may gulo. Mabuti nalang at hindi pa bumabalik si Trixia. Sana lang walang kagaya niya dito.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may biglang sumipa sa pinto at pumasok ang apat na lalaki.

"Kyaah pumasok ang BBG!"

"Ang gwapo mo Frost!"

"Kiss me Fire!"

"I love you Ace!"
"Ang cute mo Kyle!"

My fangirl din pala ang mga unggoy dito.

Nang dumaan sila sa harap ko ay ngumisi si Frost at umupo sa likod. Tch yabang talaga.

Napalingon ako sa tabi ko nang may umupo.
"Hi Miss ganda, magkaklase pala tayo."
Nakangiting sabi ni Fire na nakatingin sa akin.

Bakit dito umupo ang epal na 'to?
May kasalanan pa 'to sa akin eh hindi niya sinagot ang tanong ko noon.
Kung ano ang totoong katauhan ni Trixia. Masyado talaga silang ma-sekreto.

"Sino nagsabi sayong umupo ka diyan?" Tanong ko dito habang nakataas ang kilay.

"Bakit bawal ba akong umupo dito? Vacant naman 'to ehh." Tanong nito habang nagpout.
Bakit ang hilig nilang magpout?
Nagmukha tuloy silang asong-ulol.

Tsk.

Umub-ob nalang ako sa mesa dahil ang ingay ng katabi ko, isama mo pa ang pesteng lalaki na nasa likod na kanina pa sinisipa ang inuupuan ko.
Nang hindi na ako makatiis ay padabog akong tumayo at hinarap ang unggoy sa likod.

"Ano bang problema mo?"
Sigaw ko kay Frost.

"Wala, ikaw may problema ba?"
Nakangising sambit nito.

"Wala at pwede ba wag mong sipain ang upuan ko?"
Nakakaasar na talaga ang lalaking to, kung pwede ko lang 'tong patayin ginawa ko na.

"Ok,"
Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.

Sarap talagang upakan ng unggoy na 'to.
Tumalikod na lang ako at padabog na umupo.

"Miss ganda ok ka lang?"

"Shut up kung ayaw mong sayo ko ibuntong ang galit ko."

"Ok chill."

Buti naman at tumahimik din.
Bagay talaga silang magkapatid parehong sakit sa ulo.

_____________

Lunch break na ngayon at kasalukuyan akong kumakain nang may umupo sa harapan.

"Pasabay Miss ganda hah ang ingay kasi doon."
Sabi nito sabay turo sa kabilang mesa kung saan nakaupo sila Frost.

"Suit yourself,"
Pumayag na:lang ako dahil tinatamad akong magsalita.

Ngumiti lang ito at nagsimulang kumain.

"Ice bakit dito mo piniling mag-aral? Alam mo naman siguro kung anong klaseng eskwelahan 'to diba? Kahit anong oras pwede kang mamatay."

"Ikaw lang yata ang nakilala kong estudyante na sinisiraan ang sarili nyang eskwelahan Mr. Park.'' Sagot ko dito at nagpatuloy sa pagkain.

"Yeah mukhang ako lang yata ang ganun hahaha."
Baliw na talaga ang lalaking 'to, ang seryoso ng usapan bigla na lang tumatawa.

"Haha ehem pero Ice seryoso alam mong hindi ka na o tayo makakalabas ng buhay dito pero bakit nagpunta ka parin?" Seryosong tanong nito.

"Hindi ko alam."

"Paanong hindi mo alam? Tulog ka bang pumasok dito at nag-enroll kaya hindi mo alam, ganun ba?"

Ano bang klaseng utak meron ang lalaking 'to?

"Never mind Mr. Park kumain ka na lang dyan, gutom lang 'yan." Sabi ko na lang at kumain ulit.

"Tama baka gutom lang 'to haha."
Tumatawang sambit nito. May saltik talaga 'to sa utak.

Nang tapos na akong kumain ay tumayo na ako. Baka mahawaan pa ako sa kabaliwan ng isang 'to.

"Wait aalis ka na?"

''Ano sa tingin mo?"
Tanga talaga ng lalaking 'to, obvious na nga nagtanong pa.

"Sabi ko nga aalis ka na pero Ice pwede ba tayo maging magkaibigan."

"No,"
Ayoko pati sya madamay sa gulo ng buhay ko.

"I won't take no as an answer."
Magkapareha talaga sila ni Jena ang kulit.

"Bahala ka," sagot ko na:lang at naglakad na palayo.

A/N
Sorry po kung medyo lame yung update..message nyo nalang po ako kung may hindi kayo nagustuhan sa story NATO.

But still
Please vote, follow and comments

Lovelots and godbless

_GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now