Chapter 21: Black blood

7.7K 329 22
                                    

(Si Jena po yung nasa multimedia :))
____________

Dahan-dahang akong tumayo pero agad ding napa-upo dahil sa sugat ko sa tagiliran.
Tiningnan ko ito at halos mapamura ako sa nakita.

Ang scratch paper na nilagay ko kanina ay puno na ng dugo at ang mas malala pa dun ay hindi na pula ang kulay ng dugo ko kundi itim.
Nanlaki ang mata ko habang nakatitig dito.

Pa-p-paano? Bakit ito naging itim? Alam kong hindi ito dahil sa bampira kanina. Dahil hindi naman nila ako kinagat o ano.
Pero how?

Is it because of them? Him?
Nagsimula na ba?
Bakit?
Bakit ako?
Bakit ako ang pinili mo?
Bakit ako Popz?
Alam mong hindi ko 'to kakayanin. Hindi ko kakayanin na maging katulad mo.

Hindi ko maintindihan. Bakit nangyari 'to?

Bakit ako ang pinili niya?
Akala ko ba naintindihan niya ang sinabi ko noon bago siya namatay.
Bakit ako pa rin?

"Bakit ako Popz?" Bulong ko habang unti-unting tumulo ang luha ko pababa sa pisngi.
Pinunasan ko ito gamit ang kamay ko at isinandal ang ulo sa pader.

Hindi ko kaya maging siya.
Hindi ko kayang kumitil ng buhay na walang dahilan.
Hindi ko kaya maging demonyo.

Pero bakit nangyari sa akin 'to?
Ang dami ko ng problema, bakit dumagdag pa ang bwesit na bagay na 'to?
Hindi ba talaga ako titigilan ni kamatayan? Hindi na ba magiging normal ang buhay ko?
Akala ko matatakasan ko ang nakaraan ko pero hindi pala. Dahil sa nangyaring 'to narealize ko na ang nakaraan ko ay hindi ko kailanman man matatakasan. Lagi itong nakabuntot sa akin.

Idinilat ko ang mata ko at ngumiti ng mapakla.

"Sana kakayanin ko 'to.'' Sabi ko sa isip at hinawakan ang sugat ko sa tagiliran.

Nang napansin kong patuloy pa rin ito sa pagdudugo ay pinunit ko ang damit ko at itinali dito.

Sana maging normal na ang lahat. Sabi ko sa isip at tiningnan ang dugo na nasa kamay ko.

Ang dugo na kinamumuhian ko simula pa lang noon.

This black blood. It symbolize the true identity of Iceah Black Agami. The Akashi of the Agami Clan.

Napahinto ako sa pag-iisip at napalingon sa bintana nang may naramdaman akong mga mata na nakatitig sa akin.

Tumayo ako at hindi ininda ang sakit nang kumirot ang sugat ko sa tagiliran.
Paika-ika akong naglalakad papunta sa bintana.
Nang nasa harap na ako ay dahan-dahan ko itong binuksan.
Pagbukas ko ay agad napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang pader na may nakasulat gamit ang dugo.

Napaatras ako at halos matumba sa nabasa.

So it's you.

Yan ang nakasulat.
Alam kong ako ang tinutukoy niyan dahil wala naman 'yan kanina.

So nakita nila.
Ibig-sabihin kanina pa nila ako pinagmasdan dito.
Pero bakit hindi nila ako pinatay?
Anong plano nila?
Alam kong may pinaplano sila dahil kung wala, kanina pa sana nila ako inaatake.

Ngayong alam na nila, kailangan ko ng mag-ingat.
Dahil baka sa isang kurap lang ng mata ko, nakabulagta na ako sa sahig.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong nakitang tao.
Tsk they really want to play. What a childish act.

Ilang sandali lang ay napagpasyahan ko ng umalis.
Kailangan ko ng magamot ang sugat ko baka mas lalo pa itong lumala.
Sa dorm ko na lang ito gagamutin dahil sigurado akong wala nanamang gamot ngayon sa clinic.

Lumabas na ako at paika-ikang naglalakad.
Bawat taong nadadaanan ko ay napapatingin sa akin.
Mayroong nakangiti at mayroon ding naaawa.
Tiningnan ko lang sila ng blanko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang nasa harap na ako ng dorm ay huminga muna ako ng malalim tsaka ito binuksan.

Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang nakakabaliw na katahimikan.
Mabuti na lang at wala si Jena dahil baka mabibingi na naman ako sa lakas ng sigaw nun.

Pumasok na ako at agad kinuha ang first aid kit para gamutin ang sugat ko.
Hinubad ko ang t-shirt ko at kumuha ng cotton.
Nilagyan ko ito ng alcohol at ipinahid sa dugo na nakapalibot sa sugat ko.
Nang malinis ko na ay kinuha ko ang maliit unan na nasa sofa at kinagat. Ginawa ko ito para hindi ako makasigaw, mahirap na baka may makarinig pa sa akin sa kabilang dorm.

Kinuha ko ang alcohol at binuhos sa sugat ko na parang balon dahil sa lalim.
Napa-ungol ako sa hapdi.
Pakiramdam ko para akong ginisa dahil sa sakit.
Tumutulo ang pawis ko sa noo habang nakatingin sa sugat.
Medyo tumitigil na ito sa pagdudugo kaya kinuha ko ang bandage. Nilagyan ko ito ng betadine at itinali sa tagiliran ko.
Nang tapos na ay tinanggal ko ang pagkakakagat ko sa unan at ibinalik ito sa sofa.
Napabuntong-hininga ako at umupo.
Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may biglang nagbukas ng pinto.

Tiningnan ko ito at nakita ko si Jena na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin.

"Oh my god Ice ano na namang nangyari sayo? Bakit may sugat ka na naman?" Tanong nito at naglalakad palapit sa akin.

"Shut the fuck up Jena, ang ingay mo." Cold kong saad dito.

"Eh sorry naman. Pero Ice balita ko pinapunta ka sa DR. Doon mo ba nakuha ang sugat mo? Bakit mo ba kasi pinatay ang Gorilla na 'yon?"

"Ang pangit,"

"Kahit na, tingnan mo ang nangyari sayo muntik ka pa tuloy ipapatay ng Headmaster."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jena.
Headmaster?
Siya ang nag-utos sa mga bampirang 'yon?
So ibig sabihin------shit kailangan kong malaman kung sino ang Headmaster na 'yan.

Hinawakan ko ang kamay ni Jena ng mahigpit at tiningnan ito ng diritso sa mata.
Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nito habang nanginginig na nakatingin sa akin.

"Who is the Headmaster?"

"Ha? Bakit mo tinatanong?"

"Fuck Jena, just answer my goddamn question! What is the name of that fucking Headmaster?"
Galit na sigaw ko dito.

"D-Di-Dimitria Eathania Grave, ya-yan ang pangalan niya." Nauutal na sagot nito at yumuko.

Dimitria? So babae ang Headmaster. Bakit niya ako gustong ipapatay? Dahil ba sa pagpatay ko sa Gorilla na 'yon?
Ang oa naman yata.

"Nakita mo na ba ang Dimitria na 'yan?"
Tanong ko kay Jena na ngayon ay nakayuko pa rin. Tsk ano ba ang problema ng babaeng 'to.

"Hi-h-hindi pa. Wala pang nakakita sa kanya kahit isa sa mga tao dito."

Wala? Imposible. Anong klaseng tao 'yon? Bakit siya mailap sa mga tao dito?
May sekreto ba siya na ayaw niyang malaman ng lahat?




A/N: Sino kaya si Dimitria? Ano ang magiging rule niya sa buhay ni Ice? Kalaban ba siya kakampi? Ano sa palagay niyo?

Sagot naman kayo diyan oh:D
Anyway sana magustuhan niyo ang chapter na to. Pasensya nga pala kung ngayon lang nakaUD busy sa school eh. 😃✌

So enjoy reading!
Don't forget to votes and comments if nagustuhan niyo^^

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum