Chapter 25: Jericho Lavanthis

6.9K 240 26
                                    

Napahawak ako ng mahigpit sa upuan nang makita kong nag-iba ang mukha ng apat na lalaki.

Ang kaninang maamo nilang mukha ay naging halimaw.
Ang tataa na mga kuko, ang malabalahibo nilang katawan. Ang pangil nila ay parang pangil ng tigre dahil sa tulis.
Napakapula ng mga mata nila na parang nakasinghot ng dalawang kilo ng druga.

"Shit anong klaseng nilalang ang mga 'yan?"

"Vimster,"
Mahina kong sambit habang nanatiling nakatingin sa harapan.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan ng mahigpit ni Frost ang isa kong kamay.

Fuck ano ba ang ginagawa ng gagong 'to.
Kung natatakot siya, sa upuan siya humawak huwag sa kamay ko.
Kingina ang sakit ng pagkakawahak niya. Pakiramdam ko parang nababali na 'yong mga buto ko.

Pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit.

Tumingin ako kay Frost at pinandilatan ito ng mata.

"Frost bitawan mo ang kamay ko."

"Ang arte mo, pahawak lang muna. Hindi ko naman 'to kakagatin."

"Kung natatakot ka, you----''

"Hindi ako natatakot."

Unggoy ka talagang gago ka.
Pinapatay mo na nga 'tong kamay ko hindi mo pa pinatapos sa pagsasalita.

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinaling ang tingin sa paligid.

May mga umiiyak at meron ding tulalang nakatayo.
Lahat sila takot.
Lahat sila naguguluhan sa mga nangyayari.
At lahat sila alam na sa araw na'to hindi sila makakalabas ng buhay.
Kung mabubuhay man sila ngayon, mamatay rin naman sila kinabukasan.

Ang paaralan na'to ay itinayo para sa plano nila.
Para sa plano ng mga Vimster.
Itinayo nila ito para mayroon silang iaalay sa nalalapit na kaarawan ni Seraphim.
Ang kanilang princesa.
At ako, ako ang kailangan nila para maging perpekto ang ritwal na gagawin sa araw na 'yon.

Dahil ako si Alexia Azura Agami o Akashi Hayaku ng Agami Clan.
Ang pamilya ko ang naging dahilan kung bakit sila naging demonyo.
'Yung tattoo ko sa balikat ang simbolo ng madilim kong kapalaran.

At ngayon kailangan makalabas kaming lahat dito dahil kung hindi lahat sila o kami ay mamatay na laslas ang lamang-loob.
Hindi basta-basta mapapatay ang mga Vimster. Para lang silang mga bampira pero ang nakakaiba lang sa kanila ay hindi sila takot sa araw.
Ayon sa sinabi ng lolo ko noon, ang itim kong dugo ang makakapatay sa kanila pero hindi ko alam kung paano.
'Yun ang dapat kong alamin.

"My dear vigil student simulan na natin ang kasiyahan. Kung may maglakas-loob sa inyo na labanan ang apat kong alaga ay palalabasin ko kayo dito pero kapag wala, ang mga puso niyo ang kukunin ko."

Napantig ang tenga ko sa sinabi ng babae. She's hopeless, a devil crazy bitch. Alam niyang walang maglakas-loob na labanan ang Vimster na 'yan. Dahil kung lalabanan mo ang mga 'yan tiyak mamamatay ka lang.
Malakas sila kaya kahit pagtulungan pa sila ng sampung tao, hinding-hindi sila mamamatay.

Nakaramdam ako ng awa habang nakatingin sa mga estudyante na ngayon ay hindi magkamayaw sa pag-iyak.
They don't deserve this. They don't deserve to die this way.
They're innocent. Wala silang alam dito. Hindi dapat sila nadadamay.

"Oh looks like walang may gusto. Im sorry my dear vigils pero mayroon akong isang salita."
Mapaglarong sambit nito na may ngiting demonyo sa labi.

"Kill them,"
Ma-authoridad na utos nito sa apat na halimaw.

Napaatras ako nang lumundag ang isa sa mga ito palapit sa direksyon ko.

Lumingon ako sa gawi ni Frost at napangiti ako nang makita ko siyang may hawak na dalawang kunai.
Lumapit ako sa kanya at mabilis na inagaw ang isang kunai.

"What the heck Black,"

"Shut up Idiot,"
Walang gana kong asik dito at ibinaling ang tingin sa paligid.

Naninikip ang dibdib ko sa nakita. Ang dami ng patay at lahat sila ay may butas sa dibdib.
Rinig ko ang iyak at pagmamakawa nila.
May naramdaman akong tumulong luha sa mga mata ko kaya mabilis ko itong pinahid.
Hindi ako dapat maging mahina.
Kailangan kong lakasan ang loob ko.

Nahagip ng mata ko ang isang babae na akmang sasaksakin ng isang Vimster kaya mabilis kong hinagis ang kunai ko papunta dito.
Natamaan ito sa balikat kaya napaupo ito sa sahig.

Nagmamadali akong naglakad palapit dito. Malapit na sana ako nang makita ko ang isang lalaki na taga-Inferno University.
Nagulat ako nang walang-awa niya itong pinugutan ng ulo.

Lumingon ito sa akin at nagsalita.
"Para mapatay mo sila kailangan mo silang pugutan ng ulo Ms. Azura."

Teka Ms. Azura?
Bakit niya ako kilala?
As far I remember wala pang nakakaalam sa totoo kong pangalan dito.

"Who are you?"
Kunot-noo kong tanong dito.

Lumapit ito sa may tenga ko at bumulong na naging dahilan upang manlaki ang mata ko.

"I'm Jericko Lavanthis,"

Siya?
Paano?
I thought he's

Dead?




A/N:
Hey hahaha here's the UD po:)
Sana magustuhan niyo.
Maraming salamat po sa suporta.
Keep reading po.

Votes and comments are highly appreciated😁😂

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now