Chapter 6: Akashi

11.9K 551 46
                                    

(Si Frost yung nasa pic.)

Napabalikwas ako ng bangon nang may mapansin akong isang anino.

Tumingin ako sa gawi ni Jena baka sa kanya nanggaling 'yung anino pero hindi.

Kung ganun may ibang nakapasok sa kwarto.
Hindi kaya si Trixia 'to? Pero hindi siguro balita ko kasi ay umalis daw ito sa GU kahapon.

Sinundan ko na lang ito nang makita ko itong lumabas.

Nag-alinlangan akong sumunod dito nang papunta ito sa likod ng University, sa may forest.

Pero sa huli ay napagpasyahan ko parin itong sundan para malaman kung sino ang may pakana.

Nang nasa gitna na kami ng kagubatan ay biglang itong nawala, nagpalinga-linga ako baka sakaling nagtatago lang iyon sa tabi.

Bigla akong napaatras nang may sampung lalaki ang nakapalibot sa akin.

"Sino kayo?"
Tanong ko pero hindi nila ako pinansin.

Tiningnan lang nila ako na parang sinusuri at ngumiti ng mala-demonyo.

"Sayang ang ganda mo Akashi pero kailangan mo ng mamatay."
Sabi ng lalaking nasa unahan.
Sa tingin ko sya ang pinuno nila.

"Anong Akashi ang sinasabi mo?"

Paano nila nalaman ang pangalawang pangalan ko?
Wala naman siguro sila dito diba?

"Haha wag kang magbiro Miss alam kong alam mo ang sinasabi ko."

"Ano ba talagang kailangan nyo?'

Putik naman oh.

"Ang buhay mo, 'yan ang kailangan namin."

Sabi nito at humakbang palapit sa akin. Umaatras naman ako ng dalawang hakbang.

"Ang buhay ko? Sige kunin nyo, pero kailangan niyo muna akong talunin."

Kailangan kong lumaban. Ayaw kong maging talunan, kapag napatay nila ako tiyak na maraming tao pa ang mamatay.

"Matapang ka tingnan natin, sugurin sya! Wag nyo syang hayaang mabuhay."

Sabi nito sa kasama at nagsimula ng sumugod.

Ilag lang ako ilag dahil hanggat maari ayaw ko ng pumatay.

Nang akmang sasaksakin sana ako ng isang lalaki ay tinadyakan ko ito ng malakas sa bandang tiyan kaya nabitawan nito ang kutsilyo at napaupo.

Kinuha ko ito at inihagis sa isa pang lalaki na papalapit sa akin. Tumagos ito sa paa niya.

Lalapit sana ako dito para kunin ang kutsilyo na nakabaon sa paa nito nang biglang lumapit sa akin ang pinuno nila at nagsalita.

"Bakit ayaw mong pumatay Miss natatakot ka? O baka naduduwag ka lang."

Sambit nito at inambagan ako ng suntok, hindi ko 'yon nailagan kaya natamaan ako sa may tiyan.

Malakas ang pagkakasuntok nito kaya napaupo ako sa sakit.

Shit!
Bakit hindi ako makatayo?
Ang sakit ng tiyan ko, may bakal yata kamay nito ehh.

"Oh isang suntok lang knockdown ka na? Hindi ako makapaniwalang ikaw ang Akashi na sinasabi nila. Pero malakas ka rin naman napatumba mo ang lima kong kasamahan, sayang nga lang dahil dito na magwawakas ang buhay mo."

Nakangising sabi nito at tinutukan ako ng baril.

Dito na ba ako mamatay? Sa lintik na lugar na 'to?
I guess tama lang ang pangalan ng skwelahan na 'to para sa akin ,Grave University, napatawa na lang ako sa naisip ko.

"Tapos ka na bang magdasal?"
Tanong nito. Lumingon ako dito at tiningnan ito ng diritso sa mata.

"Sa tingin mo ba kapag napatay mo ako ngayon magiging normal na ang lahat?"
Tanong ko dito.

"Oo 'yon ang sabi nya sa amin."

"Naniwala ka naman? Ito lang ang sasabihin ko sayo Mister hindi lahat ng sinasabi tinutupad, ang iba sinasabi lang 'yon para makuha nila ang kanilang minimithi."

"Tumahimik ka babae!"
Inis na sigaw nito at tinuro ang isang kasama.

''Ikaw! Barilin mo na ang babaeng 'yan."

Utos nito at tumingin sa akin.

Tsk tanga talaga ng lalaking 'to ang daling maniwala.

Lumapit sa akin ang isang lalaki. Akmang babarilin ako nito nang bigla itong bumulagta sa sahig.

I guess may epal na naman.

Nanatili lang akong nakaupo at nakatingin sa kanila na nagbabarilan.

Alam kung kaya nya 'yon kaya hindi na lang ako makikialam.

Ilang sandali pa ay tumahimik na ang paligid. Hudyat na tapos na ang laban.

"Wala ka bang balak tumayo?"

Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko at hindi nga ako nagkamali.

Nasa harapan ko ang isang Zayne Frost Park, nakatayo at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"Are you deaf? Answer me woman! And stop staring!"
May inis na sambit nito.


"I'm not at pwede ba wag kang sumigaw hindi ako bingi."

Sagot ko dito at tumayo.

"Sino ang mga lalaking 'yon? Ano ang kailangan nila sayo?"

"Ewan ko,"
Sabi ko at nagsimula ng maglakad palayo.

"Wag mo akong tatalikuran habang kinakausap kita Agami baka hindi mo ako kilala."
Nagbabantang sigaw nito.

"Kilala kita Mister, ikaw si Zayne Frost Park leader ng BBG at siya nga pala, your childish threat won't work on me."
Sagot ko habang nakatalikod.

"Tsk hindi ka ba talaga marunong magpasalamat? I just saved your life!"

"Hindi at isa pa hindi ko hiningi ang tulong mo."

Pagkatapos kung sabihin 'yon ay nagmamadali akong bumalik sa dorm.

Kailangan ko ng mag-ingat.
Alam na nilang nandito ako at kilala na rin nila ang buong pagkatao ko.

Pero ako ni pangalan nila hindi ko alam.

Pero isa lang ang masisiguro ko nandito sila sa lugar na 'to at binabantayan ang bawat kilos ko.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now