Chapter 32: Changes

5.8K 179 22
                                    

(Laisha Mae Park🔝🔝🔝)

----------
Jericho's POV

"Frost!"

Napalingon ako sa direksyon ni Kyle nang marinig ko siyang sumigaw.

Bigla kong nabitawan ang hawak kong katana nang makita ko si Frost na nakahandusay sa sahig.
Nang-init ang buo kong katawan dahil sa galit at pagsisisi.
Kung alam ko lang na mangyayari 'to. Kung alam ko lang, hindi ko na sana kinakaibigan ang Noir na 'yon.

Si Noir, he's my bestfriend. Siya ang pinagkakatiwalaan ko noong nag-aaral pa siya sa Inferno.
Pero lumipat siya dito nang hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin 'to.
I never thought that my bestfriend is a demon, a ruthless demon.

"Ok that's enough. He's already dead, tapos na tayo dito."

Ano ang ibig niyang sabihin?
Nagpunta lang ba sila dito para patayin si Frost? Pero bakit? Ano ang dahilan?
Sa pagkakaalam ko walang atraso si Frost sa kanya.

Nagtatakang lumingon ako kay Noir.
Magtatanong sana ako nang may nakita akong isang bulto ng tao sa likod niya.

Laisha?
Anong ginagawa niya dito?

Teka ano 'yang hawak niya?
Is that a katana?

Anong-----

Halos malaglag ang panga ko sa gulat nang makita ko kung paano niya hiniwa ang katawan ni Noir.
Paano----

"You're a monster! How could--how --how could you killed my brother? Urgh fuck you!"

Parang piniga ang puso ko sa nakita. It's my first time to see her crying like that. Laisha, our little angel, she never cried before. Lagi siyang ngumingiti at tumatawa. Siya ang anghel ng buong angkan pero ngayon, our little angel is crying.

Napayuko ako nang makita siyang napaluhod habang umiiyak.

It's my fucking fault!
I'm so stupid.

Muli kong tiningnan si Laisha na umiiyak.

I'm sorry Angel, I'm sorry.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Tatalikod na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang Vimster na papalapit sa direksyon niya. May dala itong isang bakal.
Mabilis kong dinampot ang katana at walang alinlangan na itinapon ito dito. Dahan-dahan itong natumba nang tumusok ang katana sa kanyang dibdib.
Hinihingal na lumapit ako kay Laisha at tinapik siya sa balikat.

"Stand up little angel, patay na siya."

"K-ku--kuya Erik,"

"Sshh tahan na."

Hinawakan ko ang mukha niya at pinahid ang mumunting luha sa mga mata.

"P--pe--pero si Kuya--"

"Mabubuhay siya, ok? Malakas ang kuya mo. Hi--"

"Frost! Jericho halika dito."

"Ku--k-kuya Erik, anong nangyayari?"

Hindi ako sumagot. Sa halip ay hinawakan ko ang kamay niya at lumapit sa kinaroroonan nina Kyle.

Napapikit ako nang makita ko ang itsura ni Frost.
Ang putla ng mukha niya, parang hinigop ang lahat ng dugo sa katawan.
Kita sa leeg niya ang marka ng isang kamay, kamay ng isang Vimster.

"K--k--kuya, ku--k-kuya you can't die. Please wake up! You can't leave me, you can't leave ate Ice. K-kuya please open your eyes, please."

"Tol ang gago mo! Akala ko ba malakas ka? Akala ko ba ililigtas pa natin siya? Bakit ka nakahiga diyan hah? Sumagot ka! Frost!"
Sigaw ni Kyle na may tumutulong luha sa mga mata.

"Kuya, k-k-kuya p-please gumising ka."

Napaiwas ako ng tingin.
This is not right.
Bakit ang dali niyang sumuko?
Akala ko ba ililigtas pa namin si Iceah.
Wake up Frost.
Wag m---

"Frost!"

Bigla akong napatingin kay Frost nang marinig ko ang sigaw ni Ace.

"He's still breathing, bumalik ang tibok ng pulso niya."

Napangiti ako sa narinig.

Frost, she's the reason right? She's the reason why you're still alive. Mahal mo talaga siya. Mahal mo talaga si Iceah, ang babaeng nakatakdang ipakasal sa akin.

Tumayo ako at tinapik si Kyle sa balikat.

"Ipasok niyo siya sa loob, mamaya na lang tayo pupunta sa bahay ni Blood kapag gising na siya. "

"Teka anong bahay ni Blood?"
Ngumiti lang ako kay Laisha at hinawakan siya sa ulo.

"Wag ka ng magtanong, sumama ka na lang sa kanila."

"Hah, bakit sana ka pupunta?"

"Wala ka doon,"

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis.

Lumiko ako sa kaliwang pasilyo at tinahak ang malubak na daan.
Pagkarating ko sa dulo ay umakyat ako sa di kataasan na pader.
Muntik na akong mahulog nang masugatan ang kamay ko ng isang na basag ng bote.

Shit! Tanginang bote na'to, pahamak!

Ininda ko lang ang sakit at nagpatuloy sa pag-akyat.

Nang nasa taas na ako ay dahan-dahan akong lumundag pababa.

Pinagpag ko ang suot kong short atsaka tumayo.
Iniangat ko ang ulo ko at tiningan ang isang karatula na may nakasulat na, Grave High School Department.
Pareho lang ang disenyo niya sa college department. Ang ipinagkaiba lang ay hindi masyadong matataas ang building dito. Sa C.D kasi ang tataas ng building although pareho silang may statue sa gitna, statue ni Satan.

So may high school rin pala talaga ang impyernong eskwelahan na'to. Dito kaya nag-aaral si Laisha?
Imposible naman kasing sa department nina Frost siya nag-aaral eh 16 pa lang naman ang edad niya.

Ang ipinagtaka ko lang kung dito nga siya nag-aaral, bakit siya nakalabas? Sa pagkakaalam ko kapag sumapit na ang ganitong oras bawal ng lumabas.
May kakaiba bang nangyayari dito? Kailangan ko 'yung alamin.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Nang makita kong walang tao ay nagsimula na akong maglakad papasok.

Dumaan ako sa madilim na pasilyo. Bawat hakbang na ginawa ko ay pigil ang hininga ko.
Palingon-lingon ako sa paligid baka may makakita sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang isang silid na may bungong nakaukit.
Pinihit ko ang siradura at halos lumabas ang eyeballs ko sa nakita.

Fuck!
Anong ginagawa nila?
At sino 'yang lalaki?

Is that



Fire?




A/N: hey sorry kung ang pangit ng UD na'to. Medyo kinalawang na talaga utak ko✌

Sana magustuhan niyo parin.

Enjoy reading!

Votes and comments are highly appreciated^^

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now