Chapter 2: Artistahin

Start from the beginning
                                    

“Pfff, hello! Artistahin parin ako kahit ano mangyari. Kaya ikaw damuho paspasan mo at sure ako mahaba na pila sa school. Madami na nag aabang sa akin doon. Yesterday okay lang, di sila sure kung papasok ako kaya wala yung red carpet. Today they know I am back so for sure naka ready na yung mga fans ko doon” banat ni Enan.

Habang naglalakad sa campus bungisngis nanaman si Clarisse at todo kapit sa nobyo niya pagkat pakaway kaway si Enan sa mga frehsmen girls. Napapatigil yung mga dalaga at tinitignan naman siya, “Look at them, starstruck nanaman sila sa akin. Hay naku isang di nakakasawang reaksyon araw araw. Girls please masasanay din kayo” banat niya.

“Pare malala ka na ha” sabi ni Shan. “My bestfriend, matagal na tayo magkasama at di ka parin ata sanay sa pagkasikat ko. I cant help it if they are drooling for me. Kapal ng mukha mo pag iniisip mo ikaw tinitignan ha, hello may pretty girl nakayakap sa braso mo”

“Pag ganon nakita ng girls di ka na nila titignan. Oo gwapo ka pero pag nakita taken ka na pumapangit ka na no. Me, the artistahin me, I am single. Kaya wag ka magpapantasya na ikaw tinitignan, kapal ng mukha mo ha. Ako tinitignan nila” sabi ni Enan at umariba sa tawa ang mga kaibigan niya.

Pagdating sa tambayan nila napatigil ang mga boys sa kanilang usapan. “Aha! Nag uusap nanaman sila tungkol sa porn pero since nandito si Clarisse tumigil sila” biro ni Enan. “Gago, di naman porn yung Sleeping Beauty e, rated R lang siya” sabi ni Tommy. “So ilang beses mo naman pinause yung video?” landi ni Enan at laugh trip sila.

“Kailan pa naging rated R yung Sleeping Beauty?” tanong ni Clarisse. “Movie last year hon, di siya literal na yung fairy tale” sabi ni Shan. “Bida doon si Emily Browning” sabi ni Gregory sabay lahat napatingin kay Enan pagkat niyuko niya ulo niya at mukhang malungkot.

“O pare whats wrong?” tanong ni Shan. “Tsk, kaya kami nagbreak ni Emily dahil sa movie na yan” sabi ni Enan at sumabog sa katatawa ang mga kaibigan niya. “She insisted in going all out bold, alam ko artistic naman pero di ko kaya e kaya we broke up” hirit ni Enan at lalo niya napatawa mga kaibigan niya.

“Grabe ka men ibang level na yan” sabi ni Shan. “We kept it a secret, sus ayaw niyo maniwala e” sabi ni Enan. “Ulol, taga States yon tapos ikaw local ka lang” sabi ni Greg. “She comes to visit me, I am that irresistible” landi ni Enan. “Pagbigyan niyo na, di naman bawal mangarap” sabi ni Clarisse.

“My friends why do you doubt me? I have proof, eto may photos kami…ay shit nacorrupt pala sd card ko. Oh my God, wala na yung precious moments namin. It does not matter, nakatatak naman dito sa utak at sa puso ang samahan namin. If you don’t want to believe me edi tanungin niyo siya kasi. Sige tawagan niyo siya at sure ako pag binanggit niyo name ko kikiligin parin yon” sabi ni Enan.

“Hi Enan” biglang may bumati na magandang dalaga na dumaan. “Hello my ex girlfriend” sagot ni Enan at nashock yung mga kaibigan niya. Napatayo sila at sinundan ng tingin yung magandang babae, lumingon pa kasi siya, kinawayan talaga si Enan at nagpacute.

“Holy cow…ex mo talaga yon?” tanong ni Jason. “Imposible, wala pa naman naging girlfriend yan e” sabi ni Tommy. “Hay my friends, you all don’t know me. Kung kami ni Emily di niyo nalaman, kami pa kaya ni Elena malalaman niyo? Pretty huh? But its just sad it didn’t work out kasi habol lang niya katawan ko. I need more than that you know” landi ni Enan at napahalakhak na talaga si Clarisse.

“Kapal mo loko, Elena is my distant cousin” sabi ni Clarisse. “Pinsan mo yon? Bakit di ko alam?” tanong ni Shan. “First year siya, wala ka pa kahapon nung napakilala ko siya kay Enan” sabi ng dalaga. “Wahahaha liar, ex girlfriend huh” sabi ni Gregory.

“Shit muntikan na talaga ako naniwala e” sabi ni Jason. “Hay naku, oo we just met yesterday I admit pero artistahin nga e, nagclick kami agad at kahit wala ako ginagawa e sinagot niya ako agad. Sanay na ako sag anon, di ko nga alam ilan pang girls na nagcoconsider sa akin na boyfriend ako e”

ArtistahinWhere stories live. Discover now