Last Chapter

10K 192 29
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

"Is that true?" He asked once again. Lumapit ako sa kanya pero humakbang sya palayo sa akin. "Answer me! Totoo ba yun?! Pera lang ang habol mo sa akin?!" Pasigaw nyang tanong. Lumandas ang luha sa mata ko. Umiwas ito ng tingin tapos ay napasabunot sa buhok.

"So totoo nga?" Tanong nyang muli. Umiling ako at inabot ang kamay nya pero iniiwas nya iyon. "Dwight makinig ka sa akin.." I pleased. Tumaas ang kilay nito habang nakatiim ang bagang.

"Let me explain." Pakiusap ko. Umiling ito at lumandas din ang luha sa mata nya. Hindi ko kakayanin kapag nawala sya.. mahal ko sya. Hindi pera ang habol ko kung hindi pag ibig nya.

"Akala ko pa naman mahal mo ako. Akala ko pa naman totoo ang mga pinapakita mo. Mali pala ako, maling-mali." Saad nya. Patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"Mahal kita Dwight. Maniwala ka naman.." pakikiusap ko, pero umiling ito. Lumapit muli ako at pero patuloy ang pag distansya nito sa akin. Hindi ko kayang mawala sya.. ang lalaking mahal ko.

"Maniwala ka sa akin.." dagdag kong muli habang nakatingin sa mukha nya, pero diretso ang tingin nito na parang hindi ako nakikita.

"Napaniwala mo na ako nuon. Sa tingin mo paniniwalaan pa din kita ngayon?" Tanong nya. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Sya ba talaga ang Dwight na nakilala ko? Bakit ganito? Ang sakit..

"Lumabas na mismo sa mga bibig mo, Sam. Narinig kong lahat.. ano sa tingin mo? Papaniwalaan ko pa ding mahal mo ako? Pagkatapos ng mga narinig ko?" Patuloy nyang usal. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung kaya ko pang mamuhay muli mag isa. Lumuhod ako sa harap nya at tiningnan ang mata nya. Nagulat ito sa ginawa ko pero nangibabaw ang galit na rumerepleksyon sa kanyang nag aalab na tingin.

"Wag kang magmakaawa, hindi naman ikaw yung nagamit diba? Ako! At ikaw ang manggagamit." Dagdag pa nya. Nakatitig lang ako sa mga mata nitong walang emosyon. "Ngayon, hihiling ako ng pabor sayo.." matigas nyabg saad.

"UMALIS KANA SA BUHAY KO." Mahinahon nyang saad. Lumandas muli ang luha sa mga mata ko. Kaya ko ba? Pagkatapos ng mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Ang taong mahal na mahal ko, hinihiniling na umalis ako sa buhay nya. Kaya ko bang gawin yun?

"Dwight please.. makinig ka sa akin. Mahal kita.. hindi pera ang habol ko sa'yo.. hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat.." saad ko habang nakaluhod pa din sa harap nya, nagbabaka sakali na pakinggan nya ako.

"Tama na! Ayoko nang magmukhang tanga! Ayoko ng makita ka! Umalis ka na!" Sigaw nya sa mukha ko. Ito ang mga salitang ayokong marinig mula sa kanya, pero narinig ko na ngayon. Tumingin ako sa singsing na ibinigay nya sa akin. Hindi ko kailangan ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw na akong tanggapin. Masakit man pero kailangan.. may mali din ako. At kailangan kong tanggapin ang pagkakamali ko.

Pinahid ko ang luha ko bagos ay tumayo na. Tinanggal ko ang singsing sa kamay ko at inabot ang kamay nya. Inilagay ko ang singsing na ibinigay nya sa akin. Pagkatapos nun ay ang kwintas ng mama nyang ibinigay din nya sa akin. Hindi ako nararapat sa pag ibig nya. Hindi ako nararapat maging masaya.

Tumingin ako sa mata nya at pinahid muli ang luha bagos ay huminga ng malalim. Ngumiti ako sa kanya ng mapait.

"Mahal na mahal kita, Dwight.. totoo yun. Ikaw lang ang lalaking minahal ko. But because I hate the feeling of being unwanted, hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sayo. Wag kang mag-alala, lalayo at aalis ako sa buhay mo gaya ng gusto mo."  Usal ko habang diretsong nakatingin sa kanya. "Salamat sa mga masasayang araw na pinagsamahan natin. Sa mainit na gabing pinagsaluhan natin. Siguro isa na lang yung mapait na alaala." Dagdag ko pa. Bumitaw ako sa hawak sa kamay nya at umantras.

"Mahal na mahal kita Dwight, tandaan mo yan. Pero lilipas ang panahon at maitataboy din kita dito sa puso ko, gaya ng pagtataboy mo sa akin ngayon." Seryoso kong saad tapos ay tumingin sa ama nyang nakatingin din sa akin. Ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay sumaludo.

"Sana masaya na kayo. Napaglayo nyo na kami sa isa't-isa." Saad ko bagos ay tumingin muli kay Dwight na walang emosyon. Ngumiti muli ako sa kanya tapos ay lumabas na ng pinto.

Hindi man ito ang ending na gusto ko. Wala akong magagawa. Minahal ko sya ng totoo, pero hindi ko na kasalanan kung hindi nya pinakinggan ang saloobin ko.

Ayoko na din syang makita. Gusto kong takasan ang sakit. Siguro ay matagal-tagal din bago maghilom ang napakaling sugat sa aking puso.  Gusto ko na agad makalimot. Sana isa lamang itong panaginip, pero malayong mangyari iyon.

Lalayo ako sa kanya, gaya ng gusto nya. Pero hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa akin. Sa buhay ko, ngayong wala na sya. Kaya ko bang harapin muli ng mag isa ang buhay na puno ng kalungkutan? Kaya ko bang harapin muli ang problema ng mag isa?

Mapait na mga sandali ay isasantabi at gagawing aral sa buhay. Ang lalaking mahal na mahal ko ay malayo na sa akin. Nakakalungkot pero kailangang tanggapin. Siguro'y matagal-tagal bago makalimot ang nawasak na puso. At sisiguraduhing makakabangon muli at mabubuo ang napira-pirasong puso.

Bago umalis ay tumingin ako sa bahay ko. Inimpake ko lahat ng gamit ko at magpapakalayo-layo. Napangiti ako ng maalala ang lahat, pero alaala na lamang iyon. Kailangan ko ng harapin ang bukas ng mag isa.

Kailangan ko ng tanggalin si Dwight sa aking sistema..

THE END.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now