MBSL-20

12.1K 243 17
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Mabilis lumipas ang isang linggo. Tatlong araw lamang ibinurol si Tita Cora. Nareschedule naman ang aming final defense dahil nga sa nangyari kay Ethan. Pati ang ibang group ganoon ang ginawa dahil unfair naman sa iba. Hindi pumasok si Ethan kahapon kaya binisita ko sya sa kanila. Naabutan ko syang hawak hawak ang litrato ni Tita Cora habang umiiyak. Si Dwight naman, hindi ako pinapansin. Mailap sya sa akin, pero hinahatid nya pa din ako. Gusto ko syang kausapin pero parang hindi nya ako nakikita. Inihatid nya nga ako kanina pero hindi man lang nya ako kinikibo. Pssh.

"Sam, tapos na ako." Masiglang sabi ni John. Nasa may library kami dahil ginagawa na namin yung revisions ng thesis. Wala ngayon si Ethan kaya kami lamang tatlo ang gumagawa nito, pero okay lang sa amin. "Okay. Copy mo na lang sa usb." Sambit ko. Tumango naman sya at nagmadaling kinuha ang usb sa akin.

Tumingin ako kay Reggie na kanina pa din masama ang hinga sa akin. Hindi nga ako mapakali dahil kanina nya pa akong tinitingnan ng masama. Haay.

"Oh." Saad ni John at inabot sa akin ang usb. Mabilis nyang itinago ang laptop nya at itinago sa bag. "Una na ako ha? May basketball game kasi kami ng tropa e." Saad nya. Tumango naman ako kaya mabilis na syang umalis.

Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop ko pero tumikhim si Reggie. Nag angat ako ng tingin pero sinalubong nya ako ng matatalim na tingin.

She smiled at me forcedly. "Napapansin ko madalas kang hinahatid ni Dwight sa school?" Tanong nya at nangalumbaba sa harap ko. "A-ah, oo.." sagot ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay. Parang may kamukha sya, yung babae na nakasalubong ko dun sa kompanya ni Dwight.. parehas silang nakakatakot kapag tumaas ang kilay tapos ang tinis ng boses niya.

"You know what, Sam.. ayoko sa lahat yung inaagawan ako.." she said seriously. Napalunok naman ako sa sinabi nya. Inaagawan? Bakit? Hindi naman sa kanya si Dwight diba? Last time I checked, wala naman sila ni Dwight.  Nakatingin lang ako sa mata nyang matatalim ang tingin.

"So back off, okay? What mine is mine.. at ayoko ng may kahati." Matigas nyang saad at nilapag ang usb sa harap ko. Tumayo sya at tinago na ang laptop nya sa kanyang bag at tumingin muli ng masama sa akin. "Sana naiisip mo na hindi ka nababagay sa mundo nya.. hindi nababagay ang isang MAHIRAP.. sa isang mayamang katulad nya.. kaya matuto kang lumugar." Pinandiinan nya pa ang salitang 'mahirap' habang nanlilisik ang mata sa akin. Ngumiti sya sa akin pero halatang plastik lamang iyon tapos ay naglakad na palayo sa akin. Sinundan ko naman sya ng tingin at binalik ang tingin sa laptop ko para magbasa.

Sinubukan ko ang lahat para hindi magpa-apekto sa mga sinabi ni Reggie, pero hindi talaga iyon matanggal sa isip ko. Sino nga ba naman ako? Hindi ako nababagay sa isang katulad nya. Hindi kami maaari para sa isa't-isa. Pero bakit ganito? Kaya ko pang tanggapin ang mga sinabi nya kaysa naman iwasan ako ni Dwight. Pakiramdam ko may kulang sa akin.

"Mukhang pre-occupied ka ah?" Napapitlag ako ng may magsalita sa harap ko. Napahawak naman ako sa ulo ko at ngumiti. "Hehe.." natatawa kong saad. She sat on the chair beside me and looked at me.

"Usapang pag-ibig yan no?" Kinikilig nyang saad. Nakanganga naman akong nakatingin sa kanya. Si Ms. Arellano, ang librarian ng school namin may tinatagong kakereng-kengan. "H-hindi po.." I lied. Tumawa naman sya pero mahina lang.

"Asus.. kanina pa kita pinagmamasdan no. Hindi ka na nakaalis jan sa introduction ng thesis nyo e." Natatawa nyang saad. Napataas naman ang kilay ko. Malay nya minememorize ko ng mabuti word by word.

"Pwede ka mag-share sa akin.." sambit nya at nag wiggle pa ng kilay. Sabagay, may experience na din naman sya sa pag-ibig diba? Mas maganda din yung may napapagsabihan ako.. tumingim ako sa kanya na parang nag-iintay ng sasabihin ko. I left a sighed and composed the thoughts inside my head.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora