Epilogue

13.2K 260 37
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Dwight point of view

Huminto ako sa tapat ng bahay nya at tiningnan ito. Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito, pero gusto kong malaman kung anong kalagayan nya. Antanga ko diba? Pinagtabuyan ko sya pero nagawa ko pang pumunta dito para kamustahin sya, pagkatapos ng mga masasakit na salitang sinabi ko.

Binuksan ko ang pinto dahil nasa akin pa din ang isang susi nito pero tahimik na lugar ang sumalubong sa akin. Umaasa akong makikita ko sya dito pero wala sya. Napatingin ako sa sala at naalala ang unang araw na tumuntong ako sa bahay na ito. Ako ang kusang pumilit na papasukin ako at maging parte ng buhay nya pero ngayon ay pinagtabuyan ko sya.

Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nalaman mo na ginamit ka lang? Na pera lang ang habol nya sayo? Alangan namang matuwa ka dahil sa nalaman mo. Akala ko mahal nya ako pero hindi pala.

Napangiti ako ng mapait ng maalala nung araw na gusto ko syang halikan pero hindi ko ginawa. Nung gabing iniligtas ko sya dun sa tatlong lasing. Gustong-gusto ko syang halikan nun pero hindi ko ginawa dahil nirerespeto ko sya, pero ginamit lang pala nya ako.

Yung gabing nagsigawan kami dahil sa pinaghintay nya ako ng limang oras sa school nya, tapos malalaman kong kasama lang pala nya si Ethan. Sino ba naman ako para ipriority nya diba? Eh pera nga ang habol nya sa akin e.

Yung gabing nagpalipas kami ng dalawang gabi sa Batangas. Nung gabing sinagot nya ako ng 'oo' nya na sobrang ikinatuwa ko, pero hindi ko alam kung totoo ba ang pagmamahal nya. Nung gabing inangkin namin ang isa't-isa.

Hinawakan ko ang aking labi at inalala ang kanyang labi na nakalapat sa akin. Gusto ko muling maramdaman ang mainit nyang labing muling lumapat sa aking labi, pero malabo na iuong mangyari. Sobrang labo na nun para mangyari.

Tumayo ako at nagtungo sa kanyang kwarto. Tiningnan ko ang ilang litratong nakadikit sa kanyang pader. Lumandas ang luha ko habang nakatingin sa kanyang litrato. Nung una ko pa lamang ito makita ay nabighani na ako sa angkin nitong ganda. Nahagip ng mata ko ang litrato ng kanyang magulang kaya mas lalo akong napaiyak.

Nangako ako sa kanila na hindi ko iiwan at sasaktan si Sam, pero lahat ng pangakong 'yon ay nawala. Hindi ko masisi ang sarili ko dahil sobrang sakit din sa akin ng mga pangyayari. Na malaman kong ginamit nya lang ako para sa pera. Ano yung mga pinakita nya? Acting lang ba yun? Kung paano nya ako sabihan ng 'I love you too, Dwight.'? Scripted lang ba yun?

Binuksan ko ang cabinet nya at duon ko napagtanto na umalis na ito. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nawala sya, pero may parte sa puso ko ang nalulungkot. Bakit? Sa daming pinagdaanan naming problema, lahat yun ay nalagpasan namin. Pinaglaban ko sya sa Dad ko pero kung hindi pa dahil sa tatay ko, hindi ko pa malalaman kung ano ba talagang tingin o pakay nya sa akin.

Umupo ako sa kama nya at inilibot ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang envelope na nakapatong sa kanyang side table. Inabot ko yun ay binuksan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang titulo ng beach house na iniregalo ko sa kanya nung graduation nya.

Napaisip ako ng malalim habang nakatingin doon. Bakit hindi nya ito dinala? Bakit iniwan nya pa ito? Kung tutuusin ay napaka laking pera ang makukuha nya kung ibebenta nya ito, pero nandito ito at iniwan nya.

Gulong-gulo ang isip ko ng oras na yon. Kinutuban ako sa pumasok sa isip ko kaya tumayo ako at nagpunta sa drawer nya at hinila iyon. Bumungad sa akin ang apat na puting envelope na sa pagkakaalam ko ay ang bayad ko pa sa renta. Tiningnan ko iyon at hindi nga ako nagkamali, iyon nga ang bayad ko. Binilang ko ang laman ng bawat envelope at wala itong kabawas-bawas. Nahulog ang isang papel kaya pinulot ko iyon. Nanlaki ang mata ko ng makitang may sulat ito kaya ito'y aking binasa.

Dwight,

Salamat sa mga araw na pinagsamahan natin. Ituturing ko iyong maliligayang araw ng aking buhay. Wag kang mag-alala dahil aalis na ako jan sa buhay mo gaya ng gusto mo. Kung nababasa mo ang sulat na ito, patunay lamang ito na hindi pera ang habol ko sa iyo, kundi ikaw mismo..
Mahal na mahal kita, Dwight sa ngayon, pero lilipas din ang panahon at mabubura ka din dito sa puso ko. Intayin mo lang yun.

-Samantha.

Mas lalong lumaki ang aking mata dahil sa nabasa ko. Lumandas muli ang luha sa mata ko. Anong ginawa ko?! Ipinagtabuyan ko sya kahit hindi ko naman alam ang totoong dahilan nya. Ito ang perang ibinayad ko sa kanya. So ibig sabihin nito ay hindi pera ang habol nya sa akin?

Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa at idinial ang numero ni Sam. Nagbabaka sakali akong sasagutin nito ang tawag ko pero cannot be reached na ito. Binato ko ang phone ko sa pader at nagkalasug-lasog ito.

Napaupo ako sa sahig at umiyak habang sapo ang aking ulo. Anong ginawa ko? Bakit ito nangyayari? Sobrang mali ng desisyon ko. Ilang beses nya akong sinabihang makinig sa kanya pero tinanggihan ko sya dahil nabalot ako ng galit.

Galit sa pag aakalang ako'y ginamit nya. Galit sa pag aakalang hindi nya ako minahal. Galit sa pag aakalang pera lang ang habol nya sa akin. Pero ang totoo ay hindi! Dahil itong mga perang ito ang patunay na hindi pera ang habol nya sa akin, dahil kung pera nga ay bakit maabutan ko pa ito dito? Bakit kailangan nya pang iwan ito kung pwede nya naman itong dalahin at ibenta lahat?

Tumayo ako at pinahid ang luha. Hindi ko alam kung kaya nya pa akong tanggapin pagkatapos ng mga ginawa ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa kanya pagkatapos ng mga sinabi kong masasakit sa kanya. Lumabas muli ako ng bahay nya at inilock iyon.

Isa lamang ang nasa isipan ko at isa lang ang hinahanap ng puso ko. Si Sam iyon na labis kong sinaktan sa pag aakalang ginamit nya ako. Pero mali pala ako. Kailangan ko syang makita. Kailangan ko syang makausap muli.

"I need to get her back.."

- - - - - - - - - - - - - - -
[A/N:] Awww. Ano ba naman yan? Nasa huli talaga ang pagsisi. Maraming salamat sa inyong lahat guys! Sobrang thank you ako sa inyo dahil sa suporta nyo. Sana suportahan nyo din ang Book 2 nito. Hahaha! Yun lang! Enjoy reading! Sa wakas natapos na din ang Book 1! Ciao! :))

-Drone_Ranger.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now