MBSL-13

12.9K 255 8
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Huminto agad kami sa tapat ng school. Naghanap muna ng parking space si Ethan bago namin tinahak ang daan papasok ng school. Hindi naman ako mapakali sa suot ko dahil nga sa over exposed na ang aking likod pero keri ko na lang, isang gabi lang naman 'to e.

"You okay?" Tanong ni Ethan. Tumango naman ito at naramdaman ko ang kamay nya sa aking likuran dahilan para magsitaas ang balahibo ko. Ang init ng palad nya.

Pagkapasok namin sa venue ay madaming mata ang nakatutok sa amin. Mas lalo naman akong inilapit ni Ethan sa kanya.

"You're so beautiful on that dress.." bulong nya sa tenga ko. Agad naman akong napangiti sa sinabi nya. Tumingin ako at inirapan sya. "Bolero.." bulong ko. Nagpakawala naman ito ng mahinang tawa at napakamot sa noo.

"Hindi ako bolero.. look at them, they're looking at you." Saad nya. Agad naman akong nagmasid sa paligid at totoo nga ang sinasabi ni Ethan, nakatingin sila lahat sa akin. Marahil ay ngayon lamang nila ako nakitang dumalo at magsuot ng ganitong damit dahil kahit anong okasyon pa noon ang ginaganap sa school ay hindi ako dumadalo.

Agad akong pumunta sa may girls lane. Mayroon pa kasing introduction of participants e, kung ano anong kaechosan. Nang malapit na ako ay nahagip ng mata ko sina Dwight at Reggie na kakarating lang.

"Ms. Samantha Lee with Mr. Ethan Velasco.." saad nung emcee. Agad ko naman inihakbang ang mga paa ko paakyat ng hagdan. Mabuti na lang at hindi ako gumawa ng kahit anong kapalpakan dahil dito sa suot kong heels. Nagtagpo kami ni Ethan sa may center aisle kaya inihawak ko ang aking kamay sa kanyang braso at humarap sa una pagkatapos ay ngumiti sa photographer. Pagkatapos nun ay bumaba na kami at nagtungo na sa aming upuan.

Hanggang makaupo ay nakaalalay sa akin si Ethan. Pinaghila pa ako nito ng upuan kaya nginitian ko ito. Umupo sya sa tabi ko at naghintay.

"Ms. Reggielyn Fuego with Mr. Dwight Reyes.." agad akong napatingin sa stage ng tawagin ang kanilang pangalan. Nakasuot si Reggie ng isang red dress na may high slit cut sa kanyang left leg. Sobrang sexy nito sa kanyang suot. Parang nanliliit tuloy ako, pero mabuti pala at ito yung sinuot kong damit kasi baka kung yung akin, malamang mapapagkamalan akong naligaw.

Tumingin naman ako kay Dwight na malakas ang dating dahil sa tuxedo na suot nya. Lagi naman syang naka ganoong suot pero iba pa din kapag umaattend ito ng ganitong okasyon. Nagsimula na silang lumakad pababa at umupo sila sa may likuran namin.

Umakyat sa stage ang emcee at nagsimula ng opening remarks. Naramdaman ko naman ang braso ni Ethan sa aking likuran. Naiilang ako nung una pero hinayaan ko na lang sya. Nakaramdam naman ako ng matatalim na tingin sa likuran pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"May I invite Mr. Dwight Reyes to have some speech.." saad nung emcee at tumabi. Nilingon ko naman si Dwight na nakatayo na at naglakad na papunta sa stage. Tumikhim muna ito bago tumingin sa mga tao.

"Speech? No need for that.." panimula nya. Lahat naman ng mga mata ay nakatingin sa kanya. Magaling talaga ito kumuha ng atensyon dahil sa sanay na itong humarap sa madaming tao. "I just want to say that.. enjoy yourself and have fun while we we're young.. goodevening and thankyou." Saad niya at bumaba na. Agad naman nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi nya.

Simple but meaningful.. nakalimutan ko na nga siguro ang magsaya, dahil sa nabalot na ako ng kalungkutan. Tama sya na habang bata tayo, ienjoy natin ang ating sarili. Hindi natin dapat isantabi ang pagiging masaya dahil sa baka sa huli na tayo magsisi. Napangiti na lang ako dahil naranasanan kong umattend sa ganito.

Ito yung karanasan na hindi kayang bayaran ng kahit anong materyal na bagay. Ito yung karanasan na hindi mo malilimutan at babaunin mo sa iyong pagtanda. Ito yung karanasan na sasariwain mo at aalalahanin mo habang buhay.

"Thank you, Mr. Reyes. Now, kainan na!" Sigaw nung emcee. Agad naman nagsigawan ang mga estudyante at parang nagkagulo na. Napatingin ako kay Ethan na nakangiti din. Napangiti na lang din ako dahil sa saya na nararamdaman ko.

Nagsimula ng kumain. Habang kumakain may background music pa para dama mo ang pagkain. Masarap ang mga inihandang putahe at nagseserve din ng alak, pero tumanggi ako sa inumin na yon. Nag wine na lang ako. Bigla naman tumugtog ng slow music at bumukas ang ilaw na para kang nasa isang bar.

"The floor is open for those who want to dance.." saad muli nung emcee. Madaming estudyante ang nagsitayuan kasama ang kanilang mga kapareha. Napalingon ako kay Ethan na nakatayo na pala at nakalahad ang kamay sa akin.

Inaaya nya ba ako sumayaw? Pero hindi naman ako marunong nun e. Hindi nga ako nakakadalo sa ganito. Napansin ko na ang tagal ng naka ganoon ni Ethan kaya inabot ko na lang. Nakakahiya naman kung irereject ko pa e. Nagtungo kami sa gitna. Inilagay ni Ethan ang aking kamay sa kanyang balikat at sya naman ay humawak sa aking bewang.

Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ngayon ko lang nalapitan ng mabuti ang mukha nya. Medyo makapal ang kilay nya pero bumabagay ito sa kanya. Mahaba din ang pilikmata at itim ang kulay ng kanyang mata. Matangos din ang kanyang ilong at mapupula ang labi.

"Nag eenjoy ka ba?" Tanong nya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero sa labi nya ako napapatingin. "O-oo. Salamat sa pag imbita.." saad ko. Ngumiti naman ito sa akin tapos ay bumaba ang tingin sa aking labi.

Bumilis nga kaunti ang tibok ng puso ko. Bumalik ang tingin nya sa aking mata tapos ay ngumiti. "Everyone deserves to be happy.." saad nya muli. Nginitian ko ulit sya tapos ay iniiwas ang tingin ko.

Ano bang nangyayari? Twing nagsasalita sya sa labi ako napapatingin! Dati naman hindi ganon. Pssh.

"Sam?" Tawag nya sa akin. Tumingin naman ako habang nakataas ang kilay. Bumaba muli ang tingin nito sa aking labi tapos ay binasa nya ang kanyang labi bagus ay bumalik ang tingin sa akin. "S-sorry sa gagawin ko.." saad nya at inilapit ang mukha sa akin.

Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko hindi ako makasagap ng hangin. Ang lambot ng labi nya. Nakamulat pa din ako at hindi maramdaman ang katawan ko. Bakit? Bakit nya ako hinalkan? Naramdaman ko na gumalaw ang labi nya kaya mas lalong lumaki ang mata ko. Anong gagawin ko? Hindi ko sya pwedeng ikiss back kasi wala naman akong nararamdaman. Gusto ko syang itulak pero hindi ko maramdaman ang mga braso at kamay ko.

Naramdaman ko na lang na bumitaw sya sa halik at humandusay sa sahig. Napahawak naman ako sa aking bibig dahil dumudugo ang gilid ng labi nya. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko tapos ay humarap sya sa akin habang galit na galit. Hinuli nya ang aking braso at walang pakundangan akong hinila palabas ng venue..

.itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now