MBSL-37

9.1K 180 2
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

Nilapag ko ang dyaryo na hawak ko at kumagat sa mansanas na kinuha ko. Naghahanap kasi ako ng trabaho. Alangan naman na tumunganga lang ako dito sa bahay no! Baka naman mabangag ako dito. Isa pa 'tong mga kinakain ko, simula ng malaman ni Dwight na buntis ako, puro gulay at prutas na ang pinapakain nya sa akin. Hindi naman ako makatanggi kasi gusto ko din naman maging healthy ang magiging baby namin.

"Asawa ko, Im home!" Saad ni Dwight pagkabukas nya ng pinto. May dala syang supot at alam ko na kung anong laman nun. Napansin nya naman agad ako at pumaskil agad ang ngiti nya. Lumapit sya sa akin at hinalkan agad ako sa noo.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ko sa kanya. Umakbay naman agad sya sa akin tapos ay inihawak ang isang kamay sa tyan ko habang hinahaplos ito. "Gusto lang kitang bantayan." Malambing nyang saad. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Bantayan? Hindi na naman kailangan yun e." Reklamo ko. Pinisil nya naman ang pisngi ko kaya napangiwi ako. "Aish! Paano kung may sumakit sayo diba? Atleast nandito ako." Paliwanag nya. Inirapan ko sya at kinuha muli ang dyaryo at naghanap ng magiging trabaho.

"You looking for a job?" Tanong nya. Dahan-dahan naman akong tumango tapos ay hinablot nya ang dyaryo sa kamay ko. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa ginawa nya. "You're not gonna work." Matigas nyang saad habang nakatiim ang bagang.

Hindi ko mapigilan mainis sa kanya. Anong gusto nya? Na ikulong ako sa bahay na'to? Ayoko dito, gusto ko magtrabaho.

"But I.---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na sya. "Kaya kitang buhayin." Matigas nyang saad. Tumayo ako at humarap sa kanya habang nakatiim ang bagang.

"Alam ko! Pero para saan pa ang pag-aaral ko kung hindi ko din naman magagamit!" Sigaw ko sa kanya. Tumayo din sya at napahawak sa sentido nya. "Babe you don't understand." Mahinahon nyang paliwanag.

"Then make me understand it!" Napipikon kong sagot. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito. "Ayoko lang na ma-stress ka. Remember, you're pregnant. If you try to stress yourself, it may harm the baby." Paliwanag nya. Kita ko sa mata nya ang pag-aalala. Kumalma ako at napahawak din sa sentido ko.

"Hindi naman pwedeng dito na lang ako, Dwight!" Naiirita ko pa ding sagot. Ayoko dito. Anong gagawin ko dito? Manunuod ng tv? Kakain? Gusto ko magtrabaho pero makakasama naman sa bata. "Okay, let's settle this. Kapag nakapanganak ka na, I'll let you work." Pangungumbinsi nya.

So it means kailangan ko pang maghintay ng 9 months? Arrgh. Kahit hindi ako kumbinsido sa sinabi nya, e tumango na lang ako. He cupped my face and smiled in relieved.

****

The next day..

Hinintay ko munang makaalis si Dwight bago ako naligo. Kahit alam kong ayaw nya akong magtrabaho, kailangan ko talagang maghanap. Ayoko sa bahay, hindi ako sanay. Hindi naman pwedeng lagi na lang ako dumepende kay Dwight. Hindi ko pa naman sya asawa. Well, siguro asawa na nga kasi magkakaanak na kami. Uggh.

Lumabas na agad ako ng bahay at dali-daling sumakay sa tricycle. May ilang kompanya ako pupuntahan ngayong araw, at hindi ito alam ni Dwight. Huminto ang tricycle sa tapat nung kompanya na sinabi ko at nag abot ng bayad. Pumasok agad ako sa building at nagtanung sa information table kung may hiring. Tumango naman ito at dinala ako sa HR for interview.

Habang nag-iintay ako ng tawag ng HR ay umupo muna ako at kumuha ng tubig. Napapitlag naman ako ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko agad yun at sinagot.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

[Hi Asawa ko? Kumain kana ba?] Tanong ni Dwight sa akin. Tumingin naman ako sa relo ko at pasado alas dose na pero hindi pa ako kumakain. Malapit na akong tawagin kaya siguro mamaya nalang ako kakain pagkatapos. "O-oo." Pagsisinungaling ko.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now