MBSL-8

14.9K 251 2
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Naglakad ako palabas ng school. Tumingin ako sa relo ko at pasado alas syete na. Goodluck na lang sa akin kung maaga ako makakauwi. Tumayo ako sa isang waiting shed at nag intay ng tricycle pero walang dumadaan.

Buiset! Ang tumal pa naman ng tricycle dito kapag gabi na. Gusto ko sana maglakad sa kabilang kanto kaso madilim ang dadaanan ko. Kapag sinuswerte nga naman ako e lowbat pa ang aking phone.

Habang nag iintay ay may dumaan na dalawang lalaki nagtatawanan. Agad naman nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa tawa nila. Kinakabahan ako sa kinakatayuan ko dahil wala pa naman masyadong bahayan dito.

"Pre, may chicks oh." Saad nung lalaking balbas sarado at tinapik pa ang kasama nya. Tumingin naman yung lalaking kasama nya sa akin at pumaskil ang ngiti sa mukha nya. "Hello, nag-iisa ka ba?" Tanong nung lalaking amoy alak. Parehas silang amoy alak, tapos yung lalaking balbas sarado ay mapupula ang mukha na parang nakahithit. Nakakatakot.

Agad akong humakbang para maglakad palayo pero hinarangan ako ng dalawang lalaki habang tawa ng tawa. Hinablot nung lalaking balbas sarado ang braso ko.

"Miss, gusto lang namin makipaglaro. Game ka ba?" Bulong nya sa tenga ko. Gusto ko masuka sa amoy ng hininga nya. Agad akong nagpumiglas pero mahigpit itong humawak.

"Ito yung gusto ko sa babae, pa hard to get pero gusto din naman." Saad naman nung kasama nya at tumawa. "Bitawan nyo ko!" Sigaw ko pero hindi nila binibitawan ang braso ko.

"Halika na, papasayahin ka namin." Sabi nila at hinila ako pero nagpumiglas ako. Nang mabawi ko ang braso ko ay tinuhod ko yung isang lalaki sa maselang bahagi nya kaya napaluhod ito. Tumingin sa akin ng masama iyong kalbo at agad ay sinunggaban ako.

Hawak nya ang aking dalawang braso habang nakadikit ito sa pader. Hindi ako makagalaw dahil sa lakas nya. Unti unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa aking leeg at hinalkan iyon.

"B-bastos! Bitawan moko!" Pagpupumiglas ko pero tumawa sya. Ilalapit nya na ang mukha nya sa aking mukha kaya napapikit na lang ako at nag intay ng ilang segundo pero walang labing dumait sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin si Dwight na nakatalikod sa akin habang yung dalawang adik ay nagsitakbuhan na. Humarap sa akin si Dwight at hinawakan ang balikat ko habang ako'y sinusuri.

"You okay?" Nag aalala nyang tanong. Dali dali naman akong tumango. Naaamoy ko ang laway ng adik na yun na humalik sa leeg ko, nakakadiri. "Are you sure? May ginawa ba sila sayo? Tell me!" Galit na galit nyang tanong.

"W-wala." Sagot ko naman. Lumapit sya sa akin at inamoy ako bago ay sinalubong ako gamit ang seryosong mata. "Bakit amoy alak ka? Hinalkan ka ng adik na yun?" Naiirita nyang tanong.

"O-oo, pero sa leeg lang." Saad ko. Agad nagbago ang mukha ni Dwight at napalitan ito ng nag aalab na galit. "Gago yung mga yun!" Saad nya at susundan pa sana pero pinigilan ko sya.

"Wag mo na silang habulin." Untag ko. Nagpapigil naman si Dwight pero bakas pa din ang galit sa mukha nya. "Paano kung balikan ka nila?" Tanong nya. Bumitaw naman agad ako sa braso nya.

"Kaya ko sarili ko." Sagot ko. Nagpakawala sya ng mahihinang mura at sinapo ang noo. "Damnit Sam. Baka kung hindi ako dumating baka na-rape ka na nung dalawang adik na yun!" Naiiyamot nyang saad 

Hindi na lang ako nakipagtalo. Tama naman sya e, baka kung hindi sya dumating baka na-rape na ako ng dalawang adik na yun. Tumalikod si Dwight sa akin.

"Let's go home." Walang gana nyang saad at naglakad na papasok sa sasakyan nya. Bumuntong hininga naman ako at naglakad na papasok sa sasakyan nya.

Sinara ko agad ang pinto at pinaandar nya agad ang sasakyan. Buong byahe ay tahimik kami. Hindi ko maintindihan itong si Dwight, sobra naman yung galit nya. Siguro nag-aalala lang sya sa akin. Huminto kami sa tapat ng aking bahay at wala man lang nagsasalita. Nakatunganga lang ako sa unahan at hindi kumikibo.

Rinig kong bumuntong hininga sya at nagsalita. "Susunduin na kita twing awasan mo." Saad nya. Nanlaki naman ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Dwigh, hindi na kailangan." Depensa ko. Humawak sya ng mahigpit sa manibela. "It's final, whether you like it or not." Diin nya. Ako naman ang napabuntong hininga.

"Hindi mo na kailangan gawin yun! I can defend myself." Depensa ko ulit. Tinapunan nya naman ako ng tingin. "Damn it, Sam! Just follow my damn order!" Sigaw nya. Natahimik naman ako dahil sa sigaw nya. Kita kong nag aalab sa galit ang kanyang mga mata. Dahan-dahan akong tumango kaya huminga sya ng maluwag.

Nakakatakot sya magalit. Tinanggal ko ang seatbelt ko pero ayaw matanggal nito. Tumingin ako kay Dwight na nakatingin na din pala. Lumapit sya sa akin at tinulungan akong tanggalin iyon.

Halos maduling naman ako dahil sa lapit ng mukha nya. Ang gwapo nya talaga kapag malapitan. His eyes, pointed nose, perfect jawline and his perfect set of teeth. Agad naman akong nanigas ng magtama ang aming mga mata.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Shit! Ano na naman ba 'tong nararamdaman ko? Bumaba ang tingin nya sa aking labi kaya napatingin din ako sa kanyang labi.

Dahan dahan nyang inilapit muli ang kanyang mukha sa akin habang diretso ang tingin sa aking labi. Hinawakan nya ang aking pisngi habang papalapit ng papalapit ang mukha. Ramdam ko na ang kanyang hininga.

"I can't kiss you.." saad nya at lumayo na. Ako naman ay sapo ang aking dibdib dahil sa bilis ng aking hininga. Pangalawang beses na syang nagtangka na halikan ako. Lumapit ulit sya at tinanggal ang seatbelt ko.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Nakatingin lang sya sa unahan. Humakbang ako paantras at sinara ang pinto at naglakad na papasok sa loob ng bahay at nag diretso sa aking kwarto. Hinawakan ko ulit ang aking dibdib na parang nakikipag karera sa bilis ng tibok nito. Bakit ganon? Parang nanghihinayang ako? Na hindi nya ako hinalkan.

Napapitlag ako ng may kumatok sa pinto ko. Binuksan ko yun at bumungad si Dwight na nakahawak sa ulo habang nakayuko. Napakunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko. Nag angat naman sya ng tingin at tumingin sya sa akin. Para syang hindi mapakali. "A-ah, ano. Shit!" Saad nya at sinabunot ang buhok. Pinanuod ko lang sya.

"Ano ba kasi?" Tanong ko. Tumingin muli sya at lumunok. Tumingin muli sya sa labi ko tapos ay binalik ang tingin sa mata ko. "G-gu.." nauutal nyang bigkas.

Ako naman, hinihintay ko yung lalabas sa bibig nya. Suminghap sya ng hangin at tumingin muli.

"Goodnight." Untag nya. Napatulala naman ako. Yun lang? Kinatok nya pa ako para dun? Bakit ganito? Parang pakiramdam ko nanghinayang ako. Nag aassume na naman ako.

"G-goodnight din." Saad ko. Ngumiti sya at tumalikod na. Sinara ko na ang pinto ko at sumandal sa pinto.

Bakit ganoon? Feeling ko disappointed ako. Dahil ba yun sa halik na hindi natuloy? At tsaka dun sa sasabihin nya? Ginulo ko ang buhok ko at humiga sa kama ko.

Ano bang ginagawa mo sa akin, Dwight? Hindi na naman ako makakatulog ng ayos dahil sa mga inaasta mo.

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now