MBSL-41

9.3K 194 1
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

Nakatulala lang ako kay Dwight habang nakatalikod ito at nagluluto. Sinundo nya ako sa trabaho kanina. Napagpasyahan ko na din na wag ng umalis sa trabaho dahil para saan pa diba? Nawalan na din naman ako ng anak. Gusto ko din makaiwas sa depresyon kaya mas mabuti na yung naitutuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay.

Inihanda na ni Dwight ang pagkain sa lamesa. Naiinis ako sa sarili ko kapag tumitingin ako sa mata nyang nalulungkot. Naalala ko yung excitement nya nung malaman na buntis ako, pero ngayon napalitan yun lahat ng lungkot. Hindi ko man lang naalagaan ng mabuti ang anak namin sa sinapupunan ko. Hindi ko man lang iluwal sa mundong ito. Nais ni Dwight magsampa ng kaso kay Britt, pero kinausap sya ng Dad nya na itigil ang walang katuturang dahilan ni Dwight.

Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkawala ng anak ko. Gusto kong ipakulong si Britt pero para saan pa? Maibabalik ba nun ang anak ko? Hindi naman diba? Kaya kinausap ko na din sya na tigilan na ang pagsasampa ng kaso dahil ang Maykapal na ang bahalang humusga at magparusa sa kanya.

"Umiiyak ka na naman.. stop crying babe." Saad ni Dwight at pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa mata nyang malungkot. Alam kong puno pa din sya ng paghihinagpis dahil sa mga nangyari.

Hinalkan nya ako sa noo tapos ay mahigpit na niyakap. Ang hirap makalimot ng sakit. Ang hirap ng mawalan!

"Let's eat." Saad niya at nilagyan ako ng kanin sa plato. Nakatunganga lang ako dahil wala akong ganang kumain. Kanina sa trabaho ay puro tubig lang ako. Wala akong ganang kumain kapag naaalala ko ang mga nangyari.

"Wala akong gana." Walang gana kong sagot at nakatulala pa rin sa lamesa. Umupo naman si Dwight sa upuan at napasabunot sa buhok. "Babe wala ka pang kain. Gusto mo bang magkasakit ka?" Tanong nya.

Magkasakit? Sana nga magkasakit na lang ako! Para naman mapagbayaran ko ang ginawa ko sa anak ko. Hinayaan ko syang saktan ng Britt na yun!

"Sana nga magkasakit na lang ako para makasama ko na ang anak ko." Saad ko at sinalubong ang tingin nya. Sandali kaming natahimik pero napapitlag din ako ng marinig kong kumalabog ang lamesa. Nangingilid ang luha sa mata nya habang nakatingin sa akin.

"Paano ako? Iiwan mo na din ako?" Saad nya. Akmang tatayo na ako sa kinakaupuan ko pero nagsalita muli sya. "Sam, akala mo ba madali din 'to sa akin? Akala mo ba ikaw lang ang nagdudusa?! Ha? Anak ko rin yun Sam! At namatayan din ako!" Sigaw nya habang nangingilid ang luha sa mata nya. Napakagat ako sa aking labi habang nakatingin sa kanya. Parang kinakain ako ng guilt dahil sa mga inaasta ko.

"Hindi lang ikaw ang namatayan! Pati ako! Kaya nga iniintindi kita, kasi kailangan para malagpasan natin 'to. Pero kung ganyan ka ng ganyan... Sam isipin mo din naman ako na nahihirapan din sa kakasuyo sayo." Seryoso nyang saad. Tumayo ako para lapitan sya pero tumayo din ito at naglakad papasok sa kwarto nya, pero bago nya ito isinara ay nagsalita muli ito.

"Hirap na din ako. Pero kailangan kong magpakatatag dahil ayokong masira ang relasyon na ito." Saad nya at isinara ang pinto. Nakatingin lang ako sa pinto nya at lumandas ang luha sa mata ko.

Guilt. Ito yung nararamdaman ko. Hindi ko man lang naisip na nasasaktan din sya sa mga ginagawa ko. Hindi ko man lang naisip na nahihirapan sya sa sitwasyon namin. Puro ang anak ko at ang sarili ko ang iniisip ko. Hindi ko na naisip si Dwight na nahihirapan din dahil sa nangyari. Napatingin ako sa pagkaing nakahanda na sa mesa. Lahat ibinibigay nya sa akin kahit nasasaktan na sya. Lahat idinudulot nya sa akin kahit hirap na sya. Pero ako? Natanung ko ba kung okay lang ba sya? Natanung ko ba kung anong nararamdaman nya?

Hindi! Kasi ang iniisip ko lang palagi ay ang sarili ko. Na ako lang ang nasaktan, ako lang ang nagdudusa, ako lang ang nawalan, ako lang ang nahihirapan, pero hindi totoong ako lang! Kasi nanjan din si Dwight na mas doble pa ang hirap na tinatamo nya.

Sa panunuyo sa akin. Sa pag-aalala sa akin. Hindi sya nagkulang sa mga bagay-bagay. Ako ang nagkulang dahil hindi ko man lang naisip na masakit at mahirap na din yung pinagdadaanan nya. Na nawalan din sya ng anak. At ang tanga ko para hindi isipin ang nararamdaman nya. Ang tanga ko dahil dumadagdag pa ako sa sakit na nararanasan nya.

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko. Binuksan ko ang pinto at nakita si Dwight na nakatayo at nakatingin ng malayo. Kinagat ko ang aking labi habang nakatingin sa kanya. Lumapit ako at niyakap sya mula sa likuran. Nagulat naman ito sa ginawa ko pero hindi sya nagpumiglas. Sinandal ko ang ulo ko sa likuran nya at dinama ang init ng katawan nya. Ang tanga ko dahil hindi ko man lang naisip yung nararamdaman nya.

"Im so sorry.." saad ko at hinigpitan ang yakap sa likuran nya. Ayokong humarap ito sa akin dahil baka hindi ko na tuluyang masabi ang mga gusto kong sabihin. "Im so selfish.. hindi ko naisip na pati ikaw nasasaktan." Marahan kong saad. Tahimik lamang ito at ramdam ko ang malalim nitong hinga.

"Hindi ko naisip na nahihirapan kana. Kasi iniisip ko lang palagi ay ang sarili ko." Seryoso kong saad. Inaamin ko ang pagkakamali ko, hindi ko kailangan yun itanggi. Humarap si Dwight sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry asawa ko. Sana maayos natin ito." Sambit ko. Tumaas ang isang sulok ng labi nito at pinunasan ang luha ko bagos ay hinalkan ako sa labi. Yung bang halik na makakasigurado kang hindi ka nya iiwan. Yung hindi ka nya hahayaang mawala sa kanya. Naramdaman ko yun sa halik nya.

Bumitaw sya sa halik at hinawakan ako sa bewang at mas lalong inilapit sa kanya. Ngumisi ito sa akin. "Matitiis ba kita? Asawa ko?" Malambing nyang saad.

Sumilay muli ang ngiti sa labi ko at hinalkan sya. Kahit hindi ako sanay na ako ang nag iinsist ng halik ay gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang din ako palagi sa tabi nya.

"Malalagpasan din natin ito. Just have faith on us. Mahal na mahal na mahal kita." Saad nya habang isinusuping ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Ngumiti ako dahil sa sinabi nya. "Mahal na mahal din kita." Saad ko at niyakap na sya ng mahigpit. Kung noon ka pa sana dumating, edi hindi na ako nahirapan noon ng mawala ang mga magulang ko.

"Kumain na tayo." Aya ko sa kanya. Ngumiti naman ito at nagnakaw ng halik sa akin. Hinampas ko naman sya sa dibdib nya pero ngumisi lang ito. "Oo nga. Gutom na ko." Saad nya at sabay na naming tinahak ang daan papunta sa kusina.

I think this is a new beginning for us. I hope we would be able to protect our relationship for those who want to destroy us.

..itutuloy..

[A/N]: Aryt! Happy happy na ulit. Hahaha. Siguro hanggang 60 chaps lang ito tapos Book 2 na tayo! Wiii! Salamat sa inyong lahat na sumusuporta sa storya ko. Free to vote and comment. Salamuch po!

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now