MBSL-45

9.6K 171 4
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

Pagkatapos namin makausap ang doctor ay nagtungo na kami kung saan naka admit si Sir Danny. Naaksidente ito dahil sa kalasingan, at napuruhan ang mga binti nito dahilan ng pagiging paralisado nya. Nakakalungkot malaman na naging baldado ito pero maaari pa naman daw itong gumaling kung ipapatingin sa espesyalista sa ibang bansa.

Binuksan ni Dwight ang pinto at bumungad ang ama nyang nakaupo sa kama at nagbabasa ng dyaryo. Nakita ko din si Ashlee na nakaupo din sa gilid at nang mapansin kami ay ngumiti ito at nagtatakbo palapit sa amin.

"Kuya!" Masiglang tawag ni Ashlee kay Dwight. Tumingin din si Sir Danny kay Dwight pero kumunot ang noo nito ng makita ako, tapos ay ibinalik muli sa dyaryo ang tingin nya. "I missed you, kuya." Saad ni Ashlee at niyakap si Dwight. Napangiti ako dahil ang ganda nilang tingnan.

Kinabahan ako ng tumingin si Ashlee sa akin pagkatapos ay bumitaw sa yakap kay Dwight. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako? Kasi baka irapan nya din ako. Baka magalit din sya sa akin.

"Is she Ate Sam?" Tanong ni Ashlee kay Dwight. Tumingin naman si Dwight sa akin tapos ay ngumiti. "Yeah..." sagot naman ni Dwight. Nakatunganga pa din ako, parang umurong na ang dila ko.

"She's pretty!" Sigaw ni Ashlee pagkatapos ay niyakap ako. Ako naman, nakatulala lang dahil totoo ba itong nangyayari? Ohmygod. Hindi na ako mahihirapan dito kay Ashlee. Tatay nalang talaga ni Dwight ang kailangan kong problemahin.

"Thank you for taking care of Kuya. I like you instead of Britt." Nakangiti nyang saad. Ngumiti din ako ng pilit at magsasalita sana kaso ay may biglang mautoridad na boses na nagsalita.

"Stop talking nonsense, Ashlee." Walang ganang saad ni Sir Danny. Kumunot naman ang noo ni Dwight dahil sa sinabi nya. Bumitaw na sa yakap sa akin si Ashlee tapos ay bumalik na sa kinauupuan nya kanina. Ngumiti ako sa kanya bagos ay hinawakan ni Dwight ang kamay ko at naglakad kami palapit kay Sir Danny.

"Siguro naman, alam nyo na ang kalagayan nyo?" Tanong ni Dwight. Hindi ito pinansin ng Dad nya at patuloy pa din sa pagbabasa. Napailing na lang si Dwight at umupo na kami sa tabi ni Ashlee na naglalaro sa iPad nya.

"Ashlee, you need to go home." Sambit ni Dwight. Tumigil sa paglalaro si Ashlee tapos ay umiling. "No kuya. Gusto ko bantayan si Dad." Sagot nya. Ginulo naman ni Dwight ang buhok ni Ashlee.

"May pasok ka pa bukas. Ako na magbabantay sa kanya." Saad ni Dwight. Tumango si Ashlee kahit ayaw nito. Tumayo ito tapos ay lumapit kay Sir Danny at yumakap. "I love you, Dad. Dadalawin ulit kita bukas." Nakangiting saad ni Ashlee tapos ay hinalkan ni Sir Danny ito sa noo. Kahit matigas ang itsura ni Sir Danny, nararamdaman ko na malambot ang puso nito.

"Nasa labas si Manong Edward. Mag iingat ka." Saad din ni Dwight at niyakap si Ashlee. Tumingin naman sa akin si Ashlee tapos ay kumindat. "Bye Ate Sam." Saad ni Ashlee. Inihatid namin siya sa labas ng kwarto dahil ayoko naman magpaiwan sa loob nun kasama si Sir Danny. Baka kung anong gawin o sabihin nya sa akin.

Pagkaalis ni Ashlee ay humarap ito sa akin tapos ay hinawakan ang balikat ko.

"Ikaw din, you need to go home." Sambit nya. Umiling naman ako at hinawakan ang kamay nya. "Hindi ako uuwi. Sasamahan kita dito." Sagot ko. Kumunot naman ang noo ni Dwight.

"May trabaho ka pa bukas." Usal nya. Ngumiti naman ako tapos ay pinisil ang ilong nya. "Edi papasok ako bukas. Basta sasamahan kitang bantayan ang Dad mo." Pamimilit ko. Ngumiti naman si Dwight kahit pagod na pagod na ito. Madami na syang ginawa sa opisina tapos magbabantay pa sya dito.

"Nagpapalakas ka ata kay Dad e." Natatawang saad ni Dwight. Napatawa din ako at tumango sa kanya. "Oo no! Okay na ako kay Ashlee, sa Dad mo na lang." Biro ko. Tumawa ito tapos ay pinisil ang ilong ko.

"So, bantayan mo muna si Dad. Bibili lang ako ng makakain." Nanigas ako sa sinabi nya. Ako? Babantayan yung Dad nya? Nakow! Ginusto ko ito e. Wala akong nagawa kung hindi tumango. Hindi naman pwedeng sumama pa ako kay Dwight kasi sino ba naman ang magbabantay sa Dad nya?

"Wag mo na lang sya pansinin kapag kinausap ka, okay?" Tanong ni Dwight. Tumango naman ako tapos ay nag thumbs up sa kanya. Hinalkan ako nito sa noo tapos ay naglakad na palayo sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto at umupo sa sofa.

Tahimik, pero kinakabahan ako. Ramdam ko ang mabibigat na hinga ni Sir Danny. Hindi ko din naman gusto dito e, pero kailangan ako ni Dwight.

"Bakit ka pa nandito?" Napapitlag ako ng marinig ang boses nya. Hindi ko na lang ito sinagot dahil nga sa sinabi ni Dwight. "Hindi kita kailangan dito." He said seriously. Oo na, hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito.

"Alam ko naman po yun, pero kailangan ako ni Dwight." Sagot ko. Kahit gusto kong manahimik na lang, hindi ko makaya. Tinaasan ako nito ng kilay. "Hindi ka nya kailangan. Ikaw ang may kailangan sa kanya." Matigas nyang saad. Kumunot ang noo ko sa kanya. Umangat ang isang sulok ng labi nito.

"Alam kong nagbabayad si Dwight sa'yo ng sampung libo kada bwan para sa renta.. sinong mas may kailangan sa inyo sa isa't-isa? Ikaw.. dahil pera lang ang habol mo sa anak ko." Insulto nya. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi nya. Simula ng magkaroon kami ng relasyon ni Dwight ay hindi ko na tinanggap ang perang ibinabayad ni Dwight. Hindi pera ang habol ko sa anak nya dahil ang alam ko ay mahal ko talaga si Dwight.

"Kaya hindi mo sya maiwan dahil kailangan mo sya.. no, let me rephrase it.." sambit nya. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya. "You need his money.. not his love." Dahan-dahan nyang saad. Lumandas ang luha sa mga mata ko at iniiwas ang tingin sa kanya.

Oo aaminin ko na malaking tulong ang pera ni Dwight sa akin nung nag-aaral pa ako. Kinailangan ko ang pera ni Dwight para makatapos ako. Pero simula ng makaramdam ako ng kakaibang bugso ng damdamin para sa kanya ay nawala iyon. Hindi ko tinanggap ang perang ibinabayad nya dahil sobrang dami na nyang naging tulong sa akin.

"Ginamit mo lang sya para makatapos ka.. parehas na parehas kayo ng ina mo." Dagdag nya. Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Bakit nadamay ang nanay ko dito? Kilala nya ba ang nanay ko? "Wag nyo pong idadamay ang nanay ko dito." Matigas pero mahinahon kong saad. Umangat muli ang isang sulok ng labi nito sa akin.

"What? Are you afraid to know the truth?" Tanong nya. Gusto ko syang sampalin dahil sa mga pinagsasasabi nya pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. "You're just like your slut mother. She only wants your father's wealth.. accidentally, you're mother got pregnant and she bore a gold digger like you also." Dagdag pa nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya. Lumalandas ang luha sa mga mata ko habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Hindi slut ang nanay ko! Minahal nya ang tatay ko! At kung pera lang ang habol nya, bakit ako nandito?! Ibig sabihin nun nagmahal din sya!" Sigaw ko. Nagulat ito dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

"Oo aaminin ko, pera ang habol ko kay Dwight nung una dahil nauubos na ang perang iniwan sa akin ng magulang ko.. pero nawala lahat yun ng makaramdam ako ng pagmamahal para sa kanya!.." sigaw ko ulit. Hinawakan nya ang kamay ko at gigil na nakatingin sa akin.

"Sabihin nyo nang gold digger ako pero kailangan kong makatapos! At si Dwight ang makakatulong sa akin!" Sigaw ko pa din sa kanya. Wala na akong pakialam kung sabihin nya akong bastos, pero ipaglalaban ko ang sarili ko. Tinulak nya ako palayo habang nakakunot ang noo. Pinahid ko ang luha ko at huminga ng malalim.

"Is that true?"

Nanigas ako sa kinakatayuan ko at tumingi  sa bandang pinto. Nanlaki ang mata ko ng makita si Dwight na gulat na gulat. Bumilis ang tibok ng puso ko. Narinig nya ba lahat?

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now