MBSL-10

13.5K 238 3
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Alas dyes ay natapos na kami. Mabuti na lang at tinulungan na ako ni Ethan kasi hindi na gumagana ang utak ko dahil sa tawanan nina Dwight at Reggie. Nakakainis lang na hindi man lang nila napansin na kailangan ng katahimikan sa lugar ngayon para makapag isip ng ayos.

"Okay, tapos na." Saad ni John. Si Reggie naman, nakikipagharutan na. Kanina pa kasi syang tapos, tinulungan kasi sya ni Dwight. Naglabas lang ako saglit ng maiinom para makauwi na sila.

Pagkatapos uminom ay nagkayayaan na. Tumayo na si John at sinakbit ang bag nya, pati na din si Ethan. Tumayo din si Reggie pero naka cling ang braso nito sa braso ni Dwight.

"Sinong sasabay sa akin?" Tanong ni John. Nagsalita naman agad si Ethan na sasabay sya kaya napatingin ako kay Reggie na hindi nagsasalita. Anong sasabihin nya? Na gusto nya dito na sya?

"Ikaw Reggie?" Tanong ni John. Umiling naman si Reggie tapos ay tumingin kay Dwight habang nakangiti. "Ahm, si Dwight ang maghahatid sa akin." Saad ni Reggie habang nakangiti. Nanlaki na naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. What the hell?

Tumingin ako kay Dwight at tumango ito. Buiset! Na doble ang pagkainis ko. Kung makakapit itong si Reggie kay Dwight, akala mo nobya sya!

"Okay then, let's go." Saad ni John. Inihatid ko naman sina Ethan palabas. Itong si Reggie tuwang-tuwa. Bago sumakay si Ethan ay humarap muna ito sa akin.

"Bakit?" Tanong ko. Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko. "Nothing." Saad nya at inabot ang kamay ko. Tiningnan ko naman sya habang hawak nya ang kamay ko. Ano na naman kayang pakulo nito?

"Goodnight." Saad nya at hinalkan ang palad ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. Bigla naman akong napalingon dahil bumusina ang sasakyan ni Dwight habang nakatutok ang ilaw nito sa amin. Bakas ang ngiti ni Ethan sa mukha.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya. Tumawa naman sya at mas lalong lumapit sa akin. "Gusto ko lang." Saad nya at hinalkan naman ako sa noo. Mas lalong lumaki ang mata ko dahil sa ginawa nya.

"Ethan! Hindi pa ba kayo aalis?!" Naiinis na sigaw ni Dwight. Lumayo naman si Ethan sa akin pero hawak pa din ang kamay ko. "Edi umana na kayo! Hindi naman sa iisang bahay kami nakatira ni Reggie e." Pambabara ni Ethan.

Agad naman nagbago ang mukha nito at bumalik sa pagiging seryoso. Rinig kong nagmura ito at pumasok sa loob ng kotse nya at pinaharurot ito.

"Bye." Malaki ang ngiti ni Ethan habang sumakay ito sa kotse ni John. Nag wave muna ito bago ay umalis na.

Ang weird naman ni Ethan, basta basta na lang nanghahalik. Ano bang problema nun? Pumasok na ako sa loob at inimis ang mga kalat sa loob. Pagkatapos maglinis ay pumasok na ako sa kwarto at humiga.

'Y-yeah. Sino nga ba naman ako sayo no? Pasensya ka na masyado kasi ako nag aassume.'

Naisip ko na naman yung sinabi nya. Bakit ganoon? Ang lakas ng epekto ng sinabi nya. Parang may hugot ito? At yung mga mata nya, malungkot ito habang nakatingin sa akin.

Makatulog na nga lang. Bukas na lang ako hihingi ng sorry sa kanya.

***

Maaga akong gumising para maipagluto si Dwight. Gusto ko lang sana bumawi sa kanya dahil sa mga sinabi ko kahapon. Lumabas si Dwight sa kanyang kwarto at nagmartsa ito papuntang ref at kumuha ng maiinom.

"G-goodmorning." Nauutal kong bati sa kanya. Tumingin naman sya sa akin tapos ay uminom sya ng tubig. "Morning." Saad nya pagkatapos uminom ng tubig. Nagdiretso na ito sa banyo at narinig kong lumagaslas na ang tubig.

Minadali ko na ang aking pagluluto para makaabot pa ito kay Dwight. Naghanda lang ako ng fried rice, bacon at hotdog. Ginawan ko na din sya ng kape.

Ilang minuto ay lumabas na si Dwight sa banyo kaya nagmadali na akong isalin ang fried rice sa pinggan. Agad naman akong umupo at nagsimula ng kumain. Aayain ko na lang sya pag lumabas sya.

Lumabas si Dwight suot ang kanyang corporate attire at tumingin sa akin.

"Kain na tayo, Dwight." Aya ko kay Dwight. Humarap sya sa salamin at inayos ang kanyang necktie. "Hindi na." Sagot nya habang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Hindi mo na ba ako ihahatid?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin saglit. "A-ah, hindi na. Late na kasi ako." Sagot nya at saktong tumunog ang phone nito. Kinuha nya yon at sinagot.

"Hello Reggie?" Panimula nya. Ngumiti ito. Nanlaki naman ang mata ko. Si Reggie ang kausap nya? Ang bilis din naman gumawa ng moves ni Reggie ah. Hanep! "Paalis nako, hintayin mo ako." Dagdag nya.

"Sige. Bye." Saad nya at bakas ang ngiti sa mukha nito. Tumingin muna ito sa akin tapos ay kumamot sa ulo. "Una na ako. Mamaya, hindi kita masusundo. May pupuntahan kasi kami ni Reggie." Saad nya at umalis na.

Nakanganga lang ako dito. Ano yun? Si Reggie ihahatid nya tapos ako hindi? Kung tutuusin isang gabi lang sila nagkakilala ganoon na agad sila kaclose? Bakit sino ba ako sa kanya? Wala naman diba? Kaya hindi na dapat ako nag eexpect na pipiliin nya ako kaysa kay Reggie. Tsaka saan sila pupunta? Magdadate na agad? Hanep.

Tiningnan ko ang inihain kong pagkain para sa kanya. Wow. Sayang lang ang effort ko dito, parang galit pa sya sa akin. Halata naman na umiiwas ito sa akin kaya hindi sya sumabay sa pagkain. Ang aga pa kaya para pumasok sa school, at ang aga pa ng klase ni Reggie para magpasundo agad sya.

Tumayo ako at inimis ang inihanda ko. Putangina, nawalan ako ng gana. Nakakainis! Kape na lang ang ininom ko kasi sayang naman yung kapeng ginawa ko para kay Dwight.

"Y-yeah. Sino nga ba naman ako sayo no? Pasensya ka na masyado kasi ako nag aassume."

Bumalik na naman yung sinabi sa akin ni Dwight kagabi. Siguro ay galit pa din ito dahil sa mga sinabi ko. Bakit ko ba kasi nasabi yun?! Ayan tuloy ako pa ang humihingi at humahanap ng atensyon mula sa kanya. At yung Reggie na yun, ang bilis naman nila ni Dwight. Siguro hindi na ako mabibigla na sa isang araw, mag nobyo't nobya na sila!

.itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang