MBSL-34

9.4K 205 4
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Malapit na magsimula ang graduation namin pero wala pa si Dwight. Mayroon kasi itong meeting nung umaga, at sabi nya hahabol daw sya. Pero ngayon wala pa. Uggh!

Napatingin ako sa mga kaklase ko na nagtatawanan dahil kausap nila yung magulang nila. Nakaramdam ako ng inggit dahil sa kasama nila yung magulang ko, siguro dahil sa wala pa dim akong kasama ngayon. Nasaan na ba kasi si Dwight?

"Graduates, we will start the ceremony." Saad nung isang prof namin kaya pumila na ako by course. Nakita ko si Ethan na kasama yung tita nya. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din sya. Nakakalungkot na hindi na naabutan ni Tita Cora na naka graduate si Ethan, pati ang mga magulang ko, hindi na nila ako nakitang makatungtong sa stage para kunin ang diploma ko pero nasanay na din ako.

"Miss me?" Bigla na lang may nagsalita sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. Nakita ko din si Juli na nakangiti din sa akin. "Congratulation po, Ms. Sam." Bati nya sa akin at akmang yayakapin ako pero humarang si Dwight.

Ano? Pati ba naman si Juli pagseselosan nya? Hanep. Tumingin ako kay Dwight na nakakunot ang noo. "Asawa ko, wag mong yakapin yan. Baka mahawaan ka pa ng kapangitan nyan." Pang aasar ni Dwight kay Juli. Sinamaan ko naman sya ng tingin tapos ay nag hug na kami ni Juli.

"Salamat, pero Sam na lang ang itawag mo." Sabi ko pagkabitaw namin sa yakap. Ngumiti naman si Juli at sumaludo. "Tama lang na ganon ang itawag nya sayo no, asawa ko." Maktol ulit ni Dwight. Inirapan ko na lang sya at tumingin sa harapan.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Dwight sa bewang ko at marahang hinahaplos iyon.

"Sorry." Bulong nya. Tumingin naman ako sa kanya habang nakataas ang kilay. "Ha?" Tanong ko sa kanya. Nag pout naman sya kaya napatingin ako sa labi nya, sa mapupula nyang labi. Napakagat ako sa aking labi at nag iwas ng tingin.

"You can ask me to kiss you if you want.." bulong nya habang natatawa. Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Sumulyap lang ako sa kanya sandali at iniwas muli ang tingin. "Baliw." Saad ko at nagsimula ng tawagin ang mga graduates. Gusto ko na ngang tawagin ako dahil dito kay Dwight na nangungulit.

"Samantha Lee." Aba sakto yun ah. Inilagay ni Dwight ang braso ko sa braso nya at nagsimula na kaming maglakad. Ito naman si Juli, nakaabang na sa amin dahil kukuhanan kami ng picture. Kaya naman pala nya isinama si Juli para maging photographer.

Nang marating na namin yung unahan, nag bow ako then naghiwalay kami ng lakad ni Dwight. Umupo agad ako sa upuan ko at nakita ko din sina Dwight na nakaupo lang din sa bleachers na sa gilid ko lang din.

Hindi man ako naka graduate with flying colors, ang mahalaga nakatungtong ako sa stage at kinukuha ang diploma na pinaghirapan ko ng apat na taon. Tumingin ako kay Dwight na nakatingin din sa akin. Tumayo na kami para kantahin ang aming school theme song bilang hudyat ng pagtatapos ng seremonya.

"Congratulations graduates. The future is waiting for you." Saad nung principal at sabay-sabay kaming nagsipalakpakan. Minsan ay napapasulyap ako kina Dwight na nagtatalo pa dahil sa pagpipicture sa akin. Sabay-sabay naming inihagis ang sumbrerong suot namin at nagsilapitan sa mga kaklaseng malalapit sa amin.

Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa akin ng mahigpit.

"Sam, maraming salamat sa lahat.. dahil nanjan ka sa oras na kailangan kita. Nakakalungkot dahil ngayon lang tayo naging close, pero sulit naman. Sana wag mo akong kalimutan. Mamimiss kita." Saad ni Ethan habang nakayakap pa din sa akin. Napangiti naman ako at niyakap din sya.

"Salamat din, at congrats. Salamat sa lahat-lahat. Sobrang bait mo sa akin at naging isang tunay kang kaibigan sa akin. Sana maging magkaibigan pa din tayo hanggang.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila ako ni Dwight palayo kay Ethan.

"Enough, okay?" Walang gana nyang saad. Tumingin ako kay Ethan na ngumiti at nagpaalam na. Nang makaalis si Ethan ay hinampas ko sa braso si Dwight. "Bakit mo ginawa yun? Kita mong nag uusap kami." Singhal ko sa kanya. He stared at me, coldly.

"May nag-uusap ba ng magkayakap?" Tanong nya at naglakad palayo sa akin. Napailing na lang ako dahil ang seloso nya talaga. Agad ko naman syang hinabol at hinawakan sa braso.

"Dwight naman, kaibigan ko lang sya." Paliwanag ko. Pero hindi nya ako pinapansin. Ano ba naman 'to? "Dwight? Please pansinin mo naman  ako." Pangungulit ko pero hindi pa din nya ako tinatapunan ng tingin. Tumigil ako at hindi na sumabay sa paglalakad.

"Asawa ko." Malambing kong saad. Napatigil si Dwight sa kanyang paglalakad at dahan-dahan tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan lumapit. "Ang sungit ng asawa ko." Sweet kong saad. Napansin kong namula ang mga pisngi nya pati ang kanyang tenga. Gusto ko syang tawanan pero baka magka topak na naman 'to.

He lowered his face and kiss me. Nanlaki naman ang mata ko dahil madaming tao na nakakakita sa amin. Bumitaw din agad si Dwight habang nakangisi.

"Halika na." Aya ko sa kanya dahil hiyang-hiya na ako. Nagpunta na kami sa kotse nya at hindi nya ako tinatantanan na ulitin ko ang pagtawag sa kanya ng asawa ko. Ang ganda daw kasing pakinggan. "Saan mo gusto pumunta?" Tanong nya.

"Sa puntod ng magulang ko." Diretso kong saad. Tumango naman sya at nag drive na. Tinanung ko kung nasaan si Juli pero ang sagot ni Dwight ay pinauwi na daw nya. Dumaan muna ako sa isang flowering shop at bumili na din ng kandila. Huminto kami sa harap ng sementeryo at bumaba.

Umupo agad ako sa lupa at tinanggal ang mga damong nakakalat sa kanilang nitso. Sinindihan ko ang kandila at nagdasal. Tumabi naman sa akin si Dwight at inakbayan ako.

"Nay, Tay, graduate na ako. Diba pangarap nyo 'to sa akin? Ito na yun oh. Nakakalungkot dahil wala kayo dito, pero okay lang yun dahil alam ko namang binabantayan nyo ako at proud kayo sa akin." Saad ko. Hindi ko mapigilan mapaiyak. Natagalan din ako bago sila madalaw. Tumingin ako kay Dwight na nakangiti sa akin.

"Nay, Tay, ito po si Dwight. Ang lalaking mahal ko, at mahal na mahal din po ako. Tay, kapag may ginawang kalokohan itong si Dwight, multuhin nyo sya ha?" Natatawa kong saad. Napatawa din si Dwight at nagsalita.

"Hello po, tito at tita. Hindi ko man po kayo personal na nakita, pero alam ko pong mabait kayo. Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po sya gaya ng pag-aalaga nyo. Mamahalin ko po sya higit pa sa sarili ko. Hinding-hindi ko po sya lolokohin. Dahil wala na akong mahahanap na ibang katulad nya. Sya lang at wala ng iba." Saad nya habang nakatingin sa akin.

Nag stay kami ng sandali. Nakahiga kami sa damuhan habang sumisimoy ang malamig na hangin. Bumangon si Dwight ay may inabot na brown envelope sa tabi nya. Inabot nya sa akin 'to kaya tinanggap ko yun.

"Ano 'to?" Tanong ko. Ngumiti naman sya sa akin. "It's my gift for you." Saad nya. Kumunot naman ang noo ko. "Ano nga 'to?" Tanong ko ulit. Napairap naman sya at napabuntong hininga.

"Buksan mo." Sambit nya. Binuksan ko nga yun at bumungad ang isang papel. Habang binabasa ko yun ay nanlaki ang mata ko at agad tumingin sa kanya.

"D-dwight, hindi ko matatanggap 'to." Saad ko at ibinabalik sa kanya ang envelope. Ipinangalan nya sa akin ang private beach house na nabili nya sa Batangas. Hindi ko yun kayang tanggapin dahil unang-una, para sa kanya yun at pangalawa, sobra-sobra na ang binibigay nya.

Ngumiti ito sa akin at inakbayan ako.

"It's ny gift for you. At binili ko talaga yan para sayo." Seryoso nyang saad. Hindi pa din ako sang ayon sa sinabi nya. "Pero.." saad ko pero pinigil na nya ako.

"No more buts okay? Magiging asawa kita, at lahat ng pagmamay-ari ko ay pagmamay-ari mo na din." Saad nya at niyakap nya ako. Hindi ko 'to gusto tanggapin, dahil sa dami na nyang naibigay sa akin. Sobra-sobra na yun at kontento na ako.

Bumitaw sya sa yakap at kinulong ang mukha ko sa palad nya.

"Pangako ko na walang magbabago sa atin. Walang magbabago sa relasyon natin. Pangako ko na ibibigay ko sayo ang lahat, at mamahalin ka ng buong-buo." He said seriously and kissed me passionately.

Sana sya na nga... SANA

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now