MBSL-29

10.2K 181 4
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko na sumama sa kanya, pero kung tanggihan ko man sya, hindi naman sya papayag. Umupo ako sa sala at inintay si Dwight na lumabas sa kwarto.

Habang nag iintay ay napansin ko ang phone ni Dwight na umilaw at tumunog sa ibabaw ng lamesa. Tumingin ako sa pinto ng kwarto pero walang Dwight na lumalabas. Inabot ko ang phone ni Dwight at binuksan yun.

From: 0997*******

I'll wait for you here, baby. Hours away and I'll become your fiancee. :)

-Britt

Gusto kong ibato ang phone ni Dwight dahil sa nabasa ko. Nangingitngit kong binura ang text ng Britt na yun. Sakto namang bukas ng pinto sa kwarto kaya agad kong ibinaba ang phone nya. Nakatingin ako sa kanya dahil sa kakisigan nito sa suot nya. Kung sakaling matuloy man ang engagement na yun, napakaswerte ni Britt kay Dwight.. pero sana wag matuloy.

"Let's go?" Tanong ni Dwight at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya kahit ang totoo ay hindi ako handang makita ang Dad nya. Pinagbukas nya ako ng pinto at dali-daling isinara yun. Hindi naman sya excited no?

Pinaandar nya ang sasakyan nya at mabilis itong pinatakbo. Kahit hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ay hindi ko mapigilang mainis dito kay Dwight.

"Hindi ka naman excited?" Pabara kong tanong sa kanya. Sumulyap ng tingin si Dwight sa akin habang nakakunot ang noo. "What are you talking babe?" Tanong nya. Napairap na lang ako. Nagmamaang-maangan pa.

"Duh. Kung alam ko lang na gusto mo ng paliparin ang kotse na 'to para makita mo at maengage na kayo ng Britt na yon!" Naiirita kong sigaw sa kanya. Huminto sya sa gilid at tumingin sa akin habang gulat. "W-what?" Tanong nya.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis? Marahil ay dahil sa text ng Britt na yun. Ayokong mag away pa kami ni Dwight pero hindi ko mapigilan ang selos at takot.. takot na baka mawala sya sa akin.

"Hindi mo maintindihan? Well, nagtext ang kalaguyo mo na hinihintay ka nya at excited na daw syang ma-engage kayo. Ano? The feeling is mutual? Kaya halos paliparin mo na 'tong kotse mo?" Naiirita kong tanong. Nakatunganga lang sa akin si Dwight na parang pinoproseso ang mga sinabi ko. Agad nyang hinawakan ang kamay ko at tumingin ng seryoso sa akin.

"Babe naman.. mag aaway na naman ba tayo? At isa pa, kaya ako nagmamadali dahil gusto kong kausapin si Dad na iantras ang engagement na yon." Paliwanag nya pero inirapan ko lang sya at tumingin sa labas. Buiset! Bakit kasi binasa ko pa yun? Yan tuloy si Dwight ang napapagbuntungan ko ng galit.

"Don't be jealous on her. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang at hindi sya. So please? Stop thinking non sense okay? Hindi nakakatulong yun para malagpasan natin 'to." Pangungumbinsi nya. Napaisip ako sa sinabi nya. Tama sya, dapat hindi ako mag isip ng kung ano ano dahil baka sa huli, makuha ni Britt si Dwight sa akin. If Dwight wants to fight for me, I should fight for him too.

"S-sorry.. I can't help it. Nagseselos lang ako." Saad ko. He cupped my face and gave me a passionate kissed. Doon, naging panatag ang loob ko. Nararamdaman ko ang pagmamahal nya. He break the kiss then looked at me seriously..

"Ang cute mo magselos. Mas lalo tuloy akong nahulog sayo." Nakangisi nyang saad. Tinulak ko naman sya palayo. "Mag drive kana. Baka di tayo umabot." Saad ko at tumingin sa labas ng bintana.

Kunwari kong hinawakan ang nag iinit kong pisngi. Bakit? Masama ba magselos? Natural lang yun dahil may relasyon kami. At natural lang na ipaglaban namin ang relasyon namin sa mga taong nais sumira nito.

Ilang minuto ay huminto kami sa isang tapat ng napakalaking gate. Bumusina si Dwight at agad bumukas ito. Pagkapasok ng sasakyan ay agaw pansin agad ang pool na nasa gilid. Napanganga ako ng makita ang mala-mansion nilang bahay na sobrang ganda ng pagkakaayos. Halatang may okasyon na ginaganap rito. Naghilera ang mga nagmamahalang sasakyan sa garahe ng mansion. Napansin ko din ang mga dumadalong tao na naggagandahan dahil sa suot ng mga ito. Napatingin naman agad ako sa suot ko, hindi ito over exposed kagaya nung isinuot ko nung college night. Si Dwight kasi ang pumili ng gown na ito, tanging balikat ko lamang ang naka exposed dahil masyado itong conservative.

Agad kaming bumaba at inihawak ko ang kamay ko sa braso ni Dwight. Naglakad kami papasok sa loob at doon ay lalong bumilis ang kabog ng puso ko sa kaba. Pagkapasok namin ng venue ay nakaupo na ang mga tao at maingay. Hinanap ni Dwight si Juli na nakaupo lang pala sa gilid.

"Stay here with Juli. Im going to find Dad." Saad nya at hinalkan ako sa noo. Tumango naman ako at pinanuod sya na maglakad palayo sa akin.

"Bakit pumunta pa kayo?" Tanong ni Juli. Tumingin naman ako sa kanya tapos ay nagkibit balikat. Hinanap ko si Dwight at nakita ko syang kausap ang isang nasa mid 50's na sigurong lalaki at nagtatalo ang mga ito. Yan ba yung Dad ni Dwight? Mukha talaga itong bigatin sa tindig pa lang at postura ng pananamit. Iniwan nung Dad si Dwight kaya nagmadaling naglakad pabalik sa akin si Dwight habang nakakunot ang noo.

"We have to go." Aya nya agad sa akin at inabot ang kamay ko. Aalis agad? Kakarating pa lang e. Pero bago pa ako makatayo ay biglang namatay ang ilaw sa buong paligid. "Fuck!" He cussed then he pulled me closer to him. Nakayakap sya sa akin.

Biglang umilaw ang entablado at lumabas ang Dad ni Dwight at nagpalakpakan ang mga tao. Bumitaw si Dwight sa yakap at umupo kami sa tabi ni Juli. Kinuha nya ang mikropono at ngumiti sa mga bisita nya.

"Thankyou for coming on my special day.." baritono nyang saad. Parang nagsitaas lahat ng balahibo ko ng marinig ang boses nya. "I held a party because I want to announce something.." saad nya. Doon ay kinabahan na agad ako.

"May I call my son, Dwight Reyes.." tawag nya kay Dwight. Tumingin ako kay Dwight pero malungkot ang mata nito. Tumayo ito bagos ay humarap kay Juli at parang may sinenyas bago umakyat sa stage. "And Brittany Reece." Saad niyang muli at umakyat si Britt suot ang napakaganda nyang gown.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na inumin ang wine na nakaserve sa bawat table. Kung titingnan ko silang dalawa, ay bagay na bagay sila. Parang ang lumalabas talaga ay ako ang kontrabida, kahit ang totoo ay ako ang mahal ni Dwight at hindi sya.

"I would like to announce the engagement of this two individuals that will bond the relationship of Reyes' and Reeces' in business." Saad nya at nagpalakpakan ang mga tao. Tumingin ako sa paligid at hindi mo maiaalis ang ngiti sa labi nila.

Napatingin ako kay Britt na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti sya sa akin na parang nang iinis at humawak sa braso ni Dwight. Sa tingin ko talo na ako. Nakuha na nya si Dwight. Huli akong tumingin ako kay Dwight na nakangiti din sa harap ng tao.

Bakit ganito? Gusto din nya ba yun? Akala ko ba lalaban kami? Ano yung mga sinabi nya? Bakit sinama nya pa ako dito? Para ipamukha na hindi nya ako kayang piliin sa harap ng iba? Tiniim ko ang bagang ko at iniwas ko ang tingin sa kanila at ininom muli ang wine.

I was about to grab my purse and stood up but the lights went out. What is happening?

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें