MBSL-31

9.6K 179 9
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa balat ko. Ginala ko ang paningin ko at wala na si Dwight sa tabi ko. Bumangon ako sa higaan at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina na umaasang makikita si Dwight dun pero wala sya. Napakunot ang noo ko at nagpunta sa lamesa at umupo.

Buiset na Dwight yun! Hindi man lang nagpaalam sa akin. Nahagip ng mata ko ang isang papel na nakadikit sa ibabaw ng taklob. Kinuha ko yun at binuksan at bumungad ang aking almusal. Dinampot ko ang papel at binasa.

Goodmorning Babe! I have to go early in the morning because I have to travel to Palawan due to business matters. I'll be back before your graduation. I prepared your breakfast so eat it before going to school. I love you so much babe.. always.

PS: Wag kang maghahanap agad ng iba. I'll contact you later.. :*

-Dwight

Mas lalong nag usok ang ilong ko dahil sa nabasa ko. What the? 3 araw ko syang hindi makikita? Tapos hindi man lang sya nagpaalam sa akin ng personal? Hindi ko man lang sya nayakap. Buiset! Humanda sya sa akin pag uwi nya.

Kinain ko saglit ang hinanda nyang pagkain tapos ay naghanda na para pumasok at mag practice ng graduation namin. Isasara ko ang gate at naghintay ng tricycle pero may tumigil na isang kotse sa harap ko. Nanlaki ang mata ko ng makita sya habang seryosong nakatingin sa akin. Pinagbukas sya ng pinto ng kanyang driver at lindig na tumayo sa harap ko.

"Maaari ba kitang makausap?" Tanong nya sa akin. Nangangatog ang tuhod ko habang nakatayo sa harapan nya. He smiled at me, showing his perfect set of teeth and step closer to me. "Don't worry, I won't take too much of your time." Saad nya. Dahan-dahan akong tumango at pinapasok nya ako sa kotse nya.

Ang awkward lang dito sa kotse dahil katabi ko sya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kinakabahan talaga ako. Napapitlag ako ng marinig na tumunog ang phone ko kaya agad kung kinuha yun at sinagot.

"H-hello?" Sagot ko sa kabilang linya. Narinig ko naman syang humikab.

[Babe, what are you doin'?] Tanong nya. Napatingin naman ako sa Dad ni Dwight na nakatingin din sa akin pero iniwas din ang tingin.

"A-ah, papasok na ako." Pagsisinungaling ko. Rinig ko ang boses ni Juli sa kabilang linya na naghihimutok. Ano bang ginagawa nila sa Palawan?

[Okay. Kinain mo ba yung hinanda ko?] Tanong nya. Tumango naman ako kahit hindi nya nakikita. "Oo." Sagot ko. Bumuntong hininga sya.

Saglit syang natahimik. Tiningnan ko ang phone ko kung patay na ang tawag pero hindi.

[Babe, galit ka ba sa akin dahil hindi ako nagpaalam?] Tanong nya. Kahit naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa nya, hindi ko na lang aaminin. "H-hindi. Mamaya kana tumawag, n-nasa school na ako." Pagpapaalam ko. Natahimik ulit ito sandali bago sumagot.

[Okay. I love you. Take care.] Saad nya. Napatingin ako sa Dad ni Dwight na nakatingin sa labas. "S-sige." Sagot ko pero humirit ito.

[I said I love you.] Malambing nyang saad. Napairap ako dahil ang kulit nya. Nakakahiya naman sa Dad nya na maririnig akong mag iloveyou too. Ughh! "I.. uhh. Ilove you too." Saad ko at pinatay na ang tawag. Pagkatago ko ng phone ko ay nagsalita ang Dad ni Dwight.

"Why didn't you told him that you're with me?" Tanong nya. Tumingin naman ako sa kanya at napalunok ng laway. "Ayaw ko lang po na mag-alala sya." Sagot ko. Saglit itong tumitig sa mukha ko tapos ay tumango at binaling muli ang tingin sa labas.

Ilang minuto ay huminto ang kotse sa tapat ng isang coffee shop na katapat lang din ng school ko. Bumaba ako at nagtungo kami papasok sa shop at pinaupo ako ng Dad ni Dwight. Lumapit agad ang waiter at kinuha ang order. Pagkatapos nun ay binaling nya ang tingin sa akin.

"Im Danny Reyes, if you don't know." Saad niya at nag abot ng kamay. Tinanggap ko naman yun. "Samantha Lee." Pagpapakilala ko. Naramdaman ko ang sobrang lambot nyang kamay. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan nya, hindi naman kasi binabanggit ni Dwight ang pangalan ng Dad nya.

"A-ano po bang pag-uusapan natin?" Tanong ko. Mas lalo itong tumitig sa akin kaya para akong naninigas sa kinauupuan ko. "Do you love my son?" Tanong nya. Nagulat naman ako sa tanong nya pero hindi ko yun pinahalata.

"Opo. Mahal na mahal ko po sya." Matigas kong saad. Tumaas ang isang sulok ng labi nito na kagayang-kagaya ni Dwight. Dumating ang order namin at humigop sya ng kape habang nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya.

"Pathetic." Bigkas nya at binaling ang tingin sa akin. Nagtiim ako ng bagang habang nakatingin din sa kanya. "Sa tingin nyo maisasalba kayo ng pag-ibig na yan?" Tanong nyang muli. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa tanong nya. Hindi ba sya nakaranas umibig? Na pati pagmamahalan ng sarili nyang anak gusto nyang diktahan?

"Bakit nyo po ba ginagawa 'to? Why can't you be happy for Dwight?" Kwestyon ko. Sya naman ang nagtiim ng bagang at tumitig ng seryoso sa akin.

"Hindi ako magiging masaya hanggang nakikita ko na ikaw ang kasama nya." Matigas nyang saad. Kahit nasasaktan ako sa sinabi nya ay hindi ako magpapatinag. Ipinaglaban ako ni Dwight ng gabing yon, at dapat ay ipaglaban ko din sya ngayon.

"Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na lalayo ang anak ko sayo." Saad nya habang seryoso pa ding nakatingin sa akin. "Kaya sa'yo ako makikiusap.. Layuan mo ang anak ko." Sambit nya. Para akong natigilan sa sinabi nya.

Iba talaga sya. Tama nga si Dwight, wala syang iniisip kung hindi sarili nya. Sarili nyang anak ginaganito nya. I pity him. Tumayo sya at tumingin muli sa akin.

"Layuan mo sya, o ako ang gagawa ng paraan para magkalayo kayong dalawa." Saad nya at iniwan akong nakatulala. Pinanuod ko lang syang sumakay sa kotse nya at umalis.

Bakit ganon sya? Kaligayahan na ng anak nya pinipigilan pa nya? Tumayo ako at naglakad na papunta sa school ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi nya. Talagang hindi nya hahayaan maging masaya ang anak nya. He's so selfish.

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now