MBSL-11

12.9K 244 0
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Agad akong umupo sa tabi ni Ethan. Mabuti na lamang at hindi pa dumadating ang prof namin kaya safe pa naman ako. Bigla akong napatingin kay Reggie na sobrang laki ng ngiti. Tss!

Umayos ako ng upo ng pumasok ang prof namin. Nag discuss lang ito saglit tapos ay nagpa quiz.

"Guys, I almost forgot. We do have college night this coming saturday." Saad nung prof. Lahat ng mga babaeng kaklase ko naghiyawan. Ako? Hindi. Bakit? E kagastusan lang naman yan e. Hindi naman sa kj ako pero kailangan ko lang talagang magtipid para sumakto ang pera ko hanggang graduation.

"So better attend on that night because this will be your last year here.. wear your dresses and choose your partners.." saad nya at nagpaalam na. Lalong hindi magkamayaw ang mga kaklase kong babae sa pag uusap kung anong isusuot nila sa araw na yon.

"Are you going to attend?" Tanong ni Ethan. Tumingin naman ako sa kanya at umiling. "Hindi. Gastos lang yan." Saad ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Last year na naman e. Enjoy yourself." Saad nya at nagsuot ng headset. Sabagay tama naman sya, pero simula nung mamatay ang magulang ko hindi ko na ata alam ang salitang 'enjoy'. Syempre kailangan kong magtipid kaya kailangan kong pigilan ang sarili ko sa mga luho na nais ko.

Hanggang sa natapos ang klase namin ay nag iisip ako kung sasama ba ako. Hindi na nga ako sumama sa prom nun dahil sa tipid nga ako. Madaming nag aya sa akin na maging partner nila pero tinanggihan ko lahat yun. Haay.

Pagtingin ko sa gilid ko ay wala na si Ethan. Iniwan na naman ako ng mokong na yun. Inimis ko ang gamit ko at lalabas na sana kaso may tumawag sa akin.

"B-bakit?" Tanong ko. Inayos nya ang kanyang buhok at ngumiti sa akin. "Sam, salamat nga pala sa pagpapakilala sa akin kay Dwight. I really appreciated it.." saad nya. Ngumiti na lang ako ng pilit kahit sa totoo lang ay naiinis ako sa boses nya.

Bakit ganon? Dati naman hindi ganon pero ngayon naiinis na ako. Uggh!

"Susunduin ako ni Dwight, tapos didiretso na kami sa inyo para sa thesis." Saad nya. Pake ko? Bulong ko sa sarili ko. Wala akong pakialam kung sunduin ka man ng lalaking yun! "Pakisabi na lang kay Ethan." Saad nya at nilagpasan ako.

Sinundan ko sya ng tingin. Buiset! Nasaan na ba yung Ethan na yun? Parang engot lang iniwan ako. Bahala sya sa buhay nya. Naglakad na ako palabas ng room. Nakita ko naman si Ethan na nakasandal lang sa pader.

"Hoy tara na!" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman sya at hinugot ang kamay sa kanyang bulsa tapos ay sumabay na sa akin. Nang malapit na kami sa gate ay nakita namin si Dwight at Reggie. Pinagbukas ng pinto ni Dwight si Reggie habang ito'y nakangiti.

Lagi nya daw akong susunduin kapag awasan ko na! Yun pala iba yung susunduin nya.

Bulong ko sa sarili ko. Haay! Dapat kasi sa susunod hindi na ako naniniwala sa pinagsasasabi ng iba.

"Ethan, sabay na kayo sa amin." Aya ni Dwight na nakalapit na pala sa amin. Naamoy ko naman ang pabango nyang sobrang bango. Lalaking-lalaki ang dating. "A-ah, hindi na. Kakain pa kami ni Sam e. Diba Sam?" Tanong ni Ethan.

Kakain? Inaya nya ba ako? Bakit parang hindi naman? Siniko ako ni Ethan sa likod kaya napatango ako.

"O-oo. Una na kayo." Saad ko. Nakakunot ang noo ni Dwight habang nakatingin sa amin. Tumango ito bagus ay humakbang na palayo at naglakad na papunta sa sasakyan nya at pinaandar na iyon at umalis.

**

"So next week na yung defense natin.." panimula ni Ethan. Editing na lang kasi kami ngayon kaya mabilis kami natapos. "Each member will be given a soft copy of the thesis to be studied.." dagdag pa nya.

Iniscroll ko naman agad yung laptop ni Ethan at tiningnan kung kumpleto na talaga lahat tapos ay ikinopy ko na sa aking usb. Shit! Iwas muna dapat ako sa destructions para maaral ko ng mabuti ang thesis na 'to.

"Haha. Dwight nakakatawa ka." Speaking of destructions, nasa harap ko ang pinaka nakaka destruct na tao sa bahay. Kanina pa silang nagtatawanan, kaya nakaka buiset lang.

"So tapos na tayo.. copy nyo na lang yung thesis sa laptop ko." Saad ni Ethan at tinuro ako. Ibinigay naman ni Reggie at John yung usb nila ako nalang nag copy nun.

Pagkatapos nun ay niyaya ko silang kumain ng hapunan, kaso si John ay tumanggi dahil nga sa may family dinner daw sila. Nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala ko ang magulang ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ethan habang tinutulungan akong magsalin ng kanin. Ngumiti ako sa kanya kaya dinala na nya yung mga kanin sa lamesa. Pagkatapos maihanda ang lahat ay umupo na ako sa tabi ni Ethan.

Nagsimula na kaming kumain. Si Dwight ang nagluto at tinulungan sya ni Reggie habang ineedit namin yung thesis kanina.

"Sam, sasama ka ba sa college night?" Pambabasag ng katahimikan ni Reggie. Nag angat naman ako ng tingin sa kanya at umiling ako. Binalik ko ang atensyon ko sa aking pagkain.

"Sayang naman, last year na kaya natin." Saad nya. Ibinaba ko ang kutsara tapos ay uminom ng tubig. "Sasama ka diba? Partner mo pa nga ako e." Sambit ni Ethan.

Tumingin naman ako sa kanya ng masama. Hibang ba sya? Sabi ko hindi ako sasama.

"That's great. Partner ko kasi si Dwight diba?." Saad ni Reggie at humawak na naman sa braso ni Dwight. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanila at yumuko. "Y-yeah." Sang ayon naman ni Dwight.

"Bawal outsiders diba?" Tanong naman ni Ethan. Nag angat muli ako ng tingin at tumingin kay Dwight. "Actually, he's not an outsiders. He's a special guest in that event." Maarteng saad ni Reggie.

Napairap na lang ako sa sinabi nya. Edi magaling at may partner na sya, bigatin pa. Nang matapos kaming kumain ay inihatid ni Dwight si Reggie sa kanila. Pinapasabay na si Ethan pero sabi nya may susundo daw sa kanya. Inihatid ko lang sya sa labas ng gate at may humintong itim na kotse.

"So, sasama ka na sa college night ha?" Untag niya at hinawakan ang kamay ko. Binatukan ko naman sya. "Malamang! Sinabi mo kay Reggie na partner mo ako e." Singhal ko. Tumawa naman sya at pinisil ang ilong ko.

"Haha. Sige, una nako. Goodnight." Saad nya at humakbang na palayo sa akin. "Goodnight.." saad ko at nag wave na sa kanya. Ngumiti sya at sumakay na sa kotse nya at umalis.

Grabe, hindi ko akalain na magiging malapit ako sa kanya. Akala ko suplado sya pero sa una lang pala yun. Nakakatawang isipin na kung kailan magtatapos na ang taon tsaka pa kami naging malapit. Pumasok ako sa bahay at nagdiretso sa kwarto. Hayy, ano kayang isusuot kong dress sa sabado?

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now