Chapter 2

27.6K 741 25
                                    

Chapter 2

ALEXIS

Biglang tumakas sa akin ang lakas ko. Ganito pala kakaba kapag nalaman na nila ang sekreto ko pero mas kinakabahan ako dahil kapag may nakaalam nito baka gawing bitag ang pamilya ko para lang mapababa ang grupo ko sa ranko.

Since my brother is a pro hacker. He made a barrier para hindi ako macontact ng nga kagrupo ko. Also he throw my sim card and buy a new one. Para hindi na ako magkaroon ng communication sa gang.

If you ask who am I? Well, Ako nga pala si Alexis Smith ang nagngangalang Black sa grupo namin. Kanang-kamay ni Dark at ngayon kahit labag sa loob ko kailangan kong tanggapin na ipag-aaral na ako sa isang boarding school.

Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit ko sa kwarto para sa paglipat sa isang boarding school mamimiss ko na naman ang laban, racing cars at iba pa.

"Alexis."

"Hmm?"

"Ako na ang magdala niyan sa kotse ng Dad mo." Sabi ni Ate Saly-our Nanny since my Mom gave birth to me.

"Sige." Malamig kung sagot at kinuha ang iPad ko at ang salamin na maghahide ng true color ng mata ko which is ocean blue. Mula sa blonde na buhok ay pinastrate ko ito at ang kulay brown nito ay naging itim. Lumapit ako sa salamin at dahan-dahang isinuot ito. I need to disguise my self, why? Because it's just nothing. Those eyes ay namana ko kay Lolo but my brother just have light brown eyes.

"Let's go." Sabi ko at ngumiti ng tipid. Dumeretso kami sa parking lot kung saan nandoon ang kotse ni Dad.

Sumakay na ako sa back seat at tinulungan si Ate Saly na ipasok ang mga gamit ko.

Pumasok naman si Dad at nagsimula ng paandarin ang engine hindi na ako umimik at pumikit nalang.

"Alexis, nandito na tayo."

Agad ko naman iminulat ang mata ko at binuksan ang pinto palabas kinuha ko na ang mga maleta ko at lumabas hindi ko na inantay pa si Dad na makausap ako dahil magsasalita na sana siya ng magsimula na ako maglakad. Kumaway nalang ako habang nakatalikod.

"Alexis, right?" Tanong ng isang magandang babae at naka-uniporme itong sumalubong sa 'kin.

"Ah yeah." Malamig kong sagot habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid.

"Sumabay ka na sa amin at ako nga pala si Stella at siya naman si Sophia," masayang pagpapakilala niya nginitian ko lang sila ng tipid.

"Nice to know you both," sabi ko. Stella is too friendly and I hate it.

"Tara na nga, Stella, dalhin mo na 'yan sa dorm niya magka-roommate naman kayo ako na bahala sa lunch natin," sabi ni Sophia at naglakad na. So kasama ko pala sa iisang dorm si Stella.

"Nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo na ka-roommate kita and we're here to guide you in this Academy but we can just tour you the important building na madadaanan natin since may gagawin si Sophia at kailangan na niya bumalik sa dorm niya at kailangan na rin kitang e-guide sa magiging kwarto mo," paliwanag ni Stella at nag volunteer na tulungan ako sa mga dala ko kaya ibinigay ko sa kanya ang isang maleta ko at nagsimula na kaming maglakad.

Hanggang sa nakarating na kami sa dorm namin ni Stella ay nag-introduce rin siya kung saan ang bathroom, closet at iba pa.

Pabagsak akong humiga sa kama at tinignan ang kabilang side ng bed at higaan ito ni Stella. Malaki ang kwarto at magaganda rin ang mga kagamitan dito at 'yun lang ang masasabi ko.

"Alexis, masaya ako na ikaw ang kadorm ko 2 months na rin ako dito kaso malungkot ako na wala pa akong kasama dito," Childish voice na saad niya naalala ko na naman si Joanna sa kanya. 2 months? Vacation Month 'yun ah.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon