BACK HOME

14.5K 310 4
                                    

Jota was released at the hospital 3 days after he regained consciousness. He went home with me to our house. At first he wanted togoto their house buthis parent told him na hindi dun ang bahay niya. Na ang bahay na niya ay sa amin, thathe has to go with me.

His parents told me that they will visit us everyday. Si Mama naman ay nagpadala ng extra na katulong sa bahay para hindi na ako ang mag asikaso sa ibang bagay. Jota's best friend and business partner will report to me weekly about the business. He will take charge temporarily until I learn the business and take over Jota's position kunghindi pa pwede si Jota bumalik sa trabaho.


The first days at home was hell. Ayaw niya kumain ng mga dati na niyang kainin. Gusto niyang kumain ng mga bawal sa kanya. Oras oras may ginagawa siyang napaka unJota. Minsan itinulak niya si Mang Julio, muntik na matumba ang matanda. Buti na lang at mabait si Mang Julio. Lumaki na kasi si Jota na siya ang driver niya kaya naiintindihan nia. Sina Beth at yung bagong maid na si Lita, maya't maya umiiyak kasi sinigawan ni Jota or nagalit si Jota. Ipinapaunawa ko sa kanila na hindi yun si Jota. Hindi niya alam ang ginagawa niya.


Minsan lumabas siya ng bahay. Nawala siya ng 5 oras, hindi ko na alam anggagawin ko nun. Iyak at inis ang nararamdaman ko. Nung bumalik siya parang walang anumang nangyari. Angdungis dungis niya at pawisan. Yun pala tumambay dun sa mga gumagawa ng drainage sa Village. Inihatid siya ng guardiya ng village nung makita nilang nagbubuhat ng mga tubo para tumulong sa mga mason.


"Jota, san ka galing?"


"Huh? Di naman ako lumabas."


"Okay."


"Antok na ako."




"DI ka pa kumakain."


"Ayoko kumain."


"Sa tabi mo ako matutulog ha. Nahihirapan na ako sa tiyan ko eh."


"Bakit kasi hindi mo pa ilabas yan."


"Hindi pa siya due eh. Last week of October or First week of November pa siya lalabas."


"Ah."


"Dito ako matutulog sa tabi mo ha?"


"Sige."


Ganun palagi ang usapan namin sa gabi. PAulit ulit akong nagpapa alam na matutulog sa tabi niya kasi minsan nagising siya itinulak niya ako. Buti hindi ako nahulog. Lately pag nagigising siya, niyayakap niya ako or hinahaplos ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya pero pinapabayaan ko lang siya na hinahaplos ang tiyan ko.


Minsan pag nagbibihis ako, lumalapit siya sa akin. Pinapanood niya akong magbihis. MInsan out of curiosity, hinahawakan niya ang breasts ko, or hinahaplos niya ang tiyan ko. Kung normal na Jota yun, hindi ko magawang maghubad sa harap niya kahit na malaki ang tiyan ko.


Kahapon habang nagbibihis ako, lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa lips. MAbilis lang pero naluha ako. Minsan naman bina backhug niya ako.Minsan tuloy naiisip ko na niloloko lang kami ni Jota eh. Na nagpri pretend lang siya na may amnesia siya. Pero most of the time, nang aawaylang siya. Minsan sasabihan niya ako ng "LUMAYAS KA!" or minsan naman ay tatawagin niya akong "BABAE"


Kung hindi ko lang siya mahal, iniwan ko na sana siya.


"I love you Jota." Bulong ko sa kanya.


"Siguro before the accident love din kita no?"


Nagulat ako sa tanong niya? Akala ko kasi tulog na siya kaya ko ibinulong yun.


"Yes. MAhal na mahal mo ako nun."


Hindi siya umimik. Instead he hugged me until he fell asleep.


I fell asleep right after he did.


I woke to a painful stab in my back. I looked at Jota beside me. He was peacefully sleeping. Naramdaman ko basa ang panty ko. Kalmado kong ginising si Jota.


"Honey, Honey, Jota gising."


"Hmmmmmm"


"honey gising."


"Why?"


"I think the baby is coming out, you go call Manong Julio, we're going to the hospital."


Mabilis siyang lumabas ng room.


"JULIOOOO! JULIOOO!"


Naku naman sumigaw sigaw, baka magising ang buong Village sa lakas ng boses ni Jota.


"Ma'am, bakit po?"


"Mang Julio, manganganak na yata ako."


"Buhatin ko kayo Ma'am."


Nung bubuhatin na ako ni Mang Julio, nagalit si Jota.


"Huwag mo siya hahawakan,"


"Sir kailangan ko siyang buhatin at ilagay sa kotse."


"Ako na lang ang bubuhta sa kanya."


"Mang Julio, sige po siya na lang ang bumuhat sa akin, alalayan niyo na lang siya. Beth, tawagan mo si Ate at si Mama. Pati na din sina Mommy. Lita, sama ka sa amin."

THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now