WE COULD HAPPEN....

18.6K 348 11
                                    

So how did we meet and and why are we married?

Nasa New York kami nun pareho. Ako may modeling engagement. Siya naman nandun siya kasama ang delegates ng Pilipinas. Isinama ako ng isa ding model kasi daw nandun ang kapatid niya sa World Expo. So habang nag uusap ang kaibigan ko at ate niya, nandun ako sa labas binabasa ang mga posters na nakadikit sa mga bulletin boards.

Then his picture caught my eye. JOTA, 21. Nakatingin lang ako sa picture niya. Guapo, chinito, hindi masyadong matangkad sa tingin ko. Pero parang ang saya saya niya. Habang nandun ako, dumaan siya kasama ang iba pang teammates niya. Nanalo yata siya. Habang dumadaan sila sa harapan ko, napalingon siya sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya. Parang tinanguhan lang ako.

Next na nakita ko siya sa club. Dahil 18 pa lang ako nun hindi ako umiinum. Sa America kasi tsaka lang pwede bumili ahg alak kung 21 years old na. Eh si Jota hindi naman umiinum kaya nandun lang siya sa tabi inaantok. Pag pasok pa lang niya sa club nakita ko na siya. Ewan ko ba, parang ang lakas ng magnet niya.

Dahil siguro sa boredom tumayo siya at palinga linga nang makita niya ako. Lumaoit siya sa akin.

"Excuse me, this may sound creepy but....you don't seem to be enjoyin your juice and I don't like this place, you wanna go out and have some ice cream with me?"

"You do sound creepy."

"Right! Oh well sorry for askin. Forget I even exist. Bye. Have a nice night and a nice life. Kung alam mo lang na hindi ko ugali nag iimbita ng nga babae. " At tumalikod na siya.

"Eh engot ka pala eh lalapit ka imbita agad ng ice cream. Engot!"

"What? Pilipina ka? O marunong ka lang managalog?"

Ha? Hindi niya alam?

"Bakit, mukha ba akong ano?"

"Mukha kang Chinese or Korean."

"Haha marami nga nagsasabi."

"Pero mas maganda ka sa kanila."

"Ay bola! Pero is the ice cream invitation still stand?"

"Oo, tara na."

Wala kaming nakitang ice cream stand sa hotel na yun pero nakakita kami ng club na pwedeng kumanta mga patrons. Sabi nung lalaki na oinagtanungan namin, they serve the best ice cream daw dito.

So pasok kami. Habang nakaupo kami at hinihintay ang order naming ice cream, biglang yung spotlight naka Jota na. Ibig sabihin nun eh siya na ang kalanta. Patawa tawa muna siya bago kinuha ang mike at umakyat sa stage.

"For my beautiful ice cream buddy, Jumkyung."

I'll hold the door
Please come in
And just sit here for a while.
This is my
Way of telling you I need you in my life.

It's so cold
Without your touch.
I've been dreaming way too much
Can we just
Turn this into reality.

Cause I've been
Thinking 'bout you lately.
Maybe you could save me,
From this crazy world we live in.
And I know we could happen,
Cause you know that I've been feeling you.

Storms they will come
But I know,
That the sun will shine again.
He's my friend,
And he says that we belong together.
I'll sing a song,
To break the ice.
Just a smile from you would suffice.
It's not me,
Being nice girl this is real tonight.

Cause I've been
Thinking 'bout you lately.
Maybe you could save me,
From this crazy world we live in.
And I know we could happen,
Cause you know that I've been feeling you.
I know you want me.

There's no other,
There's no other love.
That I'd rather have,
You know.
There ain't no one,
There ain't no one else.
I want you for myself.

Cause I've been
Thinking 'bout you lately.
Maybe you could save me,
From this crazy world we live in.
And I know we could happen,
Cause you know that I've been feeling you.
I know you want me too.

Cause I've been
Thinking 'bout you lately.
Maybe you could save me,
From this crazy world we live in.
And I know we could happen,
Cause you know that I've been feeling you.
I know you want me too.

Dun na nagumpisa ang kumplikado naming buhay.

Yung ice cream date na yun hindi na nasundan. Hindi kami nagpalitan ng nimbers at wala kaming mga sinabi about us. Hindi din naman ako interesado kasi mukha naman siyang walang interes sundan ang date na yun, sabagay hindi naman yun date.

A week before ako umuwi ng Pilipinas, nagpunta kami sa Las Vegas. Wala lang sumama lang ako. Dahil hindi naman ako magsusugal, nag shopping na lang ako. Sa isang restaurant pumasok ako para mag lunch ng makita ko siya. May kasama siyang mga matatanda nang mga amerkanong lalaki. Isang matandang Asian ang mukha katabi ng matandang babae na asawa niya yata. Mukhang malungkot si Jota na kausap nila pero may iba siyang aura. Parang business ang usapan. Then nakita niya ako. May sinabi siya sa mga kasamahan niya at lumingon sila lahat sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Jinkyung." Niyakap ako. Nagulat ako siyempre. "Pwede bang sumama ka sakin sa table na yun at magkunwaring fiancee ko please at pwede mo na akong patayin pagkatapos? Please ikaw lang makakasave sa akin ngayon."

Dahil sa urgency ng sinasabi niya, pumayag ako. Naka holding hands pa talaga kaming lumapit sa mgankasama niya.

"Here's my beautiful fiancee, Silk Jinkyung Benitez." Ipinakilala niya din sila sa akin. Mga possible investors niya sa business niya. Hindi pa sila nagpipirmahan ng kontrata kasi sabi nila, bata pa siya at malamang hindi seryoso sa buhay, sayang ang pera nilang iinvest sa kanya. Teka, pano niya nalaman na BENITEZ apelyido ko?

"Age does not matter. Youth is not a measurement of being responsible. I will not have reached this stature I have now if I am not responsible. I strated this business when I was 19 and in just 3 years I am now one of the top 10 young millionairea in my country..and the youngest."

"We're impressed with your achievements Mr Jimenez but you're single and anything could happen."

"Guys, I would like to tell you, Jinkyung and I are getting married tonight here in Vegas."

Nagulat kami lahat. Lalo na ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam ano na ang mga sumunod na pangyayari sa resto na yun. Basta ang alam ko lang nag usap kami ni Jota sa room niya sa hotel. Ang gara ng suite room niya. I'm sure mahal ang bayad dito. Mayaman talaga siya.

"Bakit mo sinabi yun? Hindi naman tayo magkakilala. Ngayon ko nga lang nalaman ang apelyido mo? Hindi tayo pwedeng magpakasal."

"Listen, pag nagpakasal ka sa akin matutulungan mo ako sa business ko at..."

"Eh ano ba pakialam ko sa business mo?"

"Marami akong pinag aaral na mga bata sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang business ko may mga charities na sinusuportahan lalo na ang mga bata at mga abused children. We send them to school.our company sends 10 thousand children around the world to school. If you help me, you would be heloing those children too. At tsaka hindi naman kasal with no benefits eh. I will pay you P 1 M per month habang mag asawa tayo. You will use my name. Have all the privileges of being Mrs Jota Jimenez. And kapag may nakita ka nang guy na mamahalin mo, I will give you divorce. Pero please huwag muna ngayon, pwedeng after nila pumirma?"

"NO sex, no physical relationship, separate bedrooms walang pakialamanan?"

"Yes. None of those. Hindi pwedeng mabuntis ka."

"Hmmmmmm...pag pumayag ba ako, pag uwi ng Pilipinas sa yo na ako uuwi?"

"Oo."

"Okay, payag ako. Basta pag nainlove na ako sa iba...divorce na ha,"

"Okay, deal"

Nag shake hands kami. Hindi ko alam bakit ako pumayag. Dahil sa mga beneficiaries nila, dahil sa privileges, dahil sa money....pero may selfish motive din ako, para walang girls ang lumalapit sa kanya.

THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now