LUNCH

19.4K 390 4
                                    

Hay buti na lang natapos ko na ang lahat ng exams ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Hay buti na lang natapos ko na ang lahat ng exams ko. Pinakamahirap yung first period ko huhuhu. Pero feeling ko papasa ako dun. Alam ko mataas nakuha ko.

Ngek may nagtext. Sino kaya to? Eh, si Jota lang pala. Ano na naman ang gusto ipagawa ng mahal na hari?

Where are you? Done with your exams? I'll pick you up, we need to go home. Problem. Big one.

Problem? Ano kaya yun?

Ngek sa bahay pa talaga kami maguusap? Teka nasan na kaya yun? San ko siya aantayin? Teka anong oras pupunta yun?

Maine gate. I'll be there in 5 minutes.

Ano? 5 minutes? Ang layo ko kaya sa main gate. Ungas talaga to patatakbuhin ako grrrrr. Buti na lang I'm wearing jeans and sneakers today. Ikaw talaga Jota Jimenez akala mo hari kung mag utos. Grrrrr.

Tamang tama paglabas ko ng gate andun na siya naghihintay. Binuksan niya ang passenger's door at pinapasok ako. Nakatingin yun ibang students sa kanya. Yung mga babae gusto ko talian ang mga baba eh. Ang laki ng buka ng mga bibig nila. Haaay.

Hindi na siya naka suit. Naka rolled up ang sleeves niya at ang necktie ay naka loose. Guapo talaga ng lalaking to. Haaaaay sayang at hindi kita totoong asawa. Hahaha asa ka pa talaga Silk.

"Ano ba problema?"

"Dadating yung maid na ipinadala ni Mommy."

"So ano problema dun? Okay yun para yung pagkain natin may magluluto."

"Hindi mo nakikita yung problema?"

"Hindi, okay nga yon para may maglilinis at magluluto hindi yung si Mang Julio na lang parati inuutusan natin, mo."

"Sabi mo eh. Eh di walang problema."

"Oo. So okay na? Tapos na ba meeting mo?"

"Tinapos ko na kasi dun sa katulong. Kaso sabi mo walang problema so, wala."

"Uwi na ba tayo? Kasi idadaan ko pa tong damit sa stylist eh. Yung sasakyan ko kinuha ni Mang Rudy pina linis ko. Okay lang bang idaan mo ako dun tapos iwan mo na lang ako, at taxi na lang ako pauwi."

"Hindi sabay na tayo uwi. Daan muna tayo sa stylist mo tapos sa opisina ko may kailangan lang akong pirmahan tapos uwi na tayo."

"Sige. Thank you."

Paglingon ko sa kanya hindi man lang ngumiti. Napaka seryoso talaga ng lalaking ito. Pero in fairness guapo talaga siya. Kahit hindi ngumiti guapo. Para kaming mag kuya sa mga itsura namin ngayon. Siguro dahil sa damit namin. Masyadong seryoso sa kanya.

"Liz eto na yung damit na ginamit ko kagabi. Paki sabi na lang kay Sir Rajo, thank you."

"Okay Silk. Uy kasama mo ba yung guapong yun?"

Bakit umakyat ba si Jota? Eh nasa parking lang naman siya. Paglingon ko si Hong pala. Siya yung topnotch supermodel na lalaki sa Pilipinas. Bata pa siya. Ka age yata ni Jota. Palagi akong kinakausap at binabati kahit san kami magkita

"Hi Silk. Kamusta?"

"Hey Hong, okay lang naman. Ikaw?"

"Okay naman ako...lalo nakita na naman kita."

"Bolero ka talaga. Sige mauna na ako."

"San ka?"

"Sa parking area."

"Dun din ako eh. Sabay na lang tayo. Kung sana wala kang sasakyan, inihatid na kita."

"Huwag na. Out of the way ako. Makati ako, ikaw Marikina."

Sabay kaming lumabas ng elevator sa parking area. Bago kami naghiwalay, nag besso muna si Hong sa kin. At hinawakan pa niya kamay ko. After that, sumakay na siya sa sasakyan niya na nasa tabi lang ng sasakyan ni Jota. Of all places.

Pagsakay ko ng sasakyam, pinaharurot na niya ang sasakyan niya. Hindi man lang niya chineck kung nakasakay na ako properly.

"Jota ano ba? Muntik na akong masagasaan oh. Sobrang lakas ng tama mo eh. Kung nahulog ako dun? Ano ba kasi problema mo?"

"Wala."

Suplado, antipatiko, bruho, jerk, etc., etc., etc.

Di na kami nag usap hanggang dito sa office niya. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan kinuha na niya ang kamay ko at hindi na binitawan. Ganun ang hitsura naming pumasok sa office. Nagulat ang mga empleyado sa nakita nila. Mula nang ikinasal kami ni Jota second time pa lang akong napunta dito kaya nagulat lahat sila. Tapos etong Jotang to nakasimangot at mukhang galit na hila hila ako papasok ng offfice niya. Isinara niya ng malakas ang pintuan niya.

"Ano ba problema mo?"

"Wala! Huwag mo ako kausapin."

"Eh di huwag. Childish!" Binulong ko lang yun. Malay ko ba kung narinig niya. Pero mukhang hindi eh. Nagsisisigaw na naman.

"Deena, nasan na yung mga pipirmahan ko?"


"Eto na sir."

Nagkatinginan kami ni Deena ang sekretarya niya. Mga 35 years old na ito. Maganda pero walang sense of fashion. Maregaluhan nga ito ng damit aa christmas hehehe. Ngumiti ako sa kanya, assurance na huwagnsiya masyadong matakot kay Jota. Nag memake face ako sa kanya at itinuturo si Jota ma busy sa ginagawa. Napatawa siya ng konti. Napatingin tuloy sa amin si Jota. Tinignan niya kami ng masama.

Haaays ako na lang yata ang natitirang babae sa mundo na hindi takot dito sa mokong na to.

Natapos din ang ginagawa niya.

Nasa sasakyan na kami ng may narealize ako.

"OH MY GOD!!!"

"Bakit?" nagulat siya


"Kung may katulong tayo that would mean we will share the same room? And bed?"

Napabuntunghininga siya. Parang gusto niyang sabihin, ang slow ng babaeng to.

"Yun nga. Pero sabi mo naman no problem eh di ba?"

"Jota tawagan mo Mommy mo, sabihin mo okay lang na walang katulong. Sige na."

"Pumayag na ako eh. Sabi mo kasi walang problema."


"Halla! Pano ba yan?"


"Ilipat na lang natin mga gamit mo sa room ko."

"Bakit sa room mo?"


"Simple, Master Bedroom ang room ko mas malaki. Kung gusto mo yung room mo gawin na lang nating wardrobe area. Dun natin ilagay mga damit natin para kung magbibihis ka or ako dun na lang. Oh hindi ka pa nailang."


"Eh san ako matutulog?"

"Natural since room ko yun eh di sa sofa ka. Sa bed ako. Unless gusto mo matulog sa tabi ko."

Nilingon ko siya sa sinabi niya. Pangiti ngit lang at hindi man lang tumingin sa akin ang ungas. Hay Silk, umpisa na ng kalbaryo mo.

THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon