Home at last...

23.1K 378 5
                                    

"Jota, gising na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Jota, gising na. Andito na tayo. "


"Huh?!" mukhang pagod na pagod nga talaga siya. Ni hindi niya namalayan na andito na kami sa bahay. Nung mapansin niya na nakahawak siya sa kamay ko, binitawan niya agad na parang napaso. Gago pala siya eh. SIya itong humawak sa kamay ko. Kulang na lang ibato niya ang hinahawakan niyang kamay ko.

"Sabi ko nasa bahay na tayo. Baba ka na." nauna na akong bumaba at iniwan siya sa sasakyan. Sinundan ko si Mang Julio sa loob ng bahay. Ipinapasok niya mga gamit ni Jota at mga gamit ko galing sa fashion show.

"Ma'am, wala na po bang ibababa or iuutos sa akin?"

"Wala na po Mang Julio, salamat po."

"Ma'am kunin ko na po yung sasakyan ni Sir Jota sa bahay nila Sir, Ma'am."

"Sige Manong. Iwan mo na lang yung sasakyan ko. Punta ka naman dito bukas ng maaga di ba?"

"Oo ma'am."



"Manong punta kayo before 7 baka kasi may pupuintahan ni Jota eh kukunin ko yung sasakyan ko at may exam ako ng 7:30 bukas eh."

"Sige Ma'am. Good night Ma'am. Good night Sir"

Nakasunod na pala si Jota sa loob ng bahay.

"Ingat po kayo Manong Julio."

"Thank you Ma'am."

"Julio sabihin mo kina Daddy na dumating na ako. Maaga ka bukas kasi may meeting ako sa opisina. Yun lang."

"Sige sir, alis na po ako."

Hindi man lang sumagot ang lalaking to.

"Sige Mang Julio, ingat kayo."

"Thank you Ma'am."

Nang makaalis si Mang Julio, nilock ko na ang bahay. Nasa exclusive village ang bahay namin ni Jota pero nakagawian ko na talaga ang mag lock ng bahay. Tinanggal ko ang sapatos ko at nakapaa lang ako na nagpunta sa kusina para i reheat ang mga pagklain na kinuha namin sa restaurant nina Ate Julia.

Nasan na kaya yung lalaking yun? Naligo na ba o nagbihis na? Bahala siya kung gusto niya bumaba para kumain o hindi na. Hindi naman ako ang maid niya para pagsilbihan siya eh. Ang usapan namin, mag asawa sa harap ng mga tao, kanya-kanyang buhay pag kaming dalawa lang. Luto ng sariling pagkain. Basta walang pakialamanan.

Nagtataka kayo siguro kung bakit kami mag-asawa ngayon? Well mahabang kwento pero dahil sa kayabangan niya at sa mga gulong di niya malusutan kaya kami mag asawa na ngayon. Si Jota, tahimik yan na tao. Tumatawa lang pag ang kasama niya ang mga kapatid niya at mga barkada niya. Sa harap ng mga emplyado niya, hindi ngumingiti. Suplado. Stirkto. Ako naman, kahit may kaya ang pamilya ko, nagtrabaho ako ng maaga. Commercial model nung bata ako hanggang sa lumaki ako naging ramp model na. Yung kinikita ko iniipon ko lang. Ang mga magulang ko ang nagpapa-aral sa akin bago kami nag asawa ni Jota. Pero ngayon, siya na nagbabayad ng tuition ko kasi sabi niya kay Papa na siya na magpapaaral sa akin.

At 22 siya na ang nagmamay ari sa sarili niyang negosyo. Pinautang siya ng Daddy niya ng kapital para umpisahan ang business niyang thermal clothing. Ngayon ang JOTHERMAL ang isa sa tatlong pinakamalaking kumpanya na nag susuply sa buong mundo ng mga bagay na kailangan ang thermal sheet. Kaya naman hindi siya inuutusan ng parents niya kung ano ang gawin niya sa buhay niya. Hindi siya pinapakialaman sa mga desisyon niyasa personal na buhay niya.

Noong mag asawa kami, nagulat sila lahat pati sa bahay namin nung inimbitahan ni Jota ang pamilya niya at ang pamilya ko sa isang dinner nine months ago para sabihin na kasal na kami at nakatira na kami sa condo niya. SInabi niya na in 4 months lilipat na kami sa bahay na ipinapagawa niya. Wala namang sinabi ang parents niya sa amin, sa akin. Mabait ang pamilya ni Jota, kahit milyonaryo hindi sila matapobre. Oo nga may kaya kami pero, sa tabi nila pulubi kami hahaha.

Pamilya kami ng mga Doctors. Nuero Surgeon ang Papa ko. Internal Medicine naman ang specialization ng Mommy ko. SI Ate ay OB Gyne at si Kuya ay Neurologist din katulad ni Papa. Ako naman eh kumukuha ng Pre-Med course sa Ateneo De Manila. Balak ko magdirecho sa Medicine. Balak ko kasing maging Pathologist.

Mapuntahan na nga lang yung lalakeng yun baka sabihin niya wala akong puso.

Tok! Tok! Tok!

Di siya sumasagot. Baka tulog. Masilip nga siya baka tulog na.

"Jota?"

Ngek! Tulog na pala siya eh. Hmmm sige wag ko na gisingin. Baba na lang siya pag nagutom. May microwave naman kaya initin na lang niya food niya.

THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now