12 Midnight..

20.8K 390 8
                                    

Alas dose na pero di ko pa tapos basahin lahat tong binabasa ko. Haaay makapasa kaya ako nito?

"Gising ka pa? Ano ginagawa mo?"

Huh! Nakakagulat naman tong lalaking to. Muntik ko tuloy mabitawan ang mug ko ng kape.

"Kumuha ng coffee. Nag aaral ako eh. Kain ka na. Re heat mo na lang yung food diyan."

"Malamig na ba to?" Tinikman niya yung chicken na nakalagay sa mga containers sa dining table. "Okay pa hindi pa naman malamig. Mainit pa. Okay lang ba na kumain dito sa table or dun ako sa kusina?"

"Okay lang naman. Dun ka sa kabilang dulo kasi maraming kalat dito."

"Sige."

Umupo siya sa kabilang dulo ng mesa at kumain na hindi ako kinakausap. Hindi ko na siya pinansin at hindi ko na maintindihan ang binabasa ko. Naduduling na din ako sa antok. Kaso kailangan ko talagang basahin to para may idea ako kung ano ang tungkol sa chapter na ito. Sabi ng mga friends ko bakit kailangan ko pa mag work eh pwede naman ako mag aral na lang at may sumusuporta naman sa akin financially. DI kasi nila maintindihan na ang work kasama na sa buhay ko talaga.

"Bakit hindi mo ako ginising kaninang kumain ka?"

Bigla bigla talaga ang taong to. Pag lalapit, basta na lang lalapit na walang paalam. Pag kausapin ako parang emplayado lang niya. Sabagay, sa sitwasyon namin ngayon, emplayado nga niya ako. Haay!

"Ginising kita kaso ayaw mo magising so di na kita ginising pa. Tsaka kailangan ko kasi mag aral so inisip ko tatayo ka din naman pag kakain ka na eh."

"Aaah. Okay. Ano ba yang pinag aaralan mo?"

"Cell Science."

"Aaahhh. Matulog ka na. Bukas na yan. mag aala una na oh. Binubuhay naman kasi kita eh bakit ka pa pa model model diyan"

"First period ko to eh. Kailangan ko aralin. Ikaw, tapos ka na ba kumain? Matulog ka na, mukhang pagod ka eh."

Pinalampas ko na lang ang sinabi niyang pamodel model. UNGAS!

"Kakakain ko lang no, gusto mo ako bangungutin?"

"Bahala ka na nga kung ano gusto mo gawin."

Tumayo siya at hinugasan ang pinagkainan niya. Inilagay din niya ang mga pagkain sa refrigerator. Gumawa siya ng kape niya at umakyat na siya ng room niya. After 5 minutes narinig ko siya na bumaba ulit.

"Para sayo."

Inilapag niya sa table ang teddy bear na pinahawak niya sa akin kanina. Those cute little toys that they give away to athletes who win in tournaments etc. Aside from those may damit pa na Korean at t-shirt na may Korean Girl.

"Hanbok ang tawag diyan sa dress nila. National costume ng mga Koreanang mga babae...yata"

"Yata? Di ka sigurado?"

"Hindi eh hahaha."

"Thank you."

"Thank you lang? Walang kiss?"


"Wala!"

Sumusobra na tong lalaking to ah. Kanina pa to eh.

"HAHAHAHAHAHA JinKyung!"

Jin Kyung yan ang tawag niya sa akin. Ni minsan hindi niya ako tinawag na Silk. Ewan ko ba sa kanya. At ewan ko din sa Tatay at Nanay ko bakit nila ako pinangalanan ng Jin Kyung. Feeling Korean lang eh. Kuya ko nga may HYUN ang pangalan niya. hahahaha

Pumunta siya sa music room na katabi lang ng dining room at receiving areq, binuksan ang tv at nanood. Ginamit niya ang headphones para walang sound ang tv. Siguro para hindi ako maistorbo. Sabagay nasa likuran ko lang naman ang tv so hindi ako nadidistract.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog.Hindi ko na naramdaman si Jota. Ni hindi ko nga naramdaman na binuhat niya ako eh. Nasa sariling room ko na ako. Anong oras na? 5:45? Gosh late na. Male late yata ako nito huhuhuhu. Dali- dali akong naligo at nagpalit ng damit. Mamaya na ako kakain sa cafeteria. Wala nang time. Huhuhuh sana hindi traffic. Nasa Makati pa ako. Gosh!

"Good morning Ma'am"

"Uy Mang Julio nandito na kayo?"

"Nagpadala si Ma'am Leona ng breakfast niyo ni Sir Ma'am. "

"Naku, malelate napo ako Mang Julio. Ipakain niyo na lang yan kay Jota. Teka, gising na ba siya?"

"Oo Ma'am, naliligo yata."

"Sige Mang Julio, sabihin niyo na lang sa kanya na papasok na ako."


"Bakit di na lang ikaw ang magsabi sa akin?"

Naku andito na naman ang bruho. Shucks nakaligo na siya at nakabihis na for work. Ang guapo talaga niya. Bagay ang light blue polo niya at neck tie. Ang sexy ng asawa ko eeeeehhhh. Hoy Silk, umayos ka nga. Hindi mo naman totoong asawa yan eh. DI ba sabi niya pwede niya iterminate anytime ang marriage niyo? Kaya maghunos dili ka. Bitbit niya ang amerkana niya na inabot niya kay Mang Julio.

"Alis na ako. Late na ako eh"

"Kumain ka na?"


"Hindi na, wala nang time eh. Sa cafeteria na lang."

Tumango siya.

"Sige alis na ako."

"May nakalimutan ka."

"Ano?" Ano na naman ang nakalimutan ko? Eh nandito na lahat pati nga damit na ibabalik ko sa stylist ko eh.

"Di ka pa nagpapaalam ng maayos."

Maayos? Hays ang arte ah.

"Alis na po ako mahal kong asawa."

"Eh bakit hindi ka pa humahalik sa mahal mong asawa?"

Napatingin tuloy ako kay Mang Julio na nangingiti na lang sa tabi.

"Hay naku Jota nandiyan si Mang Julio oh nakakahiya. Tsaka malelate na ako eh."

Simbilis na ng kidlat nasa harap ko na siya at hinalikan ako sa labi. Naramdaman ko pa na dinilaan niya ang bibig ko. Kadiri talaga tong lalaking to. Buti na lang nandiyan si Mang Julio, kundi sinapak ko na siya. Gago ka Jota makikita mo mamayang gabi, patay ka sa akin. Umalis na ako habang tumatawa siya at umiinum ng tubig.

Walanghiya, may gana pang tumawa.

THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now