TFY 14: I Tried To

Start from the beginning
                                    

"I'm Just worried masama ba?"

"Hindi pero ang manira ng date masama. Ano bang Motibo mo? Pustahan di yan ang sinabi mo sa kanya kaya kayo nag away. Aysus!" Pinitk niya ang tenga ko. Nagagawa pa niya talaga akong Biruin sa mga pagkakataong ito

"I'm Just Worried that's all. Pero sinabi kong pinapasundo siya ng Kuya niya. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Baka mamisunderstand niya lang ako kapag sasabihin kong nagaalala ako. Ang sabi niya sa akin kanina gusto niyang mabalik kami sa dati which is, I'm afraid of that." I explained.Biglang nawala ang ngiti nito sa labi at sumeryoso ang titig sa akin.

"Wala namang kayo diba? Hindi naman naging Kayo bakit nga ba ang hirap sayong Ibalik? Sa tingin ko may Kula sa mga kwentong sinabi mo sakin eh." Napatingin ako sa kanya. I was supposed to say something nang biglang nag eye to eye kami. Bigla akong nakaramdam ng Kaba.

"Apekto ka diba?" Napatahimik ako. Umiwas ako sa titig niya

"Tama o Mali?"

"T-tama." Pikit mata kong sagot sa kanya

"Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman mo o iniisip mo, Nang huhula lang ako." Humalakhak siya

"Jen, She's like my younger sister. Ofcourse I cared for her. Ayaw ko lang mabalik ang dati. "

"Ano ba yang dati dati na yan ha. Sa tingin ko naman na tinutukoy ni Nyda ay ang pakikitungo mo sa kanya. Ikaw naman kasi itong nagiisip ng malisya Luke. Go Lang ano ka ba. O may ibang bumabagabag sa'yo?" Napatigil kami Pareho. I stared at her with a worriedd face. Nag Alis siya nang titig na parang may nakumpirma sa akin

"Let go of Camille Luke. It's been years. If you're not going let go of her she would feel sorry for you and she won't find peace" Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

"She was my wife Jeneviv. That will never change." Napahina ang boses ko. May gustong kumawala sa dibdib ko pero pinipigilan ko. I could still feel pain whenever I think of her

"Hindi mo man sabihin, I know you are feeling something in here.. at kung tama ang hinala ko, Kahit anong pader yan Luke, Buwagin mo." Napatingin ako sa kanya. I could feel her sincerity. Parang kahit hindi ako magsalit at hindi niya ibigkas alam ko ang tinutukoy niya

"The most powerful love in this world are, Our love from God, Love from Family and the love from the one you love.. You have all of those Luke, You shouldn't be afraid of anything."

*******************


Papasok ako ng Coffee Shop nang madatnan ko si Angel at Luke na naguusap. Parang bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko si Luke. Ngumiti sa akin si Angel at sinenyasan na lapitan ko raw siya.

"Goodmorning Angel" Nakangiting Bati ko sa kanya. Pero hindi ko tinitignan si Luke. Kahit hindi ako komportable sa presensya niya.

"Nyda, Sumama ka naman sa Laguna this Weekend. May 2 days and 1 Night Outing ang buong Staff ito ang pinaguusapan namin ni Luke."

"Oh. Okay."I nodded. Para siyang excited na hindi makapakali. Pero bigla siyang tumingin kay Luke at sa akin. Nagiwas ako ng tingin sa kanila.

"Anong meron?" Palipat lipat ang titig niya sa amin

"Wala" Si Luke

"Wala"

Nagsabay pa kaming sumagot. Lalong nanlaki ang mata ni Angel na nakatingin sa aming dalawa. Kung bakit ba naman kasi siya nakikisabay!

"Palitan mo na tong Cashier mo Di siya maganda." Biglang nagsalita si Luke. Napatingin ako sakanya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba, Para nga siyang Model oh. Pansin ko ring dumadami ang Customer na lalakeng Estudyante. Nagagandahan daw sila sa Bagong Cashier." Sabi naman ni Angel. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagtatanggol sa akin sa panlalait ni Luke.

"Cashier naman ang Kailangan ng Shop hindi Model" Walang ganang sabi ni Luke. Parang gusto ko siyang kontrahin yun nga lang ay hindi ko pa siya gustong kausapin ngayong araw


"Lalait laitin mo lang ba talaga ako?" Hindi ko napigilang magsalita. Tumingin sa akin si Luke.

"Hindi kita nilalait. Nagsasabi lang ako ng totoo" malamig na ani ni Luke. Napakuyom ako sa mga palad ko so ibigsabihin pati- Pati yung hindi ako Maganda?

Lalapit na sana ako sa kanya para komprontahin siya nang bigla naman itong tumayo kaya, Ngayon ay magkatapat na kami

"Pati yung hindi ako maganda!?"

"Hindi ka naman talaga Maganda." Inirapan niya ako. Tapos naglakad na siya palayo. Ganun lang yun! Nilait na nga lang ako lalayasan pa ako!

Aabutin ko sana nag sapatos ko para ibato sa kanya nang biglang pinigilan ako ni Angel.

"May iba kang mababato" Natatawa pa ito. Napatakip pa siya sa bibig niya para pigilan ang Tawa. Ang Lalakeng iyon! Ang yabang!


*****************


UNEDITED

Itutuloy.

Ganun hahaaha. Ibato mo Nyda! Pati Lamesa Ibato mo!

Thank You!

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDWhere stories live. Discover now