TFY 13: It Is Just A Date

Start from the beginning
                                    

"Thank You Nyda." Napatigil ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Ron sa pisngi ko. Tiningnan ko siya, Malapad ang ngiti nito sa akin. I smiled back pero sa totoo lang hindi ko alam kung anong kaba ang nararamdaman ko o kilig ba? Ewan. Hindi ako Komportable at parang nararamdaman ko na ang nanlalamig ang mga kamay ko.


"So, Tell me whenever you have free time." Nakapamulsang saad ni Ron nang makalabas kami sa Restaurant. Parang ang bigat ng Tyan ko. Ang dami ko yatang kinain

"Yes. Sure Salamat Pala nabusog ako."

Hinahawakan ni Ron ang kamay ko bigla. Napasunod ako sa kanya papuntang Sasakyan.

Bubuksan na niya sana ang sasakyan nang bigla siyang napalingon sa likoran ko. Kumunot noo akong lumingon sa direksyong tiningnan niya. Para itong nagagalit dahil tumalim ang titig nito

"Luke." banggit ko sa pangalan niya nang makita ko siyang papalapit sa akin.

"Let's Go." Wala emosyong saad nito sa akin. Sa akin na siya matalim na nakatingin ngayon. Sumulyap ako kay Ron na parang nagagalit kay Luke. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa dalawa sa tuwing nagtatagpo ang landas nila.

"I'm her date tonight so I'm gonna take her home." Malamig na sabi ni Ron.

"Tara na Nyda. Pinapasundo ka na ng Kuya mo." Parang may pagbabantang sabi naman ni Luke. Palipat lipat ang titig ko sa kanilang dalawa. Pero si Luke sa akin lang siya nakatingin kaya lalo akong ninenerbyos at hindi makapakali

"Don't mind him Nyda. Get In." Binuksan ni Ron ang Kotse niya at Nilayo ako kay Luke.

"Let Her choose. " Pamimigil sa amin ni Luke.

"Hindi siya nag-Oo sayo. Let her choose." Para na silang nagtatagisan ng titig. Parang lalong umuusbong ang tensyon sa pagitan nila. Kaya pumagitna ako sa kanila

"Ron sasama nalang muna ako kay Luke. Hindi ko pwedeng suwayin si Kuya at ikaw, Baka madawit kapa sa galit ng kuya ko kapag nagkataon. Salamat ngayong gabi. Tatatwagan nalang kita." Parang nadismaya si Ron sa sinabi ko. Pero ngumiti lang naman siya sa akin. Maske ako ayaw ko nadidisappoint ko si Ron. Kahit man iba ang nararamdaman ko sa mga kinikilos niya, May tiwala ako sa kanya. and Ron is very nice to me.

Umalis si Ron sa Harapan ko. Sumakay siya sa Kotse niya at tuluyang Umalis. Napabaling ako kay Luke na nakatingin sa Kotse ni Ron palayo. Nang tinignan niya ako ay sinamaan ko siya ng tingin at naglakad para lampasan siya pero bigla niya akong hinigit sa braso ko

"I'll take you home. "

"No. You will not take me Home. I'm going to take a Cab and get off me." Padabog akong kumalas sa pagkakahawak niya sa akin. Pero naramdaman ko ang paghabol nito sa akin

"Sinabi ng Kuya-"

"Si Kuya! Puro si Kuya Kuya Kuya! Bakit Boss mo ba siya? Ano mo ba siya? PURO KA KUYA!" Inis na sabi ko sa kanya. Napansin ko ang pagtahimik niya. Ako nararamdaman ko ang frustration ko sa loob looban ko.

Hindi alam kung nagagalit ba ako kay Luke o nasasaktan akong makita siya ngayong araw?

"You have rejected me once again yesterday. At kung maari sana ay hindi muna kita dapat Makita. Kailangan ko ulit mag ipon ng Lakas ng Loob para magpatuloy. " Napakagat ako sa labi ko. Pinipigilan ko ang maiyak. Ayaw kong maiyak sa harapan niya. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya sa akin Kahapon. But I don't hate him Hindi ko siya magawang kamuhian and I hate my self for that

"You were there. I saw you. But you act like you didn't care. Now Ihahatid mo ako kasi Pinagutusan ka ni Kuya. Come on Luke. My Brother doesn't even now I'm out. Hindi Ko sinabing nakipag date ako kay Ron. " Tumingin ako sa kanya. Kahit ano ang pagtatago niya ay nakita ko ang pagkagulat sa ekpresyon niya

"You just have to tell 'Nyda ihahatid na kita. Hindi kita pwedeng hayaang sumama sa kanya ngayong Gabi' Why would you have to use my brother as your excuses always! Bakit ba takot ka sa Kuya ko!" Hindi ko namalayan ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi ko. Napaptaas ang boses ko at nahampas ko si Luke sa dibdib niya

"I'm not afraid of your brother!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at bahagya niya akong hinila palapit sa kanya.

"I'm afraid of you. Ikaw Nyda. You have to realize this isn't right. All of these. " Nagpumiglas ako at kumalas sa pagkakahawak niya sa akin

"Masama bang gustohin kong bumalik tayo sa dati? I just want the old times Luke! Pero ni Tignan mo ako parang ang hirap mong gawin. "

"Then don't make me worry about your feelings."

*************************


UNEDITED

Itutuloy.


May nawawala sa Sarili. Natatawa ako habang nag tytype ng UD kaya panigurado marami akong Typo erors. Hahahaaha. Hay naku

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDWhere stories live. Discover now