Then it hit me, oh shit! Kami na pala ang susunod! Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko kaya kinagat ko nalang ang labi ko.


Para na akong mahihimatay sa sobrang kaba. Uhhm, pwedeng mag back out?


"Next! Bernardo and Kabe! Palakpakan!" Nag hiyawan naman sila. Tumayo si Kats at hinila ang kamay ko pero ayaw gumalaw ng paa ko.


"Madam, okay lang yan. Wag kang kabahan." TInignan ko si Kats at pinilit na kumalma. Think positive Kath.


Tumayo ako at inalalayan ako ni Kats paakyat ng stage. Hawak niya lang ang kamay ko hanggang sa nakarating kami sa gitna ng stage.


Binitawan niya ang kamay ko kaya medyo nataranta ako. Humarap siya saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Okay lang 'to. Kakayanin natin to. Wag kang kabahan." Huminga ako ng malalim at tumango sa binulong niya sa tenga ko.


Humarap na kami sa buong audience.


Daniel's POV

Nairita bigla ako nong hinawakan ni Kats ang balikat ni KC atmay binulong pa ito sa tenga niya.


Bakit ba ang close nila? Sila na ba? Bakit hindi ko alam? Sasabihan naman ako ni KC diba? Pero sabi niya hindi pa daw siya nagpapaligaw. Bakit parang affected na affected ako?


Kita ko ang pag thumbs up ni Kats sa operator na nasa gilid na si Edward. Ulingawngaw ang tunog sa buong auditorioum kaya tutok na tutok ang buong klase sakanila.


Kumunot ang noo ko sa kanta. Bakit parang hindi to familiar saakin? Ang sabi ni Sir Billy na dapat ang kakantahin namin ay yong pinakasikat na kanta sa heneresyong ito. Anong nangyari?



Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
kay sarap namang mabalikan ang ating kwento


Hindi talaga siya familiar. Tinignan ko ang mga kaklase ko, mukhang interesado sila. Tumingin ulit ako kina KC at umigitng ang panga ko nong hinawakan ni Kats ang kamay n KC.


Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi
Maglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala


Sobrang ganda talaga ng boses ni KC. Hindi kasi siya palakanta at sa tuwing kumakanta kami ay lagi niyang pinipilit na piyukin iyon.


Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon),

ooohh oh oh

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit ang pagtingin ay gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati(3x)
Na gaya pa rin ng

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now