Page 30 Last day of June Part 2

241 17 16
                                    

Special Dedicated to: Badyai. She is my cat, lol. Akala ko patay na siya kasi hanap ako ng hanap pero di ko siya makita.  Pero nagulat ako ng magbalik siya ngayon ngayon lang. 7:15pm
Thank you Lord! I Praise You!




"Kyaaaaah!" yumuko ako nang mabasag ang bintana ng kotse na nasa gilid ko.

"Jill!" sigaw ni Jack saakin. Mas lalo niyang binilisan ang pag da-drive ng mapansin namin sa side mirror ang isang kotse na lagi kaming sinusundan.

Bang! Bang! Bang!

"S*ht!" pinauulan kami ng bala ng kotseng sumusunod saamin.

"Jack! Anong gagawin natin!" kabado kong sabi sa kanya.

"All I can do ay takasan ang bumabaril saatin. Kumapit ka ng mabuti Jill bibilisan ko pa ang pagda-drive." ramdam kong kabado si Jack habang sinasabi niya iyon. Malabutil na ang lumalabas na pawis sa kanyang mukha. Last ko na nga lang dito sa mundo ay ganito pa ang mangyayari. Mukhang hindi na matutuloy ang kapana-panabik na scene sa buhay ko. Kakainis!

Binilisan pa lalo ni Jack ang pagpapatakbo ng kotse. Pero hindi naman lumayo ang distansya namin sa itim na kotse na sumusunod saamin. Nagpaulan muli ito ng bala.

"Kyaaaaah! Bilisan mo pa Jack! Binabaril ulit nila tayo!"

"Yumuko ka Jill!" bigla akong yumuko at ang sumunod na nangyari ay nabasag ang salamin ng kotse sa likod, tagos hanggang sa harapan.

"Oh God please! Please help us!" sambit ni Jack habang nagda-drive. Mangiyak ngiyak akong nakayuko at nagsambit ng maikling panalangin.

Mabilis na iniliko ni Jack ang kotse at nag iba ng rota. Inaakala namin na naligaw namin ang kotseng humabol saamin ngunit nabigla kami ng may marinig na naman kaming sunod-sunod na putok ng baril. Napasigaw ako ng gumewang gewang ang sasakyan namin hanggang sa huminto ito mag isa.

"S**t! S**t! Tinamaan ng bala yong mga gulong natin! Jill lumabas na tayo dali!"

Mabilis kaming lumabas ng kotse pero agad kaming napahinto sa paglalakad ng marinig ang pamilyar na boses.

"Sige subukan niyong tumakbo, babarilin ko kayo." agad kong nilingon ang pinagmulan ng boses at nagulat ako ng makita si Reko na kakalabas lang sa itim na kotse.

"Reko? Paano ka nakalabas ng kulungan?" di makapaniwalang saad ni Jack.

"Hahahahaha! Iyan ang poblema sa inyo eh. Minamaliit niyo ako. Ano ako shunga? Magsusurender sa pulis ng ganun ganun na lang? Tsk! Tsk! Tsk! Tandaan niyo na hindi ako ganon kadaling sumuko. Susuko lang ako pag napatay ko na ang gusto kong patayin!"

"Pero paano ka nakatakas sa kulungan?" pag uulit ko sa tanong ni Jack.

"Simple lang, ibang tao ang  nagsurrender sa mga pulis na nagpanggap na ako. Hahahaha!" habang baliw na tumatawa si Reko ay agad may binulong si Jack sa tenga ko.

"Pagkasuntok ko kay Reko tumakbo ka na agad."

"Pero papaano ka Jack!"

"Oy! Anong binagbubulungan niyo d----"
agad lumapit si Jack
kay Reko at agad sinalubong ng suntok sa mukha, dahilan upang di niya na ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. Napahiga si Reko na agad namang dinaganan ni Jack.

"Jill! Tumakbo ka na! Dali!" malakas na sigaw ni Jack na agad ko namang ikinatatranta. Labag sa isip ko ang tumakbo papalayo kay Jack. Tumakbo ako ng mabilis upang makahanap ng tulong. Ngunit pansin ko na parang pamilyar ang lugar na ito. Ang lugar na may makitid na kalsada, ang lugar na halos walang kabahayan. May nakikita akong iilan na bahay ngunit wala namang nakatira dahil na rin sa luma ang bahay at umaabot na sa puno ang laki ng mga damo. Teka? Mukhang natatandaan ko na ang lugar na to! I-ito ang barangay Maraming Aksindente!

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon