Page 27 Last 4 days

226 17 5
                                    

Dedicated to: Senesnie

Jill Pov.

Nang ianunsyo ng Doctor na pwede na akong lumabas ay agad din nagpumilit si Jack na lumabas na din ng ospital. Nong una ayaw pumayag ng doctor, maging kami rin ay ayaw rin. Masiyado pang sariwa ang hiwa sa tyan niya na kung saan siya naoperahan para matanggal ang bala. Pero sabi naman niya ay kaya niya na. Dahil na rin sa pagpupumilit ni Jack ay pumayag kami. Sa isang kondisyon, dapat lagi siyang may kasama na private nurse. Pumayag naman si Jack, pero may isang kondisyon din ang loko at ang kondisyon na yon ay ako daw ang magiging private nurse niya. Hay...no choice ako at ito kami ngayon at nasa bahay ampunan kasama ang mga bata pati na rin si Shiela at kasama niya ang tunay na si Ace. Hindi parin ako makapaniwala na siya talaga si Ace. Nagulat nga kami sa mga naikwento niya habang nagmimeryenda kami kanina. Ayon dito, kapatid daw ni Ace si Reko sa ina. Nagalit daw si Reko ng mamatay ang Mama nila dahil sa depresyon para lang makuha ang mana ng mga Drefon. Hindi daw tanggap ni Reko ang pagkamatay ng ina dahil mas malapit daw ito sa ina, kumbaga Mama's boy si Reko. Inamin din ni Ace na nagalit din siya sa mga Drefon dahil sa hindi pagsalin ng apelyido nila sa kanya. Nagalit siya nang malaman niyang hindi siya tanggap ni Juan bilang anak. Mas lalo pa daw siyang nasaktan nang wala itong iniwang mana para sa kanya. Nagbalak siya na maghiganti at inamin niya na siya ang master mind at ang tumangkang patayin kami. Pero kalaunan tinigil niya na ang masamang balak ng makilala niya si Shiela. Pero ng malaman ni Reko na tinigil niya na ang paghihiganti ay nagalit ito sa kanya at tinangkang papatayin si Shiela kung hindi niya iyon itutuloy. Hindi nakinig si Ace sa pagbabanta ni Reko at isinawalang bahala lang ito. Akala ni Reko na walang namamagitan kay Ace at Shiela kaya naisip na lang itong pagtangkain patayin ang sarili niyang kapatid. Sinaksak ni Reko si Ace at tinapon ang katawan sa Bayan Namayam kung saan ang mga tao roon ay may simpleng pamumuhay. Akala ni Ace na mamamatay na siya doon ng biglang may lalaking tumulong sa kanya. Kahapon niya lang nalaman ang balita sa pagsampa ng kaso ni Jack sa pekeng si Ace nang mabasa niya ang balita sa dyaryo. Alam niyang si Reko ang nagkukunwaring siya dahil bago saksakin ni Reko si Ace ay sinabi niya daw ang lahat ng masasamang plano ni Reko, kasama na din doon ang magpanggap bilang si Ace.

"Tulala ka na naman Jill, may poblema ba?" bumalik ang huwisyo ko ng pitikin ni Jack ang noo ko. Agad kong hinawakan ang noo at sinimangutan siya.

"Sana ganyan na lang lagi ang itsura mo kasi mas lalo kang gumaganda." biro niyang sabi dahilan para mas lalo akong sumimangot.

"Mommy Jill." nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Pepi at ang mas nakakagulat pa ay nagsasalita na siya!

"Whoa! Ikaw ba yon nagsalita?" hindi makapaniwalang sabi ni Jack at agad siyang lumapit kay Pepi.

"Opo daddy." Napasinghap kaming dalawa ni Jack at agad namin siyang niyakap.

"Magaling ka na Pepi! Yes! Magaling na ang anak namin!" maluha luhang sigaw ni Jack. Oo anak namin si Petter Piolo or mas kilala bilang Pepi. Ops! Baka malito kayo, hindi namin siya tunay na anak, inampon namin siya dahil natagpuan namin siya sa isang basurahan. Nakakatuwa ngang isipin na lagi nagseselos si Jack ay Pepi dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin si Pepi kaysa sa kanya. Tanda mo pa ba yong Page kung saan kinantahan ko ng haruhi ang isang sanggol? Well, si Pepi ang sanggol na yon. Wait! Speaking of Pepi? Ano bang dahilan kung bakit siya na pipi? Bumitaw ako ng yakap sa mag ama at hinarap si Jack.

"Bakit pala hindi nagsasalita si Pepi noon? Ano bang nangyari? Diba sabi mo simula ng mangyari ang trahedyang iyon ay hindi na siya nagsalita pa?" patuloy parin na niyayakap ni Jack si Pepi.

"Simula ng mangyari ang trahedya sa atin Jill ay doon na siya hindi nagsalita. Di na siya nagsalita pa ng mawala ka samin Jill." napatingin ako kay Pepi ng sabihin ni Jack ang dahilan kung bakit ito hindi nagsasalita noon.

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon