Page 23

192 15 10
                                    

Dedicated to: Toutt_

Jill Pov.

"Wala akong pakealam sa sasabihin mo basta ang mahalaga ay ang matalo si Jack sa sasabihin mo. Naiintindihan mo ba yon ha?!" nilingon ako ni Ace habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Ako naman ay nakaupo sa tabi niya.

"Oo."

"That's my girl." nakangisi niyang sabi at agad din niya ibinalik ang tingin sa kalsada. Ako naman ay kabado sa mangyayari sa korte. Oo papunta kami ngayon sa court. Last hiring na ngayon. Naiyukom ko ang dalawa kong kamay dahil sumagi sa isip ko muli ang last hiring ngayon. Gusto kong manalo si Jack, pe-pero kung mananalo siya ay kapalit nun ang buhay ko. Napalingon ako sa bintana ng kotse at pinagmasdan ang naglalakihang building na aming dinadaanan. Speaking sa buhay ko, naalala ko palang anim na araw na lang ang natitira ko dito sa mundo. Nakakatawang isipin na last 6 days ko na dito sa mundo ay takot parin akong mamatay. Natikman ko na ang mamatay pero heto ako at takot ulit mamatay. Naisip ko ulit kung anong mangyayari saakin pagkatapos ng anim na araw. Mas lalo akong kinabahan ng maisip ko na hindi ko parin nababago si Ivan Jack. Ano na ang mangyayari sakin? San ako mapupunta pagkatapos ko dito sa mundo? Ayoko sa lugar ng paghihirap!

"You look tense, wag mong ipapakita yang mukha mo na ganyan pag nasa korte na tayo." napalingon muli ako kay Ace na seryosong nagmamaneho.

"Were here." huminto na ang sasakyan at mabilis siyang lumabas sa loob ng kotse.
Ano ang dapat kong gawin?! Napapikit ako at nagdasal ng taimtim. " Please paki usap, tulungan Niyo po ako. Ano po ba ang dapat kong gawin?"

"Anong ginagawa mo? Natutulog?! Labas na!!" agad akong napamulat ng hilahin ako ni Ace papalabas ng kotse.

Shiela Pov.

"Ate, nakokonsensya talaga ako."
Napahinto ako sa panunood ng Kobato, isa itong anime. Pinagmasdan kong mabuti ang kapatid kong si Ken na pinag lalaruan lang ang pagkain sa kanyang harapan. Malamang wala na naman siyang ganang kumain. Simula ng maaksidente sila Sir Jack ay nawalan na siya ng ganang kumain. Malaki ang ikinapayat niya. Lagi na lang siyang tulala at tahimik.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoo?"

"Please Ken, diba napag usapan na natin to?"

"Handa ako sa anumang mangyayari saakin ate. Ayoko nang laging nagtatago at tsaka parang mamamatay ako sa konsensya." pumiyok ang kanyang boses ng sabihin ang word na "konsensya." Tumayo ako at lumapit sakanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Ivan Pov.

Kanina pa ako sa loob ng korte at kinakaban sa anumang mangyayari. Mas lalo akong kinakabahan ng maisip kong wala na akong witness kundi ang sarili ko lang. Pano na to? Isa lang ang pag asa ko at yon ay si Jill, kung sasabihin niya ang totoo ay doon ako mananalo at maibabalik na saakin ang lahat lahat ng ari arian ko at mabubulok na sa kulungan si Ace.

"Sir Jack." napatigil ako sa pag iisip ng makita si Shiela sa aking harapan at may kasama siyang payat na lalaki.

"Shiela, anong ginagawa mo dito? Akala ko---"

"Sir, buo na ang pasya ko, sasabihin ko na talaga ang totoo. Kasama ko ngayon ang kapatid ko si Ken, isa rin siya sa mag wiwitness para sainyo."






Sorry yan lang nagawa ko.....

Hehehehe....Malikot at makulit ang utak ko kaya nag iiba iba ang plot nito.......Hay.....hope maintindihan niyo parin.

Kasi naman, iniisip ko na agad yong sariling story nila....

Ace.  -Spiritual category

King.  -Action category

Queen. -Action category

Heart. -Fantasy category

Alas ( alias ) N/A

New character nxt2x ud  --  Mystery

Hmmmm....... Gagawin ko kasing series....teheee.....ewan ko kung magiging series yon, bahala na.......

Syanga pala........may susulpot na bagong character sa next next Ud.......

Dont worry lapit na matapos......

Goal ko before mag end ang July is mafinish ko na ang The Unbroken Promise. Daldal ko noh? Alam ko!!!!!!!! Hahahaha!!!

Nagmamahal.....

                               Neorutic otor:Miss_Stragic









The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon