Page 19

243 28 17
                                    

Dedicated to: meganyao29

Ivan Pov.

"Niyaya ko ang girlfriend ko na pumunta sa tagaytay pero hindi niya alam na doon kami pupunta kasi may surprise sana ako pagdating namin doon. Kasabwat ko sa surprise na yon si Mom. Sumakay kami sa SUV at si Mom ang driver. Sa kalagitnaan ng daan ay nawala ang sasakyan ng mga body guards namin na nakabuntot lang sa likuran namin. Doon na ako nanghinala kaya nagdesisyon akong mag iba ng rota. Mga kalahating oras na nasa daan kami ay nahimasmasan kami kasi wala namang sasakyan ang sumusunod samin. Pinabagal ko kay Mom ang pagtakbo niya ng sasakyan pero nagwala si Mom at ang sabi niya ay nawalan kami ng preno. Nagumpisang umulan ng malakas at dahil madulas ang kalsada ay nagpagewang gewang ang sasakyan namin. Hanggang sa maramdaman ko na ang malakas na pagsalpok namin sa isang poste. Tapos non, ang natatandaan ko ay nasa loob kami ng umuusok na sasakyan tapos nakita ko si Genie na umiiyak at hinihila ako papalabas ng kotse." mahaba kong sabi sa harap ng mga tao dito sa korte. Ito ang unang pandinig sa kaso na inakusahan ko sa kuya kong si Ace.

Shiela Pov.

"Noong ika 18 ng Marso 2016 naganap ang aksidente na ikinamatay ng nobyo ni Sir Ivan. Sinugod namin sa hospital sila Sir Jack at Maam Pia. Mga 30 minutes ang nakalipas ay dumating din si Sir Ace at kasama niya si Atty. Gary. Siya ang nagsasalin ng mana kung sakaling mamatay si Sir Jack ay ipapasa iyon dapat sa nobya niya, pero dahil nga nasunog si Maam Jill sa kotse ay maisasalin ang mana kay Sir Ace.
Ng ianunsyo ng doctor ang pagkamatay ni Sir Jack ay agad na pinasalin ni Sir Ace ang mana sa kanyang pangalan sa loob mismo ng emergency room sa harap ng bangkay ni Sir Jack. Ma-may hinala kami na siya ang responsable sa aksidente na naganap kila Sir Jack, walang iba kundi si Sir Ace!!"

"Ano ang puweba mo Miss Shiela na may kinalaman nga si Ace sa aksidenteng yon?" sabi ng attorney sa kabilang panig.

"Malakas ang hi-hinala ko da-dahil ku-kung........." hindi ko alam kung dapat ko ba ito sabihin. Kinakabahang nilingon ko si Ace na nakaupo. Nagtama ang mata namin at bigla na lang siyang napangisi. Binasa ko ang sinabi niya sa bibig nito na walang boses, at ang naintindihan ko ay: " go sabihin mo at alam mo nang mangyayari kay Ken." naiyukom ko ang dalawa kong kamao. Dapat sabihin ko to pero natatakot ako para kay Ken.

"I- Im sorry Sir Jack..." yon lang sinabi ko at mabilis na lumabas sa loob ng korte. Sorry Sir hindi ko kayo maipagtanggol. Patawad......

Ivan Pov.

"S**t!" mahinang bulong ko matapos magback out si Shiela na tangging pag asa ko. Sabi niya sakin aasahan ko siya, asan na ang aasahan ko sa kanya kung tumakbo siya sa kalagitnaan ng pag wiwitness niya?!

"Tinatawag ko ang akusado na si Ace Greford upang idepensa ang kanyang sarili." sabi ng kanyang Attorney.

Sinundan ko ng tingin si Ace na napakalungkot ang mukha hanggang sa umupo siya sa harapan namin.

"Noong March 18, 2016 ay nasa loob lamang ako ng condo ko nang biglang  tumawag sakin si Ken at sinabi niya na naaksidente ang kapatid ko at ang step mother ko. Nabigla ako sa tawag na yon at agad akong pumunta sa nasabing ospital."

"At bakit kasama mo si Attorney Gary ng magpunta kayo sa hospital?" sabi ng attorney kong si Neo.

"Hayaan mo muna sabihin ni Ace ang lahat." mariing sabi ng attorney ni Ace na si Atty. Geo.

"A-am nong time na yon pagbaba ko kasi sa condo ko ay saktong nakita ko si Atty. Gary at hindi inaakala na doon din ang condo niya. Tapos wala sa isip ko na mabanggit ang nangyari sa pamilya ko. Nabigla rin si Atty. Gary kaya sumama rin siya sakin. Tinuring na kasi naming siya pamilya kaya nag alala rin yong taong yon kila Tita at sa kapatid ko."

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon