Page 6

294 46 20
                                    

Dedicated to: mabellion




Genie pov.

"Ikaw! Kasalanan mong lahat ng to! Kung hindi ka lang sana nagluto ay hindi sana kami masusunugan!" galit na galit si Ivan saakin ng magising ako. Andito kami ngayon sa gilid ng bahay na nasunugan.

"Malas ka sa buhay namin! Lagi na lang poblema ang hatid mo samin!"

"So-sorry...." mahina kong bulong. Nakayuko lang ang ulo ko dahil ayaw kong ipakita na umiiyak ako.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mong yan! Sinunog mo lang ang buong bahay namin tapos sorry lang ang sasabihin mo?!"

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya,"
sabi ko sa gitna ng aking hikbi.

"Pwede ba wag kang magsorry! Dahil walang kwenta yang pagso-sorry mo! Kung tutuusin kulang pa ang buhay mo sa ginawa mo samin!" Pakiramdam ko pumutok na ang ugat niya sa leeg sa sobra lakas ng pagsigaw niya sakin. Masakit. Ang sakit sakit ng mga salita ni Ivan sa akin, pero kunsabay dapat lang sakin ang ganong salita dahil malaki ang naging kasalanan ko kay Ivan at hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa mga bata at kay lola. Kaya deserve ko ang ganitong treat.

"Kuya! Tama na po!" lumapit saakin si Glenda at agad niya akong niyakap.

"Wag mo ngang yakap yakapin yang babaeng yan! Malas yan!" dinuro duro niya si Glenda.

"Ayoko!" pagmamatigas ni Glenda.

"Salamat Glenda." niyakap ko rin siya. Nakita kong patakbong lumapit si Pepi sa akin at maiyak iyak niya akong niyakap, gumaya rin si Ramiel na pangalawa sa bunso at si Francia. Sa pagyakap nila saakin ay nabawasan ang sakit na dala ko, para bang ina-absorb nila yong kalahating sakit na nadarama ko ngayon.

"Sige! Magyakapan na kayo ngayon dahil yan na ang huli pagyayakapan at pagkikita niyo sa malas na iyan!" umalis si Ivan, sinipa niya ang ilang gamit na sunog ngunit pwede pang ibenta, lumapit siya kay lola na umiiyak din at nakatingin saakin.

"Ate ayaw ka namin mawala, please ate wag kang aalis." sabi ni Ramiel sa gitna ng kanyang pag iyak.

"Hindi ko alam Ram, baka paalisin ako ng kuya mo Ivan." niyapos yapos ko ang ulo niya para patahanin siya dahil siya talaga ang pinaka matinding umiyak. Nagroup hug kami pero parang may kulang? Wala si Sandra, nilibot ko ang buong paligid pero hindi ko makita si Sandra! Pero nakakasiguro akong nakaligtas siya sa sunog.

Ivan pov.

"B*****!" Gusto kong magwala ng magwala dahil sa trahedyang nangyari saamin. Pero ano ba naman ang maitutulong ng pagwawala ko? Maibabalik ba nito ang bahay namin ha!
Sising sisi ako, sana hindi na lang ako nakipagdeal kay Genie na iyon! Genie? Anak ng P***! Kapangalan niya pa ang namatay kong girlfriend.

"Putang *** mo Genie!" sinuntok suntok ko ang puno ng saging na nakapaligid sa akin. San na kami mapupunta nito? Wala kaming kilalang kamag anak para pagtuluyan. Wala rin akong pera para magpatayo ng bahay. Kasalanan niya lahat ng to! Hindi kita mapapatawad Genie!

"Bakit ba ang tanga tanga mo Van!" sinipa ko ang isang puno ng saging. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nagtiwala ako sa babaeng yon!

 



3RD PERSON:

Walang tigil sa pag iyak si Sandra. Nakatago siya sa likod ng malaking sanga ng mangga dahil ayaw niya magpakita sa Ate Genie niya. Nahihiya siya sa ate niya dahil siya ang sinisisi kung bakit sila nasunugan pero ang totoo nito ay siya ang dahilan. Natatakot umamin ni Sandra sa kuya niya dahil natatakot siya na pagalitan nito tulad ng pagtrato nito kay Genie.

"Hindi ko alam Ram, baka paalisin ako ng kuya mo Ivan." narinig ni Sandra ang sinabi ng Ate niya kay Ramiel. Mas lalo siyang nakonsensya. Ayaw niyang umalis ang Ate niya dahil wala naman talaga itong kasalanan at isa pa ayaw niya mawala ang ate niya dahil napamahal na siya dito kahit ilang araw lang nila ito nakilala.

Ayokong umalis si Ate Genie, sasabihin ko na kay kuya ang totoo. Ang sabi ni Sandra sa kanyang isipan. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mukha at nagsimula ng maglakad upang hanapin ang kuya Ivan niya, aamin na siya.


Ivan pov.

Walang tigil kong sinusuntok ang mga saging hanggang sa tumumba ang mga ito. Hindi ako tumitigil dahil napupuno ng galit ang dibdib ko.

"Kuya! Tama na po!" susuntukin ko muli ang isang matayog na puno ng sanging nang maramdaman ko ang yakap sa likod ko.

"Tama na kuya. Ayokong nasasaktan ka." iyak na iyak si Sandra ng yakapin niya ako. Nakatayo lang ako at hinahayaan kong tumulo ang dugo na nangagaling sa kamao ko.

"Hi-hindi ko a-alam ang ga-gawin ko kung p-pano ko kayo matataguyod." piyok kong sabi dahil pinipigilan ko ang pag iyak. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Ayokong umiyak pero yong luha ko traydor! Hindi ko alam ang gagawin ko kung pano kami aahon ng ganito, kung ano ang ipapakain ko sa mga bata at san kami titira. Hindi sana mangyayari to kung wala sa buhay namin yang Genie iyan!

"S-so-sorr-ry kuya."

"Kasalanan lahat to ni Genie! Walang hiya siya! gusto ko ulit magwala pero mas lalo lang hinigpitan ni Sandra ang pagyakap sakin.

"S-soorry talaga kuya! H-hindi k-ko sina-sadya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka nagsosorry?"

"Kuya....... hinarap ko siya at umupo para magpantay kami.

"Kuya..... k-ka-salanan ko pong la-ha-hat," mahina niyang sabi.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ka-s-sala-nan ko po k-kuya kung bakit tayo nasu-nu-gan."

"Ha! Alam mo Sandra hindi papatok ang joke m----

"Totoo ang sinasabi ko kuya!" pagsigaw niyang sabi.

"Wag mo ngang pinagtatakpan ang babaeng yon! Sinasabi mo lang yan kasi ayaw mo umalis ang babaeng yon!"

"Totoo yon kuya! Please maniwala ka naman!" pamimilit niya sakin. Alam niya kasing hindi ko kayang magalitan sa kanya kaya siguro pinagtatakpan niya si Genie ay para hindi ko to palayasin. Hindi ko kaya siyang pagalitan dahil isa siya sa mga tumulong samin sa trahedyang iyon. Ayoko ng maalala ang trahedyang yon dahil doon namatay ang girlfriend kong si Genie.


Thank you!

Miss_Stragic

The Unbroken Promise #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon